Wednesday, March 13, 2019

ULAN

Kahapon, sinimulan ko ang pagsusulat ng script for Maynila episode. After ng three sequences, nahirapan na akong umaarangkada't magpatuloy. Para akong nawalan ng gasolina at drive sa pagratrat ng mga letra.

Alam ko na, hindi ako recharged.

Matagal-tagal na kasi akong hindi nakakanood ng sine. Lagpas two months na. Last ko pa e 'yung AURORA.

E isa 'yun sa routine bago ako makapagsulat. Kailangan ko ng cinema house ambience para lumabas ang creative juices ko sa katawan. Nare-revitalize ako kapag nakakarinig ng Dolby Surround Sound o dubbed conversation ng mga artista, nakakakita ng opening billboard/end credit rolls at ng moving images sa big screen. I love watching movies.

Kasalanan 'to ni Netflix e. Simula nang mag-subscribe ako sa Netflix,  tinamad na akong mag-effort mag-ayos at dumayo ng sinehan para manood ng pelikula. Dami ko nang napalagpas na pelikula sa sinehan sa first quarter ng taon. Napagkait na ang first-day movie watching experience sa akin. Nakakakuha pa naman ako ng certain high kapag ganun.

So, tumingin ako ng bagong pelikulang palabas diyan sa Robinson's Forum (na 5 minutes bus ride away lang from my place). Buti naman at natapos na ang Captain Marvel Film Festival.

Siyet, may ULAN ni Nadine Lustre.

E nandun si Marco Gumabao!

15 minutes later, nasa bus na ako papuntang Forum.

Enough of this pautot-pasakalye. Namnamin na natin ang pelikula.

(SPOILER ALERT, mga mumsh)

High concept ito. Meaning, sa isang pangungusap, kuha mo na ang kuwento. Tungkol ito sa isang dalagang binabase ang pag-ibig sa ulan at tikbalang, picky kaya't kadalasan e nauuwi sa failed relationship ang love life niya, na nang matagpuan na ang lalaking mamahalin niya, nalaman niyang ito'y isang seminarista.

TOINK.

Bagung-bago ba?

Oo, seminarista. Love versus religion eklatinang bargain.

I swear, gusto kong batuhin ng hawak kong Gong Cha Milk Tea 'yung big screen sa inis ng pa-twist.

It's a big let-down sa tulad kong sucker for movie twists.

Nagsimula ng tahimik ang pelikula... payak na payak. Walang pasabog. Pumik-ap lang siya sa akin nang lumabas na si Marco Gumabao.

Then, nakipaghiwalay si Marco kay Nadine sa kuwento. So, fly na rin ang character ni Marco sa pelikula.

Enter Carlo Aquino.

I was waiting for a pay-off sa character ni Carlo. Sana siya na lang 'yung kababatang mabait kay Nadine sa flashbacks. Why? Yun ang expected sa romantic movie. Somewhat connected ang leading man sa past ng bidang babae. Kilig factor 'yun. Magugustuhan 'yun ng romantic moviegoers.

Pero, walis. Di pinuntahan ng writer. Pinagdamot sa audience.

Pero, huwag ka. Aside lang sa cliche na gay bestfriend character sa pelikula, this romantic movie is quite commendable.

Hindi siya pang-Star Cinema. Nope, hinding-hindi ito ipo-produce ng Star Cinema.

Kung mababasa ni Antonette Jadaone or Dan Villegas ang script nito, sigurado akong kakainan lang nila 'to ng butong pakwan sa conference table at hindi magkakainteres na idirek.

Kakaiba siya.

Parang pinagsulat o pinagdirek mo si Alvin Yapan ng mainstream romance movie. Ganyan. Pa-deep at may element ng folklore.

Tikbalang, besh.

TIKBALANG!

Yun na nga, halos batuhin ko 'yung screen ng milk tea sa walis na twist/revelation sa character ni Carlo.

Nakakayamot.

Pero nang patapos na ang pelikula, nakabawi siya sa ending. Nailiko niya ako. Nadeceived niya akong nakanood ako ng disenteng romantic movie.

Bakit?

Aside sa polished editing, cinematography (Neil Daza, ladies and gentlemen) at directing... havs sa akin 'yung final frame!

E pinakaimportante talaga sa akin ng final frame kapag nanonood ako ng isang movie kasi ito ang pinakahuling mari-retain sa memory ko. Kadalasan, 35% ng ikagaganda ng isang pelikula, para sa akin, naka-base sa final sequence/frame.

Ang pinakanagustuhan ko dito, 'yung allegory ng ulan o bagyo sa luha ng nabigong pag-ibig at 'yung premise sana nitong "matutuloy ang pag-iibigan kahit tumutol ang langit" na hindi natuloy.

Winner 'yun.

Over-all, may sundot sa puso ang pelikula.

Huwag asahan ang kiligan moments kasi kinulang ito doon. Mukhang hilaw pa si Nadine Lustre na humiwalay sa JADINE at magsolo. Kasi kailangan pa rin niya si James Reid sa eksena para mag-shine.

Hindi ko naman masasabing pangit ang movie, hindi ko lang siya panlasa. Para akong nagbasa ng magandang romantic novel or poem pero Philippine Ghost Stories ang hanap ko. Gets mo ba?

Pero itong ULAN, refreshing. Nag-ambag siya ng bago sa lamesa. Kaya hindi nasayang 'yung effort at pera ko sa panonood.

Ang bago dito, ang pag-incorporate ng element ng magic realism sa kuwento. Bihirang-bihira 'yan sa pinoy mainstream romantic movies.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang hindi lumabas na frontal ng tikbalang na inasahan ko pa man din.

No comments:

Post a Comment