Sa totoo lang, mas nag-enjoy pa akong panoorin 'tong PANSAMANTAGAL kesa sa ULAN.
Hindi ko sinasabing mas maganda 'to kesa sa pelikula ni Nadine Lustre ha.
Take ko lang 'to.
Bakit?
Kasi ito 'yung klase ng pelikulang sa sobrang payak ng kuwento, sasabay ka sa agos at magiging tahimik, maayos ang paglalakbay mo hanggang sa matapos.
Yung hindi ka pag-iisipin ng malalim.
Yung tipong hindi ka makakapag-comment ng "nakadagdag pa 'to sa iniisip ko".
(SPOILER ALERT!)
Two major lead plus 3 supporting characters na halos nangyari sa iisang lokasyon lang ang kuwento.
Parang GMA Telesine lang noon.
Hindi mo kailangang maging deep para magustuhan ang pelikula.
Wala ngang bago.
Luma na ang mga characters. Isang writer, kerida at babaeng virgin, pinagsama-sama mo sa iisang resort. Batuhan ng mga hugot sa pinagdaraanan nila sa buhay.
Tapos, sa ending reflections sa buhay, ganyan.
Kung mas na-flesh-out nga lang 'yung kuwento, tapos palitan mo ng mas batang artista yung mga bida (hindi sa hindi bagay kina Gelli, Bayani at DJ Chacha 'yung mga role - they performed well pa nga - just to add millennial vibe ba), salpakan mo ng theme song ni Moira, gawin mong si Antonette Jadaone ang direktor at iprodyus ito ng Star Cinema, mas maganda na ito kesa sa ULAN.
Maaaring pumantay pa nga ito sa mga romantic movies ni Jason Paul Laxamana.
Kung old soul ka, writer or mahilig sa beach, maa-appreciate mo ang pelikula.
May sundot din ito sa puso. Mapapatawa at mapapangiti ka rin sa ilang eksena. Aliw ang batuhan ng linya.
But don't expect too much.
Nonetheless, it's a pretty decent romantic movie. Malinis ang pagkakagawa. Di naman masasayang ang bayad mo.
VERDICT:
Tatlo't kalahating banga at ang hindi mawala-walang "malaking titi" sa dialogue ng mga bida. As in, 'yun parati ang punchline ng mga eksena. Na-fixate yata sa humor na 'yun ang writer, hindi niya talaga mapakawalan.
#Pansamantagal
No comments:
Post a Comment