Tuesday, March 5, 2019

CAPERNAUM

Naging pink na naman ang utong ko sa napanood na magandang pelikula.

Correction, napakagandang pelikula.

Itong Lebanese film na CAPERNAUM na kapapasok lang sa Top 10 List ko ng Favorite Foreign-Language Films.

Ito dapat ang nag-uwi ng Best Foreign-Language Film award nitong nakaraang Oscars e. Hindi 'yung overrated na ROMA. Palagay ko isang utot lang ang naging lamang ng Alfonso Cuaron film sa kanya.

Nung napanood ko pa lang 'yung trailer nito last quarter of 2018, alam ko nang magugustuhan ko 'yung pelikula e. Kasi naka-sensed ako ng CHILDREN OF HEAVEN at THE KITE RUNNER vibes sa nakita kong mga eksena. Akala ko rin tungkol sa children of war-torn Syria ang kuwento. Hindi pala. Though somewhat naidugtong nang bahagya sa kasalukuyang Syrian war yung kuwento, pero hindi ito naka-focus sa giyera. Giyera sa kahirapan ang tema nito. Poverty porn! Slums, child labor, syndicate, illegal immigrant, prison... Lahat 'yan napasadahan ng pelikula

(SPOILER ALERT)

Tungkol ito sa batang lalaki na nagsampa ng kaso laban sa mga pabayang magulang niya.

Bakit?

Tinatamad akong ikuwento 'yung detalye pero sulit ang mapapanood mo. Yun ang pelikula told in flashbacks.

At saka para manamnam mo ang pelikula, dedma na sa pa-buod. Wa na sa ganung palabok.

It reminded me of CENTRAL STATION at CINEMA PARADISO kung saan ang bidang batang lalaki, bukod sa napakahusay umarte, e charming. Yung perfect siya sa role. Yung wala ka nang ibang artistang nakikita pang gaganap sa role. Yung maiiba ang timpla kapag hindi siya ang gumanap. Oo ganun ka-crucial ang pagka-cast sa batang lalaki.

Unang frame pa lang niya, mararamdaman mo na kaagad 'yung pinagdaraanan niya. Consistent 'yun sa buong pelikula. Damang-dama ko ang "pasan ko ang daigdig" moment ng karakter niya. Ganun ang ka-effective ang bagets! Yung sulimpat pa lang niya, parang nagsasabi ng "Putang-in@ng kahirapan 'to." Na alam niyang hindi na gaganda pa ang buhay niya. Na trapped na siya sa sitwasyon ng paghihirap.

Gustung-gusto ko talaga 'yung mga pelikulang tulad nito. Yung nakasentro sa bidang pinakakawalan ng writer at hindi ginagawang tutang naka-kadena. Yung may sariling desisyon tapos susundan at susubaybayan mo kung paano siya makaka-survive sa mga kakaharaping problema. Yung hindi plant-offs, insidente, twist o pa-big reveal 'yung magpapa-move ng istorya. Yung aandar 'yung kuwento dahil sa mga desisyon niya sa buhay. Character-driven ba tawag dun? Basta, 'yung hindi ginagawang hawak ng writer 'yung kahahantungan ng character. Yung may sariling buhay 'yung bida. Kung di mo ma-gets, bahala ka. Wala akong pakialam sa'yo. Mas mahalaga pa ang engagement ni Joyce Ching kesa sa opinyon mo, noh.

Tuwang-tuwa din ako sa eksenang tumanggi 'yung batang magpahawak sa isang pedophile na bakla. Yung binantaan niya itong "Subukan mong hawakan ako" or words to that effect. At least, malinaw ang stand ng writer o director dito na hindi lang prostitusyon ang means of survival ng mga mahihirap. Na kahit mahirap ka lang, puwede mong hindi pasukin ang pagbebenta ng katawan o magpa-corrupt sa iba kahit alam mong mapagkakakitaan mo ito. May dignidad ang batang bida. Nagustuhan ko 'yun.

Bago din sa akin 'yung set-up ng ibang eksena dito. Ngayon ko lang napanood 'yung build-up na itinago nila ng kapatid niyang babae 'yung pagkakaroon nito ng menstruation para hindi muna ito i-collateral ng mga magulang sa anak ng landlord nila. Winner 'yun.

Pinaka-favorite ko rin dito 'yung eksenang ginawang make-shift stroller ng batang bida 'yung skateboard na may nakapatong na malaking kaldero tapos hatak-hatak niya sa highway. Ito 'yung naging official poster ng pelikula. Palagay ko, 'yun din ang nagdala ng pelikula sa Oscars. Napa-split ang mane ko dun.

Ang pinakanagustuhan ko sa pelikula e ang napakalinaw nitong mensahe na nasagap ko at tumagos sa puso ko: be a responsible parent.

Maging gabay sa anak niyo lalung-lalo na pagdating sa aspetong moralidad. Huwag nang magluwal ng sanggol sa mundo kung hindi naman maaalagaan o mapapalaki ng tama 'yung bata. Huwag pagkaitan ng magandang buhay ang anak na ipinangak niyo sa mundong ibabaw.

Mas malinaw pa sa nota ng jowa mong afam ang mensaheng 'yan ng movie.

Siyempre, 'yung final frame ang pinalakpakan ko sa pelikula. Palagay ko rin, ito ang nagpanalo ng Jury Prize sa Cannes at nagpa-nerbiyos kay Alfonso Cuaron.

Kung napanood ko lang 'to sa big screen, mapapaiyak talaga ako sa ganda.

VERDICT:

Apat at kalahating banga! Kulang ng kalahati dahil nakulangan ako sa scoring ng movie. Pero nonetheless, it's a near-perfect film. Mas maganda pa ito kesa sa PATIKIM NG PINYA.

No comments:

Post a Comment