Saturday, December 29, 2018

BIRD BOX


Di pa rin ako maka-get over sa BIRD BOX kaya ito kukuda ako nang slight.

Taena, ang ganda ng pelikula! Napakaganda, actually!

Pinaghalu-halong THE MIST, THE RIVER WILD, A QUIET PLACE at THE WALKING DEAD!

Walang tapong eksena. Walang room para kumalma ka. Nonstop ang suspense!

Yung pang widescreen siya at hindi ka dapat maihi kundi you'll miss out something!

(SPOILER ALERT)

Ang pinakanagustuhan kong eksena sa BIRD BOX aside sa ending e ‘yung eksena sa river bago ‘yung raging rapids (na ang rinig ko nung unang sabihin ni Sandra e rabbits), kung saan, ini-instruct ni Sandra ang dalawang bata sa gagawin. Na isa sa kanilang dalawa ang dapat magtanggal ng blindfold para ituro ‘yung tamang path patungo sa safe community na tinatahak nila. Tapos, super volunteer si Boy na siya na lang daw ang magtatanggal ng blindfold. Nireject ni Sandra ‘yung pagvo-volunteer ni Boy kasi nga tunay niyang anak ito kaya sabi niya instead “Ako na ang pipili sa inyong dalawa” na may subtext na “Si Girl ang napili kong gagawa nun”. At base sa reaction ni Girl, nakuha niya ang gusto ni Sandra kaya nag-volunteer na siya. Awwww. Meaning, at an early age, naiintindihan na niya ang konsepto ng pagsasakripisyo.

Niyeta, sumikip ang dibdib ko sa eksenang ‘yun.

Mas lalo pa nang magdecide si Sandra na wala na lang magtatanggal ng blindfold sa dalawa. Patay-bahala na lang nilang haharapin ang raging rapids. Bahala na si Batman.

Powerful ‘yung eksenang ‘yun! Kasi pinakita niyang pantay ang pagmamahal niya sa dalawa, at tinupad niya rin ang pangako kay Olympia na aalagaan niya ang anak nitong si Girl.

May puso ang pelikula!


Petition for Cindy Curleto sa papel ni Sandra Bullock para sa Pinoy Remake!

VERDICT:

Limang banga para sa pivotal role ng tatlong walang dialogue na ibon sa pelikula.      

Monday, December 3, 2018

ANG PANGARAP KONG HOLDUP


Para sa akin, ang isang comedy film na hindi nagpahalakhak sa akin kahit isang beses sa isang eksena, i considered chaka. Kahit pa super sikat ng bida o maganda 'yung kuwento. Kahit si Matthew Libatique pa ang cinematographer nito.

Kasi comedy film nga 'di ba, tapos hindi ka natawa?

Balik-bayad na lang kung ganun.  

Itong ANG PANGARAP KONG HOLDUP, limang beses akong napahalakhak sa loob ng sinehan. Tawang-tawa ako!

Kuwento ito ng tatlong bobong holdupper na pangarap mag.No. 1 sa piniling karir.

Ganun lang kasimple ang concept.

Pero isang gintong titi ni Datu Puti sa probinsya ang magpapagulo pa sa bobo at saksakan ng tangang mga bida.

Anlakas makagago, 'di ba? Gintong titi!

Sa umpisa, akala ko no-brainer comedy film lang ito. Don't get me wrong, i love no-brainer films. Pambarag 'yan kapag nalulumbay ang starlet. Well, depende pa rin pala. Yung cachupoy levels na comedy, nasusuka na ako dun.

Sabi ko, 'tong concept na 'to nabuo habang ang mga creatives e nag-iinuman tapos, pinitch nang animated at nakapasa sa kainuman din nilang producer na nauto nilang makasama.

Habang tumatagal, naging intelligent comedy na siya. Organized setups, devices, plant-offs, original punchlines.

Oo, may mga nakalusot na contraptions ng setups at punchlines.

Pero nakaiwas sa spoofed conventions at parodied cliches kung saan nagtae ang Vice Ganda and Vic Sotto movies.

At hindi lang siya nag-rely sa mga jokes, kundi pati sa mga characters. Blending ng character-driven at joke-driven ito. That's intelligent humor. Yung tama 'yung timpla. Mahirap ma-achieve 'yun ng isang comedy writer.

Mukhang na-brainstorm at nabuo 'to ng writer habang kainuman niya ang mga tropa niyang tambay na nakatira sa gilid ng riles.  

Mas maappreciate 'to ng male audience.

Ito 'yung pelikulang pag-aagawan nina Adam Sandler, Jim Carrey, Ben Stiller at Sacha Baron Cohen sa Hollywood kapag nagkaroon ng remake.

If you want to be entertained and have a good laugh, watch this. Habulin niyo. Check CLICK THE CITY for cinemas and schedules.

VERDICT:

Apat na banga at ang gintong titi plot na bumarurot sa pelikula.