Sunday, September 22, 2013

NOW YOU SEE ME

Na-entertained ako sa panonood ng "NOW YOU SEE ME"...

It's another bank heist movie na ang plus one ay mga illusionists ang salarin.

Gusto ko 'yung mga pelikulang maraming twist-and-turns, 'yung may mga big reveal sa ending kaya nag-enjoy ako watching this.

Panalo din ang A-List casting. Nakakatuwang makita sa iisang screen sina Michael Caine at Morgan Freeman, face-to-face at nagbabatuhan ng mga maaanghang na linya.

Top-notch camera works sa magical show scenes, very involving. Para kang isa sa mga audience.

Watch it for a magical experience! 

Saturday, September 21, 2013

ANG KUWENTO NI MABUTI

Nakaisa na ako sa CineFilipino Film Fest!

Here's my take on Mes De Guzman's ANG KUWENTO NI MABUTI.

Ang joy sa panonood nito ay ang makita si Nora Aunor na nagsasalita in Ilocano the entire film. Refreshing siya! At hindi mukhang inaral, she's very proficient!

Not her best performance (mas gusto ko pa rin siya sa Thy Womb), pero Nora Aunor is still brilliant as "Mabuti". Kahit most of the time e nakangiti siya, kitang-kita mo pa rin sa mga mata niya na may dala-dala siyang mga "bagahe". The role suits her perfectly.

Medyo annoying lang ang CGI fog sa eksenang paakyat siya ng bundok at papunta sana siya kay Kapitan. Deadly ito dahil 'yun ang opening sequence na magse-set ng mood ng audience.

Jarring din ang paiba-ibang kulay ng mga eksena. May problema sa color grading.

And sana, hindi na lang idinaan sa dialogue 'yung "... hindi pagsubok ang bag ng pera na yan... bigay yan ng Diyos dahil nangangailangan tayo... kapalaran yun" (or words to that effect).

'Yun na kasi ang mensahe ng buong pelikula at hindi na sana ini-spoonfeed sa mga tao. Mas better kung subtext na lang para mas effective.

Still a pretty decent film. Just don't expect too much. 

Thursday, September 5, 2013

ON THE JOB

Just came from watching Erik Matti's ON THE JOB.

Naiyak ako hindi dahil naapektuhan ako sa napakahusay ng pagganap ni Joel Torre (given na 'yun). Naiyak ako sa tuwa dahil naisip ko, sa wakas, dumating na sa buhay ng Star Cinema ang pinakamagandang pelikula na nai-produced nila.

Dahil sa engaging performances ng mga artista, captivating cinematography, sleek editing, polished screenplay, meticulous production design at superb direction, masasabi kong ang OTJ ang the best pinoy crime film of all time.

A well-crafted film na worth every peso ng ibabayad mo.

Ito ang pambarag sa lahat ng nakakasuka nang formula rom-coms na pinrodyus ng Star Cinema.

It's the real deal! The film's a MASTERPIECE!

FIVE STARS!!!

Saturday, August 10, 2013

TUHOG

Veronica Velasco's TUHOG reminds me of my favorite korean film 'Sad Movie'.

It's like watching a korean film with great ensemble acting, a well-written story, superb direction.

A rare achievement para sa isang mainstream movie na timplado at balanse ang entertainment value kahit pa malaro (artsy) ang cinematography.

Worth-watching.

Friday, July 26, 2013

PACIFIC RIM

just came from watching "PACIFIC RIM"... turned out to be a big letdown.

para akong nanood ng Mighty Morphins Power Rangers The Movie...

over-acting at awkward maglakad 'yung bidang lalaki (lumi-Liam Hemsworth ang peg)... annoying 'yung japanese girl... distracting silang dalawa... ilang beses akong nakaidlip sa panonood...

hindi nakatulong ang special effects, pa-suspense na scoring at ang appearance ni Ron Perlman (Hellboy) para maisalba ang pelikulang ito...

over-rated...

i'll put this on my list of worst movies of 2013 (followed by The Call and Trance).

nope, hindi ito kasing ganda ng Transformers o ng Reel Steel man lang.

very disappointing, Guillermo del Toro!

sana binigay na lang 'to kay Zac Snyder... mas mapu-pull off niya 'to.

at sana, WOLVERINE na lang ang pinanood ko.

Sayang!

Tuesday, July 16, 2013

THE PURGE

really enjoyed watching "The Purge"...

the idea is not original pero for me, it's one of the best thrillers in years!

a single-location movie in the tradition of Panic Room, only filled with heart-stopping suspense and over-the-top violence...

pretty decent flick that is worth watching lalo na sa mga tulad kong slasher fans.

sampung palakpak para sa twist sa ending.

LURVED IT! 

Saturday, June 29, 2013

CITY OF ANGELS

Finally, napanood ko rin ang "City of Angels" nina Meg Ryan at Nicholas Cage...

Maraming palpak na pelikula (mostly mga box-office bombs) sina Meg at Nicholas.

Sa pagkakatanda ko, Sleepless in Seattle lang ang film ni Meg na tumatak sa akin. With Nicholas, sa dalawang films ko lang siya naalala: Birdy at Leaving Las Vegas.

The rest, forgettable na lahat.

Kaya na-surprised ako sa kinalabasan ng pairing nila sa "City of Angels".

Ramdam na ramdam mo silang dalawa. It's a romantic fantasy na kakapitan mo kahit hindi kapani-paniwala. Napakahusay nilang dalawa dito.

The film really delivers... In terms of story, editing, scoring, direction... Smooth at nagbi-build up. 

Walang eksena na unnecessary or awkward. Walang tapon moments.

Though, the ending is quite similar sa "One Day" ni Anne Hathaway (na una kong napanood), very effective pa ring device ang 'death by accident' sa ending ng isang romace movie.

Nakakaiyak siya!

At nakaka-in love ang theme song!

Watch it!