Sa lahat ng mga may problema dyan, stressed or lungkot-lungkutan mode, treat yourself...
Watch this Netflix movie, ISN'T IT ROMANTIC!
Nakakawala ng problema!
Sumalpok lang si Rebel Wilson sa poste ng subway tapos paggising niya, napunta na sa mundo ng romantic comedy ang buhay niya.
Ganun kababaw pero magbibigay sa inyo ng aliw at magandang pampalipas oras.
Mapapangiti ang mga pepe niyo! PROMISE! Walang keme.
Para kang nai-injectionan ng happy pill after watching this movie.
Nakaka-refresh!
Well-recommended ko 'to sa mga friends kong mahihilig sa romantic movies, hopeless romantic at yung dig na dig ang 80s at 90s music.
Pambarag din ito sa mga pa-deep at cerebral movies na napanood niyo.
Paminsan-minsan, kailangan niyo ding magpaka-shallow.
Para sa inyo ito!
Believe me, ma-appreciate niyo 'yung movie.
VERDICT:
Apat na banga!
No comments:
Post a Comment