Thursday, April 20, 2017

THE HOURS

Starting today, April 20, I'll be participating in the 30 Day Film Challenge on my blog...

Day 1: My favorite film.

The Hours.

Yung pelikulang sinalang mo 'yung bala sa DVD player nang hindi ka nag-e-expect na maganda pero it ended as your favorite film of all time. Ito 'yun.

Sa pirated dvd ko lang 'to napanood noon. Yung copy pa na napanood ko e kuha sa sinehan, tabingi 'yung framing tapos may mga tumatayong tao. Pero after mag-end, tumumbling at split talaga ako sa ganda. Na-moved ako ng pelikulang ito ni Stephen Daldry.

To think na lesbian-themed siya pero sobrang nagustuhan ko ang story at 'yung mga characters, damang-dama ko, lalung-lalo na ni Virginia Woolf (played by Nicole Kidman, who won Best Actress at the Oscars that year). Sobra akong naka-relate sa depression at mental breakdown niya!

Tumatak talaga sa akin 'yung mga performances ng tatlong lead dito (Meryl Streep, Nicole Kidman and Julianne Moore). Yung suwabeng pagkakalahad ng kuwento na parang nagbabasa ka ng nobela ang nagpahanga sa akin sa british filmmaker na nag-helm ng film na 'to. Na bihirang-bihira ko na makita sa mga pelikula ngayon. Damang-dama ko ang bawat eksena dito, lalung-lalo na yung train station scene ni Nicole Kidman! Pulido ang pagkakatahi ng bawat eksena, mula sa acting to editing, pati musical scoring.

Kung magkakaroon man ako ng chance na mabigyan ng grant to produce my passion film, it would be a pinoy version of this magnificent film. Only this time, gagawin kong gay characters 'yung tatlo. Either ako ang magsusulat or ako ang magdidirek. 

Top 2 ko ang The Reader, na same din ng nagdirek ng The Hours.

Top 3 ko ang Malena.

#30DayFilmChallenge

Sunday, April 2, 2017

GHOST IN THE SHELL

JGH from watching Ghost In The Shell with my movie buddy, Jelai.

Dapat e Northern Flops ang papanoorin namin, nauwi sa pelikula ni Scarlett. At hindi kami nagsisi.

Female version ng Robocop set in futuristic Japan.

Hindi ganun ka-convoluted ‘yung plot at masusundan mo ‘yung kuwento kahit na inaantok ka pa. Hindi nakaka-stretch ng brain cells yung storyline niya, di tulad ng ibang futuristic action na sasagarin ka sa never-heard scientific terms at mai-information overload ka.

After ni Angelina Jolie sa SALT, si Scarlet Johansson na ang paborito kong female protagonist ng action movie. Ang bangis niya dito! Kahit walang bra at panty, kakabugin niya si Kate Beckinsale sa Underworld pagdating sa bakbakan.

Andaming magagandang popcorn movies ngayong taon na ito ha. Isama niyo na rin sa listahan ‘tong Ghost In The Shell.

Bagay daw kay Thea Tolentino ang Pinoy remake nito at ang gaganap sa papel ni Juliette Binoche ay si Maila Gumila, sabi ni Jelai. :)

#Sabeh

Friday, March 17, 2017

BEAUTY AND THE BEAST

Kung disappointed ako sa live action adaptation ng Cinderella last year, bumawi naman this year ang Disney.

Ang ganda ng Beauty And The Beast!

Kung paano ko siya na-appreciate nang mapanood ko 'yung animated version niya nung bata ako, e ganun din sa live action animated version niya. Literal, binuhay niya ang cartoons. Very faithful siya sa original.

Perfect si Emma Watson as Belle!

Excited na ako for A Little Mermaid.

Friday, March 10, 2017

CAREDIVAS MUSICAL STAGE PLAY

JGH from watching Care Divas musical stage play (2017 re-run) at PETA Theater.

Kung ang mga babae ay may Enerva energy drink to boost their energy, ang mga beki ay kinakalangang mapanood ang Care Divas para magsilbing booster ng lumalamlam nilang beki energy level. Para kang lumaklak ng isang kilong marijuana sa sobrang kaligayahan after watching this.

Entertainment. Check!

Performance. Check!

Comedy. Loads of them. Super Check!

Drama. Check!

Music. Check!

Costume design. Bonggacious!

Sum it all, at meron kang one MAGICAL experience!

Mas havey pa ‘to sa Adventures of Priscilla: Queen of the Desert ng milya-milya.

Bagong mga beki punchlines na di niyo pa naririnig. Lahat puro havey, hindi siya tipikal na stand comedy sketch, may social relevance at may puso! Not a single moment na mabo-bore kayo.

At dahil super satisfied ako sa napanood ko, nakipagsiksikan talaga ako sa mga tao kesehodang iika-ika ako makapagpa-picture lang sa mga cast nito.

Mga beks, habulin niyo ‘tong re-run ng Care Divas sa PETA para mag-level-up ang beki levels niyo.
Baklang-bakla siya!

Nakikita ko, in the near future, magkakaroon ito ng movie adaptation.

#SuperEnjoy

KONG: SKULL ISLAND

JGH from watching “Kong: Skull Island”. Taena, ang lupit ng movie.

Fascinated ako sa mga pelikulang may unggoy. Gawa siguro ng ipinanganak ako sa Year of The Monkey kaya malapit sila sa puso ko. Like Planet of The Apes series, Congo, King Kong, etc.

Bumalik ‘yung memory ko nung napanood ko ‘yung Jurassic Park noong 1993 sa sinehan, kung kailan ako ay trese anyos pa lamang at virgin pa sa malulupit na CGI at visual effects kaya bewildered ako sa na-witness ko sa big screen. Ganung feels.

Ang astig ng wrestling match dito ng higanteng unggoy at giant lizard. Rumble talaga. Si King Kong e headbanger dito!

Pinalamon niya ng alikabok ang Jurassic Park, Godzilla at lahat ng previous King Kong movies.

Go watch it with your teenager kids at promise hindi nila malilimutan ‘yung movie experience. Mas lalo na siguro sa 3D, 4D or IMAX, mas maa-appreciate niyo pa lalo.

Kung naghahanap kayo ng popcorn movie ngayong 2017, ito ‘yun! Super sulit ang bayad.

Mas maganda pa siya sa “Hiram Na Mukha” ni Nanette Medved.

Friday, February 17, 2017

ARRIVAL


Napalampas ko ang “The Space Between Us” at “Fifty Shades Darker” sa sinehan. Pero itong nasa watchlist ko din this 2017 na “The Arrival” e hindi ko talaga palalampasin kasi Ancient Astronaut’s Theory believer ako at sobrang fascinated sa mga UFO’s. Bentang-benta sa akin ‘yung premise nito na first contact ng tao sa aliens.

Kaya habang pinapanood ko ito sa sinehan e ini-imagine kong ako si Amy Adams na nagde-decipher ng mga codes ng mga aliens.

Hindi si Amy Adams ang bida ng “The Arrival” kundi ang screenwriter nito. Napakasimple lang ng story pero ‘yung structure ng pagkakalahad ng kuwento, ang lupit!

Para siyang sinulat ni M. Night Shyamalan tapos kay Christopher Nolan pinadiriheng pelikula. Ganung level!

Sina-suggest ko ito sa lahat ng kakilala kong writers. Go watch it! Kapag gusto niyong makanood ng kakaibang putahe. Para kayong nakanood ng textbook ng bagong structure sa paggawa ng kuwento.

Intelligent writing.

5 stars!

Sunday, January 15, 2017

LA LA LAND

Potah. Naiyak ako sa La La Land. (Spoiler Alert).

Hindi ito para sa mga naniniwala sa forever.

Para kang pumasok sa isang relasyon, pina-in love ka ng todo tapos ang ending, di kayo nagkatuluyan.

Another 'one great love' movie.

#AngLungkot #Lupasay #WasakAngPuso