Sunday, April 12, 2020

RED WINE IN A DARK NIGHT

Kung 'di pa dahil sa Netflix, 'di ko malalaman na habang ang South Korea e pinagreynahan ang romcom, itong Thailand naman ay sa gay-themed movies.

Akala ko natapos na sa panahon ng LOVE OF SIAM, DRAGON LADIES at BEAUTIFUL BOXER ang pambaklang pelikula ng Thailand.

Di na pala ako updated.

Umusbong pa pala ang industriyang ito at mukhang normal na lang ito sa Thailand na parang teleserye dito sa atin.

Pero bakit parang hindi naman nag-ingay ang resurgence na ito?

Di ko naramdaman e im a sucker for foreign gay films.

Ah, alam ko na.

Sa sobrang dami ng Thai gay movies, mukhang bihira lang ang noteworthy o 'yung kasing-level ng LOVE OF SIAM.

Lahat, puro kingkingan levels. Pa-cute.

Tulad na lang nitong RED WINE IN A DARK NIGHT.

Tungkol ito sa broken-hearted na tukling na pinranked ng tropa ng kanyang ex-boyfriend sa abandoned building. Tapos, dun niya nakilala ang isang amnesiac na otoko na nangangailangan ng tulong. Pinakain at inalagaan niya ito.

At nagkatikiman sila.

Nagkainlaban.

Sino ngayon si amnesiac na otoko?

Naku, huwag mo nang alamin at hindi ganun kagimbal-gimbal ang twist.

Napakababaw.

Kung ang South Korean movies e merong pamatay na twist at substance, ang Thai gay movies e kasingbabaw ng pancit story ng batang pulubi.

Yun nga lang, may puso.

Or 'yun ang pilit na ina-achieved nitong mga Thai gay movies ngayon, 'yung merong hapdi at nag-uumapaw sa pagmamahalan na ending?

Nagiging melodramatic tuloy. Kumu-komiks na.

At alam mo ba kung bakit ganyan kaganda ang title?

Kasi WINE at DARK ang name ng dalawang lead sa movie.

Nakakatawa, 'di ba?

Skip button niyo na 'to at mas marami pang makabuluhang gay films kayong mapapanood.

Kinulang rin naman sa pakitaan ng flesh 'yung movie. Not worth your time sa tulad kong malibog.

Kaka-disappoint.

SWEET BOY

Ang first Netflix movie ko today e itong gay teen romance na SWEET BOY from Thailand.

Love Of Siam much?

Nope.

Jusko. High school kingkingan ng mga paminta na sinamahan ng tukling na bitchesa/kontrabida.

Parang gay episode ng Wattpad Presents!

Kuma-coming of age drama kuning-kuning pero ang bentahe lang naman e 'yung pink na utong ng mga bida.

Kung 'di lang sa mga masasarap na bagets dito, tatamarin na akong tapusin ito.

It's your ultimate gay high school fantasy kung saan nagkagusto sa'yo 'yung pinakabiyaw na maangas at 'yung pinakamatalinong guwaping sa klase.

Habang ikaw e pitimini sa pagka-virginal at pa-precious. Feeling sikip-sikipan.

Watch this if you're into twinks at mapapa-fingger ka sa kalagitnaan ng movie.

Pambarag sa pagkabagot mo sa mga serious Netflix movies.

THE INVASION

This quarantine season, so far, meron pa lang akong tatlong series at limang pelikulang napapanood. Mahina compare sa mga kakilala kong movie addict, oo.

Pero meron akong lagpas sampung torrents at Netflix movies na nasimulan pero hindi tinapos.

Kasi kapag hindi pa rin ako nahu-hooked sa first 20 minutes, nilalaglag ko na agad-agad.

Bakit?

Buryung-buryo na nga ako sa bahay e, pagtitiyagaan ko pa ba 'yung pelikula? Ano 'to, torture?

Maiksi ang pasensiya ko sa mga pa-precious na pelikula.

Sa paghahanap ko ng viral outbreak movie na hindi nakakatamad tulad ng iba, meron na akong natagpuang maganda na mairerekomenda ko.

Nag-palpitate ang suso ko dito sa suspense.

Itong 2007 movie na THE INVASION starring Nicole Kidman and Daniel Craig.

Based ito sa 1955 sci-fi novel na The Body Snatchers. At pang-apat na ito sa film adaptations (1956, 1978, 1993, 2007).

Dito sa latest version, nag-focus ang kuwento sa isang psychiatrist from Washington DC na may anak pero dibursiyada.

Nagkaroon ng alien virus sa lugar nila at unti-unting kumakalat sa buong mundo.

Ang virus ay naipapasa galing sa laway ng infected person at nagti-take effect kapag nakatulugan na ito ng nahawahan. Ang epekto, inaalisan nito ng emosyon ang mga tao.

Paano kung 'yung anak mo e nasa poder ng mister mo na pinaghihinalaan mong infected ng virus?

Nakahanda ka bang kunin siya para iligtas?

Paano mo maisasakatuparan ito kung kalat na kalat na ang infection sa labas?

Ganito ang struggle na hinarap ng psychiatrist na si Nicole Kidman sa movie.

Kailangan niyang mailigtas ang anak bago siya tuluyang makatulog at maging fully infected ng virus. Dahil ang anak niya ang susi sa vaccination at magiging cure sa virus!

Niyeta, 'yung nagpapanic ka na't lahat pero hindi ka nagpapakita ng emosyon para hindi mahalata ng mga infected na nagpi-pretend ka lang. Ganyan ang pinagdaanan ni Ninang Nicole sa pagligtas sa kanyang anak.

Bagay na bagay kay Nicole Kidman 'yung role. Tatak niya 'yun e!

Yung tuliru-tuliruhan pero kino-contain 'yung sarili school of acting.

Expect a roller coaster ride. Yung suspense e ka-level ng THE NET ni Sandra Bullock at NICK OF TIME ni Johnny Depp.

Kung sa sinehan ko lang ito napanood noon, naihi siguro ako sa upuan. Panic attack 'yung chase scenes e.

If you're looking for a good thriller, highly recommended ko ito.

Hindi kayo mababagot.

Mapapangiti kayo sa ending at baka mapaawit ng WE ARE THE WORLD sa tuwa.

Mukhang wala siya sa Netflix. Na-download ko lang siya sa torrents e.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang nalusaw kong Addam's apple sa kasisigaw sa habulan scenes.

JUPIT

So far, natapos ko nang i-rewatch ang Top 10 favorite comedy movies ko starting from PRISCILLA: QUEEN OF THE DESERT up to MRS. DOUBTFIRE.

Yes, mostly gender-bender films siya.

Bigla kong naalala 'yung isang unpopular (at sa tingin ko, under-appreciated) pinoy indie gay comedy na nagpahalakhak sa amin ng mga beki friends ko noon.

Itong 2006 gay indie movie na JUPIT, idinirek ni Alvin Reyes Fortuno.

Bida si Ate Gay. The rest, puro mga starlets. Pati 'yung gumanap na nanay niya, parang tindera ng leche flan sa palengke.

Napanood lang namin 'to sa pirated DVD noon e after ng nomo session naming mga bakla sa bahay.

So hindi kami nag-expect na maaaliw kami.

Punyeta, it ended up as one of my favorite pinoy comedy movies.

Napahalakhak kami, napaubo at sumakit ang tiyan namin sa katatawa!

Yung beki humor ng mga baklang kanal sa barangay, kuhang-kuha ng pelikula.

Yung kung paano lumandi ng boylet, rumampa, bumooking, makipagwarlahan sa pechay, captured na captured ng movie.

Ito 'yung gay comedy na hindi nagpupumilit na nagpapaka-beki or nagsusumigaw na 'Vice Ganda material ito!'.

Baklang-bakla talaga 'yung movie. Napakanatural. Hindi pretensiyosa.

Wala ring makapal na storyline 'yung pelikula. Mababaw pa nga siya, actually.

Kuwento lang ito ng isang baklang parlorista na nagpatayo ng parlor sa barangay. Kung paano siya nagreact sa bagong lipat na boylet sa harap, sa ex-boylet niyang bumabalik, sa pamilya niyang umaasa sa kanya at sa grupo ng beki friends niyang may kanya-kanya ring pinagdadaanan sa buhay.

Mostly, landian at okrayan 'yung movie na merong sundot ng kadramahan between gay actors na feelar na feelar ang pagiging aktres sa pelikula. Kaya aliwan paradise siya.

Kung na-captured ng HIKBI ang kapokpokan moments ko, itong JUPIT naman e ang funny moments ko with beki friends. Ganun siya.

Ito 'yung humor na in-achieved ko sa self-published book kong #BEKIPROBLEMS noon e. Ito ang pamantayan ko ng gay comedy.

Ninakaw yata 'yung nabili kong original DVD nito e o hindi na sinauli ng baklang nanghiram. Punyeta siya.

Hindi na rin siya available sa lahat ng Astro branches, chinecked ko. Pati sa online, wala na ring nagbebenta.

Sino may copy nito? Pahiram naman ako. Ibe-burn ko lang. Or kung ibebenta mo, willing akong bilhin kahit doblehin mo 'yung original price niya.

Para siyang komedyante kong kaibigan na nagpasaya sa akin noon at nami-miss kong makita.

Sunday, March 29, 2020

VIVARIUM

Ang VIVARIUM ay isang pinahabang episode ng TWILIGHT ZONE with a very satisfying ending. Or ito ang TWILIGHT ZONE The Movie.

Kuwento ito ng magkarelasyon na naghahanap ng bahay para makapagsimula. Ang kanilang simpleng pag-inquire sa isang real estate agent ang naging daan para sila ma-trapped sa isang utopian village.

Kung saan, sila lang dalawa ang residente.

Makakalis lang raw sila dun kung aalagaan nila at palalakihin ang sanggol na bigla na lang dumating sa tapat ng bahay nila.

Gustung-gusto ko siya!

Mystery/Horror na sume-semi 'mystery box', 'yung storytelling style na pinauso ni JJ Abrams kung saan nagpe-present siya ng mystery na papatungan pa ng isang mystery ngunit madamot sa pagbibigay ng explanation o kasagutan para ma-solved ito. Sa huli, mapapa-"What The Fuck?" ka na lang sa pinanood mo.

Kung pamilyar ka dito, ma-aappreciate mo 'yung movie.

At sa tulad kong mahilig sa horror, mystery at sci-fi, dig na dig ko 'to. Masasakyan ko ang pelikulang about parallel universe, alternate reality, ibang dimensions kuning-kuning or 'yung may pa-Rabbit Hole basta hindi magulo ang pagkakalatag ng kuwento tulad nito.

Hindi ito kasing complex ng IN THE TALL GRASS kaya masusundan ito ng karamihan.

Makakarelate ka pa ng bongga dahil ang magkarelasyong bida dito e parang naka-quarantine sa iisang bahay sa buong pelikula. Masasakyan mo ang pagkaburing ng dalawa.

Basically, it's a story about relationship. The couple's struggle, kung paano nila ito hinarap at kung paano nila ito napagtagumpayan. Or napagtagumpayan nga ba nila?

Ganun lang kapayak na pinresent ng writer at director ang story with M. Knight Shyamalan's treatment.

Yun ang pumasok sa radar ko. Kung meron kang ibang interpretation, mas malalim kang tao sa akin.

Subjective naman sa tingin ko ang movie. Nagkakatalo lang sa level ng pagkakaintindi ng nakanood.

May isa lang continuity error or problema sa editing na napansin ko (balikan mo ako if napanood mo't napansin mo rin ha). Maliit na bagay pero medyo na-bothered lang ako.

Naipalabas pala ito sa Cannes last year.

Pero wala ito sa Netflix ha.

Dapat iri-release 'to sa US cinemas kahapon pero because of Coronavirus, diretso sa video-on-demand/digital/streaming na lang siya.

Downloadable na siya sa torrents.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga.

Friday, March 13, 2020

SAME SAME BUT DIFFERENT

Meron na naman akong napanood na magandang unpopular film na nasurpresa ako. 

Itong 2009 romantic drama na SAME SAME BUT DIFFERENT.

Bida rito 'yung bagets sa THE READER ni Kate Winslet, si David Kross. Produced ito sa Germany na ang setting rin ng kuwento e mostly sa Cambodia.

Matagal ko na 'tong na-download sa torrents noon e. Lagpas isang taon na siya sa storage ko. 

After ko kasing pumunta ng Cambodia noon, naghanap ako ng mga foreign movies na shinoot sa Cambodia at isa 'to sa lumabas sa Google search.

Ngayon ko lang napansin at binigyan ng atensiyon.

Bakit ako nasurpresa dito?

Kasi 'di ako nag-expect sa movie. Di ko napanood ang trailer o synopsis sa Wikipedia. Poster at bidang lalaki lang ang aware ako.

Nagandahan ako sa script, characters at sa pelikula, over-all. Ang organic ng kuwento, hindi pilit. 

Well, based 'to kasi sa totoong buhay kaya lumabas na uncontrived at hindi pretentious ang movie.

Kuwento ito ng isang German guy na nasa Cambodia para sa post graduation summer trip niya. During his stay, nakilala niya ang isang Cambodian bar girl/prostitute na kumunekta sa kanya. May sparks sila! 

Mabilisan silang nagka-inlaban. 

Hanggang bumalik na sa Germany si kuya. Pero nagpatuloy pa rin ang kanilang long distance relationship sa kasunduang magpapadala si lalaki ng monthly financial support kay girl at in return, si prosti nama'y hindi na magpapakapokpok, maghahanap at magtatrabaho ng marangal.

Until one day, inamin ni Cambodian girl thru video chat kay german guy na HIV positive siya. Pusit si ate!

Gimbal si pogi. Naalog ang betlog.

Binalikan ni otoko si pechay sa Cambodia at hinarap nila ang problema nang sabay. 

Ang tanging baon lang ni German guy e ang wagas na pag-ibig kay infected puta.

Pag-ibig. Gusto niyo ba 'yun?!

Simple lang ang plot pero havey, 'di ba?

Love versus illness. Yes, sume-semi terminal romance movie siya. 

It was beautifully-shot, color-graded at napaka-cinematic ng texture! Mahihiya si Matthew Libatique sa cinematography dito. Nakatulong rin ang nanunuot na scoring ng movie.

No wonder kaya nito nasungkit ang Variety Piazza Grande Award sa Locarno Film Festival noon. (oo, sabi sa Wikipedia, wag kang ano).

There's nothing ultra special sa pelikula. Hindi naman niya ako pinakilig nang bongga o pinaiyak ng gabalde. Pero pina-promise ko sa'yong may mapupulot ka. 

Ako ito: 

"Kung makikipaghiwalay ka sa partner mo, end the relationship with dignity. Karapatan niyo 'yang dalawa." Or words to that effect.

Binitawan 'yan ng isang karakter sa pelikula na sa simula'y pinagtatakhan ko kung bakit binibigyan ng screentime ng director e samantalang parang extra lang naman siya sa pelikula. Pivotal role naman pala ang starlet. Sa kanya kasi mangagaling ang isa sa pinakamagandang epiphany ng movie. Simple lang ang kanyang pagkaka-deliver ng linyang 'yan sa movie, very casual lang, pero tumatak talaga sa akin ito.

At ito pa ang treat ng pelikula, sa lahat ng HIV stories na napanood ko, ito ang pinaka-light (hindi mabigat), hindi nakakalungkot. 

Life-affirming siya. Positive!

Parang sinisigaw ng pelikulang ito ang "HIV ka lang, nagmamahalan kami! Lakampake! TSE!"  

VERDICT:

Apat na banga at ang napakaguwapong German na bida na may pautong na pink sa dalawang eksena. Yun lang sapat na para magwater-water ka, mamsh.    

Tuesday, March 10, 2020

THE ROMAN SPRING OF MRS. STONE (2003)


Napanood ko 'to sa isang cable channel isang madaling araw noong early 2000s (Lifetime Network o Cinemax, 'di ko na matandaan).

Naalala ko lang kagabi sa paghahanap ng cougar movie na panonoorin.

Yes, 'yun ang moda ko kagabi, cougar movie. Yung mga matronang nai-inlove, may relasyon o kinakangkang ng mga bagets. Anlakas maka-Young At Heart ng mga ganun e.

Ang pelikulang tinutukoy ko e itong THE ROMAN SPRING OF MRS. STONE na pinagbibidahan ni Helen Mirren.

Kuwento ito ng isang papalaos na matronang Hollywood actress na namatayan ng asawa sa kanilang Italian trip dalawa. Sa Rome, nagdecide siyang mag-stay sa isang luxury hotel para doon makapagnilay-nilay. Doon rin niya nakilala ang isang kapwa-matronang Contessa (na kung susumahin mo ang character sa pelikula e isang babaeng bugaw).

Ipinakilala siya nito sa iba't ibang gigolo until makatapat niya ang pinakanagustuhan niya, si Paolo (Olivier Martinez, mga baks!).

Yes, tama ka, binoylet niya si Paolo o naging regular booking ni Mama! Kangkangan to the fullest sila. Tinrato talaga siyang vavaeng-vavaeh ni koyah!

Ang ending, nalaman niyang pera lang niya ang habol ni Italian boy (anufangavah?) at sa harap niya pa mismo, ipinakilala pa sa kanya ang bago nitong target na aging actress rin, na mas bata nga lang sa kanya.

Naimpakta si Ninang! Nagwala, nanumbat... pinalayas si boylet. I got physical ang drama ni Mamsh. Tinapos na niya ora-orada ang kanilang relasyon.

Ay mali pala, si boylet pala ang tumapos. Kasi nakaramdam rin siya na hindi na siya susustentuhan ni aktres e.

Ito na ang final scene na nag-iwan sa akin ng marka kaya pumasok ito sa Top 5 Favorite Cougar Movie List ko.

(SPOILER ALERT!)    

Merong isang poging taong grasa na obsessed kay aktres na parati siyang sinusundan. Ini-stalk, ganyan.  Planted ito sa umpisa pa lang ng movie.

Isang gabi, habang nagpapa-Wind Beneath My Wings sa veranda ng penthouse ang ating bida, napansin niya itong si taong-grasa sa pinakababa ng hotel. Tinginan lang, nagkaroon sila ng spark bigla. Kumunekta ang mane ng puta sa binatang gusgusin. Ampogi ba naman kasi. (Keannu Reeves ang peg). Ayan, ewan ko na lang kung 'di pa manginig ang utong mo.

Ano ang ginawa ng makati pa sa higad na bida nating thunder?

Tinupi niya ang susi ng hotel room sa pangmayaman niyang panyo at binato 'yun kay taong grasa sa baba.

FLANG! with sparkles.

Parang sinasabi niya sa eksenang ito "Habulin mo ako sa tabing ilog, dodong".

Ganern.

Umakyat si taong grasa at nagtagpo sila sa penthouse. Si Ninang, poised na poised pa rin sa suot niyang royalty outfit. Korona na lang ang kulang, reynang-reyna na!

Anofangavah ang kasunod?

E di sa likod ng pagroll ng end credits, nagpakarat si aktres sa taong grasa.

WINNER, 'di ba?!

Baklang-bakla ang concept!

Subjective ang ending. Bahala ka na kung ano pumasok sa radar mo. Tinanggap na ba niya ang pagkalaos? O tinanggap na niya na hanggang ganun lang ang level ng lalaking tatanggap sa kanya? O kinati na lang ba talaga siya?

Chinecked ko siya sa Wikipedia at nalaman kong 'yung napanood ko pala e TV Movie version ng 1961 british movie starring Vivien Leigh. At isinaere ito sa telebisyon noong 2003.

For me, ito ang pinakamagandang pelikula ni Helen Mirren.

Kung matrona ka or baklang tunay, watch this. Maa-appreciate mo siya! Makakarelate ka nang bonggang-bongga!

Merong sanitized version sa Youtube, just type "Nauto na naman ako ni Joni".

VERDICT:

Apat na banga lang kasi 'di pa hardcore ang sex scenes. Wag asahan ang facial, cumshot at frontal scenes. Hindi ito pang-Pornhub!

Pero finger-worthy pa rin.