Friday, May 12, 2017

BLISS

Just got home from watching BLISS.

Nasorpresa ako sa pelikula. Hindi ko inakalang kaya na nating makapagproduce ng ganito kaganda’t katalinong psychological thriller. Hindi lang tayo pang poverty porn or celebration of the human spirit films, pati psychological thriller, kaya na.

Pinanganak na ang Takashi Miike ng Pilipinas. At ‘yan e sa katauhan ni Jerrold Tarog.

May feels and tone ng mga pelikula ni Miike itong BLISS. Yung camera works, story at editing kung saan di mo ma-distinguished kung alin ang totoo sa dream sequence at paranoia. Creepy and claustrophobic.

Ang lupet!

Itinaas ni Tarog ang antas ng Pinoy Thriller genre.

The last psychological thriller na nagustuhan ko e Tagos Ng Dugo pa ni Direk Maryo J. De Los Reyes. Tapos, pumantay nga itong BLISS.

To-die for ang role dito ng lesbiyanang nurse! Napaka-challenging at binigyan ng hustisya ng baguhang aktres.

At hindi nasayang ang breast exposure ni Iza Calzado dito. Maipagmamalaki niya ito!

Kaya, highly-recommended ko itong film na ‘to sa mga naghahanap dyan ng quality Filipino film. At para sa mga mahihilig dyan sa psychological thriller like me, watch niyo ‘to. Go, habulin niyo sa sinehan bago man lang mag-pullout sa mga theaters. Kasi sa first day nga, sa last full show, e nasa sampu lang kaming moviegoers.

Support this film para naman ganahan pa si Jerrold Tarog na gumawa ng ganitong klaseng pelikula.

Unang Filipino film na pinalakpakan ko this 2017. Kudos!

No comments:

Post a Comment