Friday, December 20, 2019

STAR WARS: THE RISE OF SKYWALKER


Hindi ako faney ng STAR WARS.

Pero everytime na merong bagong Star Wars movie, pinanonood ko talaga sa sinehan.

Bakit? Kasi gusto ko ang nai-experience kong visual spectacle na ini-offer nito. Interesting din sa akin ang mga alien creatures at mga out-of-this-world characters dito. Siyempre, hindi rin matatawaran ang bakbakan ng mga Jedis at Siths.

Well, given na 'yun.

Pero 'yung saga part... Leave it to the nerds. Hindi siya para sa akin.

Oo, nakapag-create siya ng sariling universe pero, ewan ko ba, hindi lang interesting sa akin 'yung politics at war angle na malaking element ng story arc ng buong Star Wars franchise. I hate political and war movies. I find it boring.

At sa totoo lang, nandun pa rin ako sa modang si Darth Vader pa rin ang kontrabida sa Star Wars.

Tulad ng ang panahon na ang pinakakilala ko sa PBA e nahinto kay Jaworski.

Sa NBA, si Michael Jordan.

Sa Rap, e Bone Thugs & Harmony pa rin.

Sa video game, Super Mario.

Sa divahan, si Whitney Houston pa rin.

Sa wrestling e sina Hulk Hogan, Jake The Snake at Andre D' Giant pa rin.

Na-fixate yata ako sa 80s at 90s era. Yun kasi ang bumuo ng pagkabata ko.

Yun ang definitive years ko e.

Ang tanging na-update lang sa firmware ng utak ko, 'yung Porn Actors.

Done na ako kina Ginger Lynn, Asia Carrera, Jon Dough at Peter North. Napagfinggeran ko na 'yang mga 'yan e. Naubos na nila ang lakas ko noon.

Pumasok na sina Jordi El Nino Polla at Brent Corrigan sa radar ko ngayon at in-embrace ko na sila sa utak ko. Na-gangbang na nga nila ako e.

QUIBOLOY STHAP.

Mabalik tayo dito sa finale diumano ng STAR WARS franchise, itong THE RISE OF SKYWALKER.

(Finale daw, o)

If I know, parang SHAKE, RATTLE AND ROLL lang 'yan. Ngayon pa lang, binubuo na ng creatives ang material para sa future sequels nito. Hangga't merong mapipiga sa kuwento nito, ipu-push pa rin ni George Lucas. Jusko. Sayang kaya ang cult following. Sayang ang kita. Bilyones din 'yun.

At sasabihin ko, sa lahat ng STAR WARS movies, dito ako sobrang nag-enjoy. Hindi sa KOKEY, anuvah.

STAR WARS: THE RISE OF SKYWALKER was a very satisfying movie experience.

Niyeta. This is how you end a successful franchise. Kung totoo man na ito na ang pinaka-final movie ha.

After ng ending, nang mag-roll ang end credits, saka ko lang nalaman na si J.J. Abrams pala ang nag-helm ng project na ito. Kaya naman pala naalagaan nang husto 'yung proyekto.

Para siyang AVENGERS: ENDGAME ng STAR WARS franchise. Ganung levels.

Ignore the bad reviews. Faney ka man o hindi, mapapapalakpak ka pagkatapos ng pelikula.

Watch.

Added treat na mapanood mo ito sa IMAX 3D, 4DX or DOLBY ATMOS para dumadagundong ang sound effects at para maramdaman mo ang pagtapyas ng lightsaber sa pisngi ng keps mo.

VERDICT:

Apat na banga at ang pa-cameo ng tatlong original STAR WARS Trilogy, isama mo na ang mga (drum rolls) Ewoks! Aminin mo, na-miss mo rin sila na pinakahuli mong napanood sa TIYANAKS.  

Wednesday, December 11, 2019

KNIVES OUT


Itong KNIVES OUT, panalo.

Para akong nagbasa ng whodunit mystery novel nang hindi nabagot at nawindang sa twist. Very satisfying.

Naibalik niya 'yung memory at pakiramdam ko nung teenager ako, noong panahong adik na adik pa ako sa pagbabasa ng mga whodunit/murder-mystery novels (Erle Stanley Gardner's Perry Mason Mysteries, Agatha Christie, Jonathan Kellerman, Hardy Boys, Nancy Drew, Sweet Valley High -- charot lang 'tong panghuli).

Yung mga nobelang matapos mong pagbintangan at pagsuspetsahan lahat ng possible murderer e biglang pipihit ng 360 degrees ang kuwento. Tapos, wiwindangin ka sa totoong killer at 'yung backstory ng motibo niya.

Ganito 'yun.

Akala ko nga based 'to sa isang mystery novel e. Pero hindi naman kinleym sa closing credits. Ang nakalagay lang 'written by'. So palagay ko, sinulat siyang diretso as a screenplay na.

Kuwento ito ng isang mayamang nobelista na natagpuan ng kanyang housekeeper isang umaga na patay na, naglaslas ng leeg. Isang private detective ang naatasang mag-imbestiga, ininterview isa-isa ang mga anak ng nobelista, mga pamilya nito na kasama sa mansion. Kasama pati ang nurse ng nagpakamatay na isang latina.

Halos lahat sila may motibo sa pagpatay at pagkamkam ng mana.

Ito ang tanong: Nagpakamatay nga ba ang nobelista o pinatay? Sino ang salarin?

Mukha ba siyang talk movie sa pagkukuwento? Boring? Oo, parang ganun na nga. More more chikahan verbola. Investigation kemerlu. Question and answer portion.

Buti na lang, suportado ng playful flashbacks ang mga chikahan kaya naging entertaining ito. Kung wala lang 'yung flashbacks na 'yun, puwede ka nang mag-mahjong o pusoy dos with your amigas sa loob sa  kaboringan.

Pero mas naging interesting pa ang pelikula nang pumihit ang kuwento nito bandang gitna nang ma-reveal 'yung totoong nangyari sa pagkamatay ni nobelista. From whodunit, nag-full blown murder mystery na siya.

Sa simula ng movie, akala ko magiging problematic ang script. Kasi sa kapapanood ko ng Forensic Files sa Netflix, alam kong ilang weeks lang, maso-solved na kaagad 'yung case na tulad nito sa tulong ng advanced forensic science sa States ngayon e. Buti sana kung sinet sa panahon ng MURDER SHE WROTE 'tong movie. Forgivable 'yun. Papasang authentic 'yung kuwento.

Kaso contemporary ito. Kahit buhay pa si Enrile, panahon na ito ng cellphone at internet. Kaya madali na lang maso-solve 'yung mga suicide-suicide na ganyan sa US.  
  
Buti na lang nagawan ng eksena at naipasok sa pelikula 'yung tungkol sa forensics process at araw lang ang time frame ng kuwento, hindi weeks.

Kung hindi, magtataas talaga ng kilay at mapapangiwi ang lahat ng Forensic Files fans sa movie. Sasabihin ng mga ito, "Huwag niyo kaming gawing tanga! Sa Pilipinas lang mabagal ang paglutas ng kaso dahil panahon pa ng Visconde Massacre ang huling update ng Forensics nila. Kaya nga hanggang ngayon, wala pa ring lead na sindikato sa mga van na nangunguha ng mga bata e. Magsitigil kayo!"

Ang pinakanagustuhan ko sa pelikula, bukod sa satisfying nitong twist (mas satisfying pa kesa sa pagsolve sa nawawalang diary sa MARA CLARA noon), e ang napakahusay na ensemble casting ng movie. Lahat nagperform! Lalong-lalo na ni Daniel Craig.

Nasorpresa talaga ako sa kanya, malalim pala siyang aktor. Habang pinanood ko siya kanina, minsan ang tingin ko, si Kevin Costner na 'yung umaarte. Minsan naman, si Joel Torre sa husay ng pagbitaw ng mga linya.

Hindi lang pala siya pang-angas-angasan acting tulad sa James Bond movies niya. Bigyan mo siya ng monologue, makaka-deliver 'yan si Daddy.

Kanomi-nominate siya sa pagka-Best Supporting Actor sa pelikula, para sa akin.

Sa mga whodunit/murder mystery fans diyan, habulin niyo 'to sa mga sinehan. Hindi kayo magsisisi. Mas makabubuting dapat nakakain kayo nang tama at nakatulog nang mahaba-haba bago niyo siya tuusin sa sinehan para mas maintindihan niyo ang pelikula. Maraming detalye kayong dapat malaman sa dialogue.

Kalevel 'to ng SEARCHING sa ganda.

VERDICT:

Apat na banga.  

Wednesday, December 4, 2019

HOTEL MUMBAI


Gusto mong makanood ng magandang action thriller? Yung kahit lagpas dalawang oras 'yung peliks e'di ka mabo-bored? Yung maninigas 'yung kalamnan mo sa suspense, enough para mapaanak ka nang wala sa oras sa bahay mo?

Watch mo itong HOTEL MUMBAI.

Day, ang ganda!

Base ang pelikula sa totoong pangyayari sa Mumbai, India noong 2008, kung saan inatake ng mga Muslim terrorist ang Taj Hotel. Doon, merong hidden room (tawag ng hotel e Chambers Lounge) kung saan dun nagsipuntahan ang mga survivors (mga hotel staff at VIP guests) para hintayin ang rescue. Pero limited lang 'yung unang nagsipuntahang pulis, lahat nategi pa at 'yung Special Forces pa nila e manggagaling pa sa New Delhi. Kaya kakain muna ng ilang oras ang kanilang paghihintay sa hidden room bago sila tuluyang ma-rescue.

Susundan mo ang mga natitirang guests sa loob ng hotel kung paano nila matutunton ang Chambers Lounge nang hindi sila mahuhuli ng mga teroristang pagala-gala sa bawat floor.

Mauunahan ba ng mga halang ang kaluluwang mga terorista ang mga guests at ang Special Forces sa pagtunton sa hidden room?

Masasagip pa ba ang 50+ surviving hotel guests sa loob ng hidden room?

Patayan galore. Barilan, bogahan ng baril sa ulo at ratratan ang pelikula. Walang sasantuhin ang mga teroristang may baluktot na paniniwala, 'yung nakahandang mamatay alang-alang sa relihiyon kahit nasa  maling gawain naman.

It's an intense survival movie. Nakakapanginig ng laman. Mapapadyak ka sa inis sa mga tangang desisyon ng ibang characters.

Pero satisfying ang ending.

Pinaka-favorite ko rito 'yung eksena rito nina Dev Patel at 'yung old woman/guest na papunta nang hysteria dahil sa kaganapan, kung paano niya ito pinakalma. Napaka-powerful ng mga linyang binitawan ni Dev Patel dun. Ganda ng pagkakasulat ng writer dun. Parang ang subtext nun e "Pantay-pantay tayo sa oras na 'to. Kailangan nating magtulungan para maka-survive."
     
Ka-level ang pelikula ng THE MIST ('yung movie version) at 'yung NO ESCAPE starring Owen Wilson, kung saan initsa niya sa rooftop ng building 'yung asawa't anak niya papuntang kabilang building para makatakas rin sa mga rebelde.

Remember 'yung eksena sa CITY OF  GOD kung saan pinasok ng gang 'yung isang hotel tapos niratrat lahat ng guest dun para pagnakawan? Ganun 'yung 80% ng pelikula.

Kasing bayolente rin siya ng PURGE at THE RAID.

Ganun.

Nasurpresa ako sa pelikula. Natuwa ako sa napanood ko. Na-entertained ako.

VERDICT:

Apat na banga at ang kumislot kong keps sa teroristang si IMRAN na kay sarap upuan. Yung kahit mukhang 'di naliligo at dugyot, mukha namang eight inches 'yung diameter ng nota.