Wednesday, August 10, 2016

PAMILYA ORDINARYO

Mataas ang expectation ko sa pelikulang Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy Jr. Kasi, alam kong mas hihigitan niya ang previous films niyang Bahay Bata at Quick Change. At hindi niya ako na-disappoint. Isa rin ako sa mga nakipalakpak sa pagtatapos ng pelikula.

Akala ko, sa pelikulang Ma’Rosa ni Direk Brillante Mendoza lamang ako huling papalakpak sa isang poverty porn film, ‘yun pala e pati dito sa Pamilya Ordinaryo rin. Humilera ang pelikula sa mataas na bar na itinaguyod ni Direk Brillante pagdating sa socio-realist films sa Pinas.

Kuwento ito ng teenage parents na nakatira sa lansangan at naging biktima ng baby-snatching incident. Kung paano nila hinarap ang mga araw matapos makuhaan ng sanggol na anak ang core ng pelikula.

Hindi pretentious ang kuwento. Totoong-totoo. Well-researched ang milieu at mga characters. Mapapasabi ka sa sarili mong ‘Meron akong kakilalang ganyang pamilya’. Kilalang-kilala mo sila kasi naka-encounter ka na ng ganung mga klaseng tao. Sila ang pangkaraniwang pamilya na matatagpuan mo sa mga kalsada.

Ito ang salamin ng generic Filipino family.

Mapupurga ka sa dami ng murahan dito. E bakit hindi? Yun naman ang reyalidad. Dahil sa sobrang kahirapan ng buhay e normal na ang makarinig ng murahan sa kalsada.

Ang kaibahan lang nito sa ilang pinoy poverty films, hindi masakit sa mata ang camera works ng cinematographer dito. Pero kahit malinis ang cinematography, naroon pa rin ang grit. Magaspang pa rin ang texture nito kesehodang maayos ang pagkakailaw ng mga eksena sa kalsada at maganda ang pagkaka-color grading. Marahil, nakatulong dito ang look ng mag-asawang bida na sobrang dugyot na dugyot kung titignan mo.

Ang pinaka-surpresa ng pelikulang ito ay ang napakahusay na pagganap ni Hasmine Killip. She’s a diamond in the rough. Saan galing ang babaeng ito? Napaka-natural na aktres! Reminds me of Ana Capri during her heyday. At hinaluan pa ng isang mahusay ding support niya na si Ronwaldo Martin na natural na natural ang pagganap.

Above all else, ang magic ng pelikulang ito ay ‘yung story niya. I was moved by it. Lalo na siguro ‘yung merong mga anak. Makakarelate kayo sa emotional and physical struggle ng dalawang batang magulang sa paghahanap ng kinidnap nilang anak.

Sa Pamilya Ordinaryo, ang battle at pursuit ng mga batang magulang na sina Hasmine at Ronwaldo sa paghahanap ng kinidnap nilang anak ay metaphor na kasinghirap solusyunan ang kahirapan sa Pinas.

Ang maitim na utong ni Hasmine sa breast exposure niya dito ang nagsisignify ng estado ng pamilyang Pilipino. Maitim, walang liwanag.

At nakakadistract lang sa panonood e ‘yung mga eksenang nakabukol ang hinaharap ni Ronwaldo Martin. Nawawalan tuloy ako ng focus sa eksena.

My best actress for Cinemalaya 2016 is Hasmine Killip!

Sa mga film enthusiasts dyan like me, habulin niyo sa selected theaters. Hindi kayo magsisisi.

#Cinemalaya2016

No comments:

Post a Comment