Wednesday, November 16, 2016

MISS SAIGON

Year 1990 nang manalo si Lea Salonga ng Olivier at Tony awards para sa Miss Saigon. Big deal ito para sa ating mga Pinoy na pride-hungry. At isa itong international recognition sa galing ng isang pinoy sa larangan ng performance arts. 10 years old pa lamang ako noon at nasa elementary so wala akong pake sa ganyang awards-awards. Kiber. Hindi ko pa ma-appreciate ang musical stage plays or ang teatro. Mas inaabangan ko pa ang mananalo sa Oscars! I prefer movies over theater.

Hanggang sa years after e nakabili ako ng DVD ng performance movie ng Cats The Musical at Rent sa bangketa. Nagustuhan ko ito. At naghagilap ako ng performance movie rin ng Miss Saigon. Gusto kong malaman kung gaano ba kagaling si Lea Salonga dun kaya siya nanalo. Kaso wala pa daw silang copy nun. Kaya nagtiyaga na lang akong panuorin sa Youtube ‘yung mga video clips ng segments ng Miss Saigon. Paputul-putol lang ang mga recorded clips show sa Youtube, hindi ko pa rin makuha ang kuwento ng buo.

Hanggang sa nagkaroon nga ng Philippine staging ang Miss Saigon some years back with Lea reprising her role as Kim. Siyempre na-excite ako noon until nalaman ko ang presyo ng ticket. Ang mahal, libo! Hindi keri ng lola mo. So never akong nakanood ng kahit isa man lang na live performance nito dito sa Pinas.

So dumating ang 2016 at nabalitaan kong ipalalabas daw ang 25th Anniversary Performance sa piling sinehan sa Metro Manila. At very affordable ang ticket price! Kaya di ko ito pinalampas pa. Kanina ay nanood ako sa SM Megamall with a friend.

Tama ang hype simula nung pagkabata ko. Napakaganda pala nitong musical stage play na ito! Tragic love story siya na punumpuno ng emosyon, nagsusumabog sa tensiyon. Ngayon lang ulit ako nanood sa sinehan na bigla na lang tumulo ang luha ko after ng palabas. Much more siguro kung live staging pa ‘yung napanood ko.

Napakasuwerte ng mga nakanood ng Miss Saigon noong si Lea Salonga pa ang gumaganap na Kim. Nakakainggit kayo!

Kahit hindi na siya ang bagong Kim ay siya pa rin ang nai-imagine kong gumaganap dito.

Pinakapaborito kong eksena e ‘yung flashbacks ng paghihiwalay nina Kim at ni Chris. Ito ‘yung dumating ‘yung helicopter para kunin ‘yung mga sundalo at umandar palayo, leaving Kim behind. Winner!

Nadagdagan na naman ang bucket list ko.

Kailangan kong makanood sa Broadway or sa West End ng re-staging ng Miss Saigon! Kailangan ko itong ma-experience sa buhay ko!

#TheHeatIsOnInSaigon

No comments:

Post a Comment