Katatapos ko lang mapanood ‘tong “HAPPY DEATH DAY”. Umisa pa akong horror movie sa sobrang pagka-disappoint ko sa The Open House.
This time, nagustuhan ko siya. Above average horror movie.
Refreshing siya. Kakaibang treatment ng horror movie.
Kuwento ‘to ng isang bitchesang sorority member na sa araw ng birthday niya ay pinatay ng isang masked killer. At tila isang sumpa, magigising siya ulit sa mismong araw ng birthday niya para lang sapitin ang kamatayan sa kamay ng masked killer na ‘yun nang paulit-ulit. Unlimited birthday/day of death in one! Hindi titigil ‘yung loop nun hangga’t di niya nalalaman at napapatay ‘yung masked killer. Sounds fun, ‘di ba?
Ano ang gagawin mo kung sakaling magkaroon ka ng chance na paulit-ulit na mabuhay sa loob ng araw ng birthday mo?
Umi-Inception siya. Ganun ang peg!
Ito ang Groundhog Day ng Slasher Movie! Kakaibang atake sa isang clichéd na formula ng slasher flick.
Horror fans, watch it! Very entertaining siya hanggang dulo kung saan satisfying ang twist. Mari-reveal kung sino ang tunay na killer. Walang harang na pa-open-ended ending. Buo ang kuwento.
May feels siya ng R.L Stine Young Adult Book series na Fear Street, Scream series ni Wes Craven at teen horror movies na sinulat ni Kevin Williamson. Numa-90s horror movie!
Decent horror flick.
Hindi masasayang ang oras niyo sa panonood.
No comments:
Post a Comment