Tuesday, May 2, 2017

PSYCHO

30-Day Film Challenge:

Day 12 - The best horror film

PSYCHO (1960/Dir. Alfred Hitchcock) –

perfect horror movie for me. Nandito na lahat: superb acting, topnotch directing, excellent cinematography, powerful and memorable sound design. Pure suspense, blood and gore in black and white!

Ilang beses ko na 'tong inulit-ulit and it still fascinates me.

Monday, May 1, 2017

LEGALLY BLONDE



Day 11 - A film with your favorite actor/actress

"Legally Blonde"

Starring Reese Witherspoon, my favorite Hollywood actress, kung saan pinatunayan niya na puwede rin siyang isabak sa comedy, hindi lang pang serious o drama.

Pinakita niya dito na ang hugis ng mukha ay hindi basehan para ipakita ang pagiging versatile actress. Kahit Piattos ang hugis ng mukha niya, bumawi naman siya sa acting at sa charm.

13 REASONS WHY


Nitong mga nakalipas na araw, palagi kong nae-encounter dito sa newsfeed ko ang tungkol sa 13 Reasons Why TV series. Kaya na-curious ako, I downloaded it sa torrents online nung isang araw. At katatapos ko lang ng episode 2 ngayon.

Taena, ito ‘yung tipo ng TV series na ka-a-adikan kong panoorin noong high school ako. Pasok na pasok siya sa panlasa ko. May feels siya ng favorite kong young adult novel series na Fear Street ni R.L Stine na kinababaliwan kong basahin noong high school ako. To the point na hindi ako kumakain sa recess para lang makaipon ng pambili ng book nito sa National Bookstore na halos monthly e may bagong title na lalabas.

Kung ang Fear Street ay tungkol sa mga estudyante ng Shadyshide High na merong sino-solve na murder mystery, whodunit na pang-teenager ang peg, ito namang 13 Reasons Why ay isang suicide-mystery. Sinu-solve kung sino ang salarin or kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ni Hannah Baker kung saan ang mga suspect ay mga ka-schoolmates niya. At mukhang nasa kamay ng bidang si Clay, ang kaibigan niya, ang ikalulutas ng misteryo.

First time ko lang napanood ito sa isang TV series, na ang handle e suicide-mystery kaya refreshing siya.

Gustung-gusto ko ‘yung ganitong klase ng mga palabas e. I’m more of a ‘feeler’ kesa ‘thinker’. Mas dig ko ‘yung mga palabas na mag-iiwan sa akin ng marka sa puso o maglalaro ng damdamin ko kesa sa mga palabas na pinag-iisip ako. Mas namu-move ang sensibilities ko pag puso ang pinupuntirya sa akin.

Kaso ang bigat ng tema nitong 13 Reasons Why: Rape and Suicide. Kaya hindi ko ito magawang i-binge-watching o ‘yung isang upuan lang e makakailang episodes na ako tulad ng ginawa ko sa LOST, The Walking Dead at Stranger Things noon. Kailangan kong huminto kada episode at para meron akong pinanonood araw-araw, isang episode kada isang gabi. Kailangan kong huminga.

Sa mga mahihilig diyan sa mystery drama like Twin Peaks, ito ang millenials version niya.

Sa mga nakapanood na sa inyo, no spoilers please.

Hindi ito para sa mga taong nasa stage of depression or ‘yung may suicidal tendencies. Makakadagdag lang ito ng bigat ng dibdib niyo.

Sunday, April 30, 2017

THE WRESTLER


30-Day Film Challenge

Day 10 - The best sports film

The Wrestler

Kuwento ito ng dating sikat na wrestler na na-washout na at na-trapped na ang buhay sa pagre-wrestling sa mga pipitsuging arena.

Nagustuhan ko dito 'yung handheld technique ng cinematography. At 'yung rumi-realtime na atake ng editing. Nakadagdag siya ng feeling na shaky and unsure na future ng buhay ni Mickey Rourke, 'yung relationship niya sa estranged daughter niya at dun sa nobya niyang aging exotic dancer.

Sa tingin ko, na-robbed sa Oscar awards ng best actor si Mickey Rourke dito. He delivered a very fine performance. I was rooting for him to win that year. Hindi mo matatawaran 'yung authenticity ng portrayal niya ng laos na wrestler dito. 


Napakahusay!

Isa sa mga best ending ng drama film na nagpa-moved to tears sa akin.

Friday, April 28, 2017

THE SIXTH SENSE


30-Day Film Challenge

Day 9 - A film from your favorite Director

The Sixth Sense

Ito ang dahilan kung bakit ko naging paboritong director si M. Knight Shyamalan. Napapalakpak talaga ako sa sinehan sa twist at ending ng story nito. Gustung-gusto ko kasi 'yung mga pelikulang bobola-bolahin ka sa simula hanggang sa gitna, yung tipong paiikutin ka sa ganda ng kuwento tapos lalatiguhin ka ng isang pamatay na twisted ending. Mapapa-WTF ka na lang habang nagro-roll yung closing credits.

Ito 'yung pelikulang 'yun.

Since then, inaabangan ko na 'yung mga pelikula niya. At kahit 'yung sinasabi ng mga kritiko na pinaka-worst movie niya, nagustuhan ko pa rin.

Loyal fan ang peg.

Thursday, April 27, 2017

FAHRENHEIT 9-11


30-Day Film Challenge

Day 8 - The best documentary film

Farenheit 9-11

Dito nilahad ni Michael Moore ang mga pangyayari kaya nai-push ng Bush administration ang agenda ng di-makatwirang giyera ng US laban sa Iraq at Afghanistan. Very informative.

Top 2 ko ang "Imelda" ni Ramona Diaz - bukod sa pagiging shoe collector, mas makikilala mo at mamahalin mo si Imelda Marcos after watching this docu

Top 3 ko ang "A Jihad For Love" - kung gaano kahirap ang maging bakla sa isang muslim country.

Tuesday, April 25, 2017

NIGHTS OF SERAFINA


30-Day Film Challenge

Day 7 - A film that i can quote a line from...

"Nights of Serafina"

Napanood nyo na ba 'yung 90s camp classic na "Nights of Serafina"? Produced by Regal Films, written by Sir Ricky Lee and Directed by master of camp Joey Gosiengfiao? It is probably the closest to his "Temptation Island" in terms of 'camp' aesthetics...

I saw this on VHS 'nung high school ako at inakala kong bold movie ito... until mapanood ko siya at maaliw sa mga eksena... starlet-studded 'yung film pero mga aktingera sila lahat... this is Angelika de la Cruz' launching movie pero 'yung lead actress e si Georgia Ortega - isang matangkad, bilugan ang mata, model-modelan at boses baklang aktres.

Ayan siya sa poster o, akting na akting!

Winner 'yung linya ditong: "Ganyan talaga ang nangyayari sa mga naglalaro ng apoy: NASUSUNOG!" hahahahahahahahaha.

I heard may sumpa daw ang pelikulang 'to dahil aside from the director, three of its actors ay namatay na...

Oh well, sana makahanap pa ako ng dvd copy. Gusto kong maaliw ulit sa panonood ng old filipino film.