Friday, November 29, 2019

FROZEN 2


Big fan ako ng original FROZEN.

Naalala ko six years ago, mag-isa ko itong pinanood sa SM Megamall. Lumabas ako sa sinehang nakangiti at blown away.

Kinabukasan na kinabukasan rin, bumili ako ng CD ng soundtrack nito.

Inaraw-araw ko 'yun hanggang sa magsawa na 'yung kapitbahay ko sa kapapakinig sa sabayang pagkanta ko sa CR. Wa kems. Kulang na lang e tumuntong ako sa inodoro kapag bine-belt out ko 'yung chorus ng Let It Go.

Nagsawa na lahat pero 'yung tenga ko, hindi pa. Nakabisado ko pa nga halos lahat ng lyrics nun e.

Next to THE LITTLE MERMAID, instantly 'yun ang naging favorite Disney animated musical ko.

At pasok siya sa Top 10 List ko ng Best Animated Movies Of All Time sa pangunguna ng ISKO: ADVENTURES IN ANIMASIA. Chos.

Itong FROZEN 2, wala talaga akong planong panoorin. Kasabayan kasi 'to ng unang mainstream movie na kino-write ko, ang ADAN. Kontrabida 'to sa buhay ko. Pinataob kami nito sa box office e. So bakit ko tatangkilikin, 'di ba?

Pero, may forgiving heart naman ako. Ako 'yung taong walang ka-grudge grudge sa mga bagay na nakapagpasama ng loob ko. Saksi ang mga punyetang nanggago sa akin noon na nasa listahan ko ng ipatutumba sakaling yumaman na ako.

Chos ulit.

Dahil wala nang ADAN sa sinehan, i finally decided na silipin itong sequel ng FROZEN.

Hindi ako na-disappoint. Napakaganda!

Subalit... datapwat... bagaman...

Meron lang akong munting puna.

Sa mga nakanood na...

Medyo mataas siya, 'di ba?

Yung hindi siya pambata.

O sadyang ganitong level na ang katalinuhan ng mga bata ngayon? Kalinyahan na lahat ni Greta Thunberg ang understanding? Na ako na lang ang hindi upgraded at fixated sa notion ang cartoons e dapat kasing babaw at kasing-kingkingan lang dapat ng Cinderella o Princess Sara?

Kasi aside kay OLAF at sa visulas, hindi na ito pambata e.

Well, i'm speaking about the content - 'yung substance ng kuwento,  hindi pang grade school.

Mas papasang pang-Young Adult.

Kasi though tungkol ito sa journey ng mga bida sa Enchanted Forest para madiscover ang nakaraan ng kingdom at masolve ang misteryo ng enchanting voice, mas may deeper implication pa 'yung pelikula. Tungkol sa tiwala't pagtatraydor.

Puwede nga itong representation ng kinakaharap ng Pilipinas sa ngayon.

Yung Grandfather nina Elsa, puwedeng kumatawan sa bansang China.

Yung Enchanted Forest e ang Pilipinas.

Yung leader ng Northuldra, si Duterte.

Yung dam, ito 'yung mga proposals, mga huwad na pangako, deal na napagkasunduan nina Duterte at China.

Yung mga natirang tribe ng Northuldra, mga Dilawan.

Yung mga na-trapped na troop ng Arendellian soldiers, mga Dutertards.

Tapos, sina Elsa at Anna 'yung mga pinoy political activists na magtatama sa future sa nangyaring kaululan ng PDuts Administration sa past.

Then 'yung mga Earth Giants, 'yung mga pinoy na nagrebolusyon sa future.

Yan ang pumasok sa radar ko.

Pinakanagustuhan ko sa pelikula, si OLAF. Minsan lang ako makakita ng sidekick na hindi bobo. Malalim 'yung snowman na ito. Daming alam. At napaka-funny niya! Winner 'yung mga punchlines niya.

At hindi rin disappointing ang soundtrack ng movie.

Mapapakanta ka talaga ng "Into The Unknown" paglabas mo ng sinehan.

VERDICT:

Apat na banga at ang mas mahaba't malagong blondinang nakatirintas na hairdo ni Elsa na gagayahin na naman ng mga baklang impersonator sa mga future shows nila. Paghandaan ito.

Tuesday, November 19, 2019

ADAN SHOWING NA BUKAS!

Sugod na sa sinehan para sa #ADANmovie. Bukas na!

Nov 20 in cinemas nationwide.

Thursday, November 14, 2019

ADAN Advance Screening (FREE ADMISSION)

Here's your chance to watch #ADANmovie in advance and for free!

Watch the special advance screening this November 18, 2pm at UP Cine Adarna! Registration starts at 12nn. This will be in a first come, first serve basis!

ADAN opens November 20 in cinemas nationwide! UP Film Institute

Tuesday, November 5, 2019

NUUK



Niyeta. Ang ganda ng NUUK.

Kung ano ang inexpect ko sa trailer, 'yun ang napanood ko.

Sa simula, aakalain mong love story na may malungkot na ending ang pelikula sa pagmi-meet nina Alice at Aga na parehong nasa depressive state. Talak dito, talak doon ang characters nilang dalawa. Getting-to-know each other phase pa sila.

Sume-semi-comatose movie siya sa simula or dahil kaya sa milieu? Effective at ang perfect kasi ng Nuuk bilang backdrop ng kuwento.

Sa totoo lang, hindi pa ako sold sa pagka-cast kina Aga at Alice sa umpisa. Sa isip-isip ko, hindi sila ang perfect casting. Mas si Derek Ramsey at aktres na Maricel Soriano-caliber ang nakikita ko dito.

Until pumasok 'yung anak ni Alice, naging mother-son drama na ang timpla. Again, hindi rin ako sold sa pagka-cast sa anak ni Alice dito. Mukhang ewan. Hello, mas marami pa naman sigurong good-looking at marunong umarteng Danish boy kesa sa gumanap. Mukhang anak ng producer kaya naisingit lang e.

Sa puntong ito, medyo nabo-bore na ako. Mukhang walis 'tong movie, nasabi ko sa sarili ko.

Slow-paced kasi. Walang ganap sa kuwento. Puro chikahan.

Hindi malinaw ang pinupuntahan. Love story ba ito or family drama? At saka bakit ang gloomy ng timpla? May pay-off ba ito sa ending?

Akala ko madi-disappoint ako ni Veronica Velasco for the first time. Lahat kasi ng pelikula niyang napanood ko, nagustuhan ko. Faney ako ng mga movies niya. From INANG YAYA to DEAR OTHER SELF, lahat nagustuhan ko talaga.

Then sa Third Act, naging mystery-thriller na ang moda. Teka nga, baliw ba si Alice? May pagka-psycho-thriller na ba ito?

Nag-escalate ang pelikula.

At ang panalong twist. BANG!

Nahulaan ko man 'yung twist pero huli na. Nandun na mismo sa eksena kung saan mari-reveal na kay Alice ang lahat.

Lahat ng mga pangyayari sa simula, nag-make sense sa ending. As in lahat, walang naiwanang butas. Tahing-tahi ang lahat. Pulido ang pagkakasulat ng script.

Pati 'yung disappointment ko sa pagka-cast kina Aga, Alice at dun sa anak e binalewala ko sa ganda ng twist.

Napapalakpak ako.

Meron akong napanood na US movie na may katulad na ganitong treatment noon e. Nakalimutan ko lang 'yung title at mga artista. Pareho rin ang setting, may pa-snow-snow kineme rin.

Pero wala pa akong nakitang ganito sa Pinoy movie. Wala itong katulad dito. Kakaiba siya.

Tagumpay ang blending ng romance, drama at thriller. Nag-create siya ng sariling timpla.

Kung ito mapapanood ng foreigner producer, iti-tweak lang ito ng konti (babaguhin ang milieu at iwa-whitewashed casting lang), hollywood movie na.

Nakikita ko sina Diane Lane or young Sally Field sa role ni Alice at isa kina Jake Gyllenhaal or Ryan Gosling ang perfect sa role ni Aga. Tapos sa role ng anak ni Alice, si Tom Holland. At isa sa dalawang gaganap sa lead role ang mano-nominate sa Oscars.

Ganun kaganda ang concept. Pang-hollywood material siya.

Hindi rin ako magugulat kung magkakaroon ito ng South Korean remake sa near future.

Sa mga mahihilig sa mystery thriller with unexpected twist diyan like me, highly recommended ko 'to sa inyo. Di masasayang ang effort at pera niyo.

Topnotch Pinoy thriller. Mabigat nga lang ang handle.

Panoorin niyo!

VERDICT:

Apat na banga.

ADAN SHOWING ON NOV 20 NATIONWIDE


ADAN

A farmer's daughter enlists the help of her best friend to escape the clutches of her father and lonely life in the barren rice fields of her youth — their friendship deepening into a sexually charged romance and threatened by secrets that could end the two women's love affair.

Directed by Roman Santillan Perez, Jr.
A story written and produced by Yam Laranas
Screenplay by Jonison Fontanos & Roman Perez, Jr.

Starring Cindy Miranda and Rhen Escaño

FRACTURED

Dalawa lang naman ang possible conclusion ng isang psychological thriller. Either, totoo o hindi ang nagpapakurta ng utak ng bida. So, predictable na ang ending.

Mas interesting sa akin 'yung journey ng movie. Kung paano niya ako binaliw sa pag-iisip if ano ba ang totoo sa kuwento ng bida? Kung paano niya ako hindi pinaantok kahit simple lang ang premise at boring ang camera works.

Dun ako sa magandang pagkakalahad.

Hindi kaya fragment lang ng kurtadong utak ng bida ang lahat?

O baka totoo namang nangyari pero wala lang naniniwala sa kanya?

Kaya applauded sa akin 'tong FRACTURED sa Netflix e.

Ganda ng treatment!

Kasing level ng IDENTITY, PRISONERS, BLACK SWAN at FRAILTY 'to sa akin.

Much better than the disappointing SHUTTER ISLAND.

To think, minimal lang ang locations ng buong pelikula. Tatlo lang, i think. Isa pa dun ang highway.

Na-pull off ng director ang isang magandang script.

Apat na banga.

Friday, November 1, 2019

Pasilip sa ADAN (Directed by Roman Perez Jr.)

Dito tahimik. Dito malayang magmahal.

#ADAN is showing in Philippine cinemas starting November 20.

Starring Rhen Escaño and Cindy Miranda.

Film by Roman Santillan Perez, Jr.

Story written and produced by Yam Laranas

Screenplay by Jonison Fontanos and Roman Perez, Jr.

#LoveLustLiesAdan