Katatapos ko lang mapanood ‘tong Netflix movie na The Open House. Napamura ako, hindi sa ganda kundi sa inis.
Sa umpisa hanggang gitna e maganda ‘yung build-up ng tension. Maraming effective na jumpscares. Aakalain mong isang magandang home invasion movie ang mapapanood mo.
Pero pagdating ng ending, waley. As in, walang kuwento. Walang pay-off. Walang paliwanag ang mga eksena. Walang ganap!
Tinamad ang writer na bigyan ng dahilan kung bakit niya sinulat ang script. O bahala ka na lang mag-isip ng gusto mong ending. Malaya mong dugtungan ang kuwento. Choose Your Own Adventure ang peg ng movie. Ganyan.
“Ganun lang ‘yun?”. Ito ang masasabi mo matapos mag-end ang pelikula.
Yung tipong nagki-crave ka ng masarap na ice cream sa mainit na panahon, tapos pagdating mo sa 7-11 e walang Magnum. O ‘yung parang sa gitna ng kasarapan niyo ng paglalaro ng jackstone, bigla ka na lang iiwanan sa ere ng kalaro mo. Ganun ang feeling once nag-roll na ang end credits.
Minsan, mapapaisip ka na lang “Paano ito na-iproduced ng Netflix?”.
Huwag niyong panoorin. Magsisisi kayo. Masasayang lang ang dalawang oras niyo, sinasabi ko na sa inyo.
Nakaka-disappoint.
Ngayon lang ulit ako nairita ng ganito sa pinanood kong pelikula.
Kung ano ang ikinaganda ng trailer, ‘yun ang ikinapangit ng ending.
Nakakabanas.
No comments:
Post a Comment