Kay tagal kong naghintay ng Pinoy horror movie na magpapapikit sa akin sa isang eksena sa loob ng sinehan dahil sa sobrang takot. Finally, dumating na siya.
In recent years, nagawa ito sa akin ng FENG SHUI.
At ngayon nga, nitong EERIE.
Bilang isang certified horror aficionado, meron akong iniidolong mga pinoy horror directors.
Sina Peque Gallaga, Lore Reyes at Erik Matti, part sila ng childhood ko. Dahil sa mga obra nila, mas tumindi at napanatili ang pagiging horror fanatic ko.
Nang medyo tumanda-tanda na ako, enter Yam Laranas.
Recently, pumasok rin sa radar ko si Jerrold Tarog because of Punerarya episode ng SRR at ng Iza Calzado-starrer niyang BLISS.
Welcome MIKHAIL RED sa elite circle! (Meganun?!)
Sila ang mga tinuturing kong directors na faithful sa pinoy horror genre. Alam na alam nila ang pinasok at ginagawa nila.
Ninanamnam nila ang craft nila kaya nakaka-deliver sila.
Now, my take on EERIE:
(SPOILER ALERT!)
Kuwento ito ng isang guidance conselor sa isang school kung saan sunud-sunod ang suicide na kaganapan ng mga estudyante. Dahil sa kakayahan niyang makakita ng multo, ita-try niya itong ma-solved sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ito.
Bakit?
Upang ma-redeem ang sarili niya sa pagkamatay ng kanyang kapatid because of suicide noon na hindi niya na-prevent.
Fragile woman. Haunted place. Vengeful Ghost. Mystery-solving.
Tama. Asian Horror formula.
Para siyang pelikula nina Hideo Nakata (RINGU at DARK WATER) at ng Pang Brothers (THE EYE series).
Unsettling ang atmosphere niya. I was expecting a slow-burn horror movie based sa trailer.
Pero hindi e, from start to finish, agitated na agitated ako sa upuan. Yung kumukulo 'yung dugo ko sa sobrang kaba. Pinaghalong takot at kilabot. Patindi nang patindi ang tension na nararamdaman ko sa pag-unfold ng susunod na eksena. Intense siya! Yung konti na lang e magpapakawala na ako ng mahabang tili kapag may pusang itim na tumalon kay Charo Santos para kalmutin ang nunal niya sa mukha. Yung napapapikit ako kapag may sumusulpot na multo. Yung natatakot akong maihi at pumunta sa CR mag-isa dahil baka sundan ako ng starlet na gumanap na multo.
Ganun. Makapanindig-balahibo ang mga jumpscares niya!
Na-miss ko 'yung ganung feeling e. I was in elementary pa nang huli kong maranasan 'yun sa SHAKE, RATTLE and ROLL 2.
Oh, well. Ako lang 'to ha. Kaya iniiwasan kong manood ng ghost movie, kasi super affected talaga ako sa multo-multo na 'yan. Kahit nga sa old pinoy comedy movies noon na may eksenang biglang susulpot 'yung multo sa screen, kinatatakutan ko. Or sa mga Halloween episodes na lang ng Magandang Gabi Bayan ni Noli De Castro rin noon, hindi ko kinakaya 'yung mga ghost segments nila. May phobia ako sa multo. Yan ang prank na kapag ginawa sa akin ng isang kaibigan e hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad.
Nari-retain kasi sa memory ko 'yung mga eksena, lalung-lalo na 'yung hitsura ng multo. nagiging photographic memory at nagmimistula siyang flashes sa buong buhay ko. Madalas, lumalabas pa siya kapag mag-isa lang ako or kapag madilim.
Dito sa EERIE, nanghilakbot ako sa isang eksenang hinahatak ni Charo Santos 'yung lubid sa cubicle to reveal 'yung naka-hanged na school girl. Nakakakilabot 'yun.
Taena, isang buwan 'yun na mananatilling vivid sa memory ko bago mawala.
Anyways, kung sino man ang naka-scout ng location ng movie, napakahusay mo. Amperfect ng school sa kuwento.
Parang ganito ko nakikita ang scenario kung paano nag-materialize 'tong movie na 'to e:
Nalaman ni Charo Santos na may pelikula sa Netflix si Mikhail Red. Gusto ng lola mong magkaroon ng streaming movie rin sa Netflix kung saan isa siya sa bida. Kaya't kinontak niya si director at hiningan ng concept para sa kanila ni Bea Alonzo. Mainstream horror, ghost story, sabi ni Charo.
Si Mikhail Red, kasama ng kanyang dalawang co-writers, nagbasa ng Philippine Ghost Stories. Nakapili sila ng magandang kuwentong itu-tweak at pakakapalin.
Sinulat nila ang sequence treatment at pinabasa kay Madam Charo. Revise. Bigyan niyo kami ng magandang eksena ni Bea, 'yung nasa iisang kuwarto lang kami, utos ni Charo.
Second revision. Pinasa.
Wala tayong handle? tanong ni Charo.
Third revision. Ang mga writers nag-incorporate ng 'pambubully sa school". Pinasa ulit.
Masyadong mababaw. Dapat 'yung substancial, sagot ni Charo.
Fourth revision. Sinalpak ng mga writers ang anggulong 'suppression' from catholic school, peers, family, etc. Pinasa ulit nila.
Ipasok niyo sa kuwento si Jake Cuenca, pa-birthday ko sa manager niya, dagdag na hirit ni Charo.
After fifth revision, approved!
Original Title: PHILIPPINE GHOST STORIES The Movie
Change the title, make it eerie, huling utos ni Charo.
Tsaran... EERIE!
There are horror cliches: nagpakamatay na school girl, haunted school, mga multong lumuluha ng dugo at ang mga naka-Chin Chun Zu sa puting mukha ng mga multo. Pero hindi ito annoying.
Bakit?
Kasi effective pa rin siya.
Hindi ito 'yung tipong loud and effects-heavy hollywood horror movie. O nagpapaka-modang "Big Horror Movie Ito" na mala Chito Rono. Walang kagaguhang ganun.
Simply, it's a polished and pretty decent ghost movie that will give you sleepless nights. Gusto niyo ba 'yun?!
Ito 'yung mga pelikulang perfect para sa mga bagong magjowa. Gugustuhin ito ng mga lalaking may bagong girlfriend kasi panigurado, ipagsisiksikan ng mga nobya nila ang mga katawan nito sa kanila sa sobrang takot. Si girlfriend, mafi-fingger nang wala sa oras sa loob ng sinehan.
Happy pepe. Palakpak betlog.
VERDICT:
Apat at kalahating banga!
At ang nunal ni Madam Charo na hindi naglakad na parang garapata sa buong pelikula.
No comments:
Post a Comment