!->
Thursday, November 3, 2016
TROLLS
Simula nang patayin ni Negan si Glenn Rhee sa The Walking Dead, parang pumusyaw ang mundo ko. Sobra akong na-down. Kaya ang ginawa ko, nag-download ako ng sandamakmak na gay films tapos pinanood ko ulit ang mga pelikulang nagpatawa sa akin like Priscilla Queen of the Desert, The Birdcage at Mrs. Doubtfire para manumbalik ang galak sa puso ko. Pero ganun pa rin ang level of sadness ko, lugmok pa rin.
I tried to watch a horror movie three days ago (OUIJA) para mapagtakpan sana ng takot ang kalungkutan ko pero nadagdagan pa ito ng disappointment kasi para lang akong nanood ng episode ng Oka Tokat. Hindi man lang ako natakot sa movie na ‘yun.
So sabi ko baka superhero movie ang magpapalipad pataas ng self-esteem ko kaya pinanood ko ang Doctor Strange nung isang araw. Pero naalog ang utak ko. Anlakas maka-Inception mashed-up with The Matrix! Nagpanic ang brain cells ko sa pag-iintindi ng plot/story.
Kaya sabi ko baka itong fantasy movie na A Monster Calls ang magpapawala ng nalulumbay kong puso. Punyeta, namatayan ng ina ‘yung bida sa ending. Napaiyak ako sa lungkot ng pelikula. Nadagdagan ang level of anxiety ko sa film na ‘yun.
So naisip ko, ano kayang pelikula ang magpapataob sa depression ko? Sana dumating na bago akong tuluyang mabaliw.
Buti na lang, nang lumabas ako kaninang tanghali ng bahay para kumain ng lunch e nakita ko ang dalawa kong pinsan na balikbayan at nag-invite manood ng sine. Dahil never akong tumanggi sa panonood ng pelikula, sumama ako.
Sa Bonifacio High Street kami pumunta para ma-experience daw nila ang 4DX. Wala ang pelikulang Max Steel doon na gustong mapanood ng pinsan ko kaya Trolls ang pinili namin, gawa ng napanood ko na rin ‘yung Doctor Strange at A Monster Calls na palabas din duon.
Super nag-enjoy ako sa panonood!
Natawa ako at nakisabay sa mga cover ng songs sa musical animated film na ito lalung-lalo na ‘yung kinanta ng mga bida ‘yung Sound of Silence at True Colors! Tawang-tawa ako dun sa mala-Bakekang na character na may Cinderella twist, si Bridget.
Next to Frozen, ito ang pinakanagustuhan kong animated musical.
Imagine, after naming manood, nang papunta ako sa CR para jumingle e nadatnan ko yung takilyera ng sinehan na sumasayaw na mala-Beyonce , sinasabayan ‘yung song sa closing credit ng movie. Natigilan lang nung nakita ako. At nang pumasok naman ako sa CR e nagkakantahan ‘yung mga bata sa loob habang umiihi. Nag-enjoy ang mga moviegoers!
Tungkol ang story ng movie sa mga Trolls, na tumatakas sa mga Bergens, na ang trato sa kanila ay mga pagkain, kinakain sila para maging happy. Sa buhay ko, hindi ko na kailangang kumain ng Trolls, kailangan ko lang pala silang mapanood para masiyahan. Napaka entertaining niya!
Highly-recommended ito sa mga magulang na gustong ma-enjoy di lang ng mga anak nila ang pinanood na movie kundi pati nila mismo.
Para akong nainjectionan ng Extra Joss accentuated with ecstasy after ko ‘tong mapanood.
Imagine, itong mga sarat ang ilong na Trolls lang ang magpapanumbalik ng galak sa puso ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment