Tuesday, April 9, 2019

LAST FOOL SHOW

Just came from watching Star Cinema's LAST FOOL SHOW written and directed by Eduardo Roy Jr.

Friend ko 'yung director, si Edong. Kilala siya sa indie world bilang mahusay na writer at director. Awarded pa nga locally and internationally 'yung mga pelikula niya (BAHAY-BATA, QUICK CHANGE at PAMILYA ORDINARYO).

Nang mabalitaan ko last year na gagawa siya ng romantic comedy, i'm a bit skeptical. Si Edong gagawa ng rom-com? May doubts and reservations ako para sa kanya. Bakit? Hindi niya ito boses. Ang linya niya e 'yung mga pa-deep na neorealist na papunta nang poverty porn films. Para akong nakabalita ng Principal na nagpa-tattoo ng dragon sa dibdib.

Pero later on, naalala ko, nang makainuman ko ang isang indie filmmaker some years back, nabanggit ko ditong gusto kong kumawala sa paggawa ng gay indie flicks kaso parang hirap na akong makatakas. Feeling ko trapped na ako. Di ko malilimutan ang advice ng nakainuman kong direktor na 'yun: "as a director, hindi ka lang dapat naka-contain sa iisang genre. Puwede kang mag-explore ng iba. At gagawin mo 'yun para mag-grow ka as filmmaker."

At 'yun sa palagay ko ang gustong mangyari ni Edong, ang mag-grow bilang filmmaker.

Hindi dahil napipilitan lang siya sa bandwagon o agos ng uso.

I had the privilege of reading the early draft of LAST FOOL SHOW. Pinabasa sa akin ni Edong. Binigay ko sa kanya ang take ko pero hindi ako 100 % naging honest sa kanya. Hindi ko nasabi sa kanyang "Hindi mo boses 'yan, kapatid" kasi ayokong ma-discouraged siya. First mainstream movie niya 'to. Star Cinema pa. It's gonna be  a hit or a miss.

Knowing Edong, mahilig mangsurpresda 'yan e. Tingin ko nga sa kanya, nabiyayaan siya ng Midas Touch. Everything he touch, turns to gold. Yung kahit hindi ganun kaganda ang concept, mapapaganda niya. Nang mabasa ko ang PINAKAMAHABANG ONE NIGHT STAND Short Film script niya noon, hindi ko ito nagustuhan. May moda pa nga akong "mas magaling akong magsulat kesa sa kanya" nang mabasa ko 'yun e.  Same thing with QUICK CHANGE at PAMILYA ORDINARYO. Hindi rin ako na-impressed.

Pero pagdating sa direction, halimaw! Dun ang bawi niya, sa execution. All of his Cinemalaya films bagged awards, including Best in Screenplay and Best Directing.

You see, alam kong manggugulat siya kaya sinaloob ko na lang 'yung sanang blunt comment ko.

And i was right.        

It's a hit for LAST FOOL SHOW.

Yes, i know, another Star Cinema rom-com movie. Pero this time, hindi ako na-disappoint.

Now my take on the movie:

(Semi-Spoiler Alert!)

Para sa masa audience, kuwento ito ng dalawang Ex na nag-tandem para i-sabotage ang relationship / wedding proposal ng dalawa nilang former lovers  pero sa huli, sila naman ang nagka-developan.

Sa middle class audience, kuwento ito ng magkarelasyon kung saan nakipagkalas si Boy para si Girl ay umarangkada sa career at maging successful dahil tingin niya, siya ang hadlang sa pangarap nitong maging filmmaker.

At para sa mga pa-deep at intellectual audience naman, it's a semi-satirical take on making a romantic comedy movie, 'yung pinagdadaanan ng isang indie filmmaker sa pagagwa ng mainstream  movie. A movie within a movie na kung saan ang central character, no matter how successful she may seemed, nakakaramdam pa rin ng emptiness. Na kailangan niyang maging open-minded pagdating sa love.

Yan ang pelikula.

Yan ang magic nito. Timpladong-timplado para sa lahat ng uri ng audience.

Pag dumiretso siya ng rom-com, mas magugustuhan siya ng masa audience. Pag dumiretso siyang pa-deep, mas madi-dig siya ng middle class or intellectual audience.

Tinimpla nang maayos ng director ang treatment at structure ng pelikula. Polsihed ang aspetong ito.
     
Ang humor ng kuwento, magugustuhan ng lahat ng audience.

Malinis ang cinematography. Highly-commendable ito. Napaka-glossy!

All the elements of a beautiful romantic movie, evident dito:

Relatable/likeable characters na maganda at pogi. Check!

Pasok sa bangang theme song. Check!

Merong dramatic highlights. Check!

Funny scenario for a hearty laugh. Check!

Kilig overload. Check!

Magical moments. (Yung parehong naka-sirena outfit sa isang underwater scene sina Arcy at JM. Winner 'yun. Refreshing siya kasi bago siya) Check!

Bonus na ang pagiging campy ng ilang eksena tulad ng pag-play ng Ocean Deep everytime na may underwater scenes. Literal na nasa ilalim sila ng karagatan, 'di ba? Hahahahahaha.  Baklang-bakla!

Meron lang akong low-points ng pelikula pero mas personal na 'to.

Hindi lang ako solved sa pagkaka-cast kay Arcy Muñoz sa lead role. Hindi niya kasi ako faney. For me, hindi siya perfect sa role. Don't get me wrong ha. Meron naman silang chemistry ni JM De Guzman at naka-deliver naman siya sa character na pinortray niya. Pero kung si Sarah Geronimo o Bela Padilla 'yan, mas iaangat nito ang pelikula.
Well, ako lang naman 'to ha. Kasi sa lahat ng pelikula ni Arcy, isang beses ko lang siya nagustuhan, sa CAMP SAWI at kasama niya kasi doon ang favorite kong si Bela Padilla.

Although walang tapon ang lahat ng Boracay scenes (as in havs na havs lahat ng eksena dun), medyo dragging ang latter part ng pelikula. Kung sana, mas na-concised pa ito sa storytelling, mas maganda.

Pero nagustuhan ko naman ang final frame sa loob ng kotse habang nagro-roll ang end credits. Nakakatanggal ng hinanakit sa pagka-bitter sa pag-ibig. Nakakavavaeh!

Yun lang naman.

Over-all, it's an impressive Star Cinema debut!

Isang pelikulang after mong mapanood e gugustuhin mong makapunta or makabalik sa Boracay para ma-experience 'yung nagawa ng dalawang lead doon.

Watch it, guys! Worth it siya! Showing na siya today!

VERDICT:


Apat na banga at ang suot ni Snooky Serna sa kabaong na parang gula-gulanit na supot ng Chippy sa pagka-glittery.

No comments:

Post a Comment