Sunday, April 6, 2014

DIARY NG PANGET


Grabe. Para akong teenager na kinikilig sa loob ng sinehan kanina watching Diary ng Panget The Movie. Nakakawala ng stress!

Very faithful sa book 'yung movie adaptation. Light comedy na swak na swak sa mga bagets at para sa mga young at heart.

Really enjoyed it. Watch it!

James Reid is LOVE!


Kudos, Viva Films!

Friday, December 27, 2013

THE STRANGERS

MMFF Day 7: THE STRANGERS.

A pretty decent aswang movie with a twist. Super love the story. There's a few jump-scare but not as effective as the "Aswang" episode of SRR 2. Better than SRR 14 though.

Well-recommended to horror fanatics like me! 

My Verdict: 3.5 out of 5

PAGPAG


Commendable ang Production Design ng PAGPAG: SIYAM NA BUHAY.

Passable din ang cinematography.

Pero there's nothing special about the movie: same old scare tactics, tired theme na pinagsawaan na ng Asian Horror noon.

Mas pulido at di-hamak na mas maganda ang SUNDO ni Topel Lee o ng FENG SHUI ni Chito Rono noon na katipo nito ng storyline.

Sa totoo lang, kasing chop seuy ito ng THE HEALING ni Vilma Santos!

Kung fan ka ng Kath-Niel love team, highly-recommended ito for you. Masasakyan mo ang pilit nilang pagpapakilig sa istorya.

Otherwise, watch another MMFF entry.

Sorry to disappoint, hyped lang na maganda at nakakatakot ito.

Monday, December 16, 2013

THE HOBBIT

Was planning to watch The Hobbit: The Desolation of Smaug at SM North Edsa yesterday, buti na lang at sa Gateway na lang kami nanood ni Jelai. If not, baka napabilang kami sa naki-fun run sa Martilyo Gang incident.

Anyways, going back to The Hobbit... we enjoyed watching the movie.

It's better than the first one. Walang dull moment.

It's a spectacular three-hour entertainment. Mangangawit ng slight ang puwet niyo sa pagkakaupo pero its all worth it.

Super sulit ang bayad sa ganda ng movie!

Headbanger 'yung DRAGON!


Watch it!

Friday, October 18, 2013

CARRIE

Sobrang taas ng expectation ko sa remake ng Carrie.

Hindi naman sa disappointed ako, pero mukhang wala na talagang makakapantay sa original version ni Brian DePalma.

The whole time I'm watching, kinu-convince ko ang sarili ko na mas magaling sina Moretz at Moore kesa kina Spacek at Laurie. Alam kong mali pero hindi ko maiwasan. Sobrang fan kasi ako ng original.

Though, magaling sina Moretz at Moore dito, (naroon ang effort nila na mag-create ng bagong Carrie at Margaret) pero you know they're acting the roles.

Unlike Sissy and Piper sa original version, sila talaga 'yung characters. Binuhay nila. Naalala ko, pareho silang na-nominate sa acting awards sa Oscars noon.

Well-executed naman ang iconic bloody prom scene kaso parang may kulang. Yung haunting theme song ba ni Kate Irving noon? Hindi ko tiyak.

Ang mahalaga, faithful itong updated version sa book ni Stephen King.

Nagustuhan ko 'yung idea na for the first time, totoong teenager ang gumanap sa role ni Carrie.

It's still a decent re-adaptation of the novel.

A must-see for Stephen King fans!

Friday, October 11, 2013

GRAVITY

really enjoyed watching GRAVITY...

nagustuhan ko 'yung minimalist take ni Alfonso Cuaron sa isang outer space movie.

simple ang plot at treatment... pati acting ni Sandra Bullock, controlled...

and yet the film is spectacular!

isa siyang kakaibang experience... para kang pinakawalan sa kalawakan kasama ni Sandra Bullock...

kasama mo siyang haharapin ang mga danger sa outer space...

yes, it's a survival movie just like 127 Hours, Life of Pi and Cast Away...

only this time, it's BETTER.

FIVE STARS! :)

#masterpiece #alfonsocuaron

Sunday, September 29, 2013

BADIL

Now, my take on Chito Roño's BADIL:

Quite disappointing... I expected too much din kasi.

Nag-set na ng bar ang Kinatay ni Brillante Mendoza sa ganitong klase ng pelikula.

At katatapos lang din ng OTJ kung saan, tulad ni Jhong Hilario sa BADIL, ang karakter nina Gerald at Piolo ay mga inosenteng tao na nilamon ng masamang sistema.

Anticlimactic ang pag-arrive ng BADIL. Nagmukha siyang malabnaw na version ng Kinatay at OTJ.

Parang kulang din sa research, sa totoong buhay at kalakaran, 500 pesos per head ang vote-buying before election. Lalo pa't sa probinsiya ito nangyari at hindi sa Maynila. Masyadong malaki ang 1000 pesos.

Over-reacting din ang karakter ni Jhong sa mga situations. Hindi ko ma-gets kung bakit kailangang magpanggap na buntis ni Mercedes Cabral? Bakit biglang lumakas si Dick Israel at pumunta sa botohan?

Hindi ko nakapitan ang mga characters dahil hindi makatotohanan ang mga pangyayari at sitwasyon.