Thursday, December 1, 2016

MY SUPER PARENTAL GUIDANCE

Kauuwi lang from watching The Super Parental Guidance in Trinoma. Nyeta, dumating ako dun ng alas-kuwatro ng hapon kasi dun kami magkikita ng friend ko, sabay kaming manood ng 6:40 screening. Kaso wala pa dun ‘yung friend ko, so pumunta ako sa Cinema Level para bumili na ng ticket. Ang sumalubong sa akin e isang tipak ng mga tao na akala mo e premier night. So hinanap ko ‘yung dulo ng pila nang biglang nagsigawan, nagtakbuhan ‘yung mga tao, akala ko magkaka-stampede. Si Vice Ganda dumaan at napapaligiran ng mga security! Manonood pala ng 4 pm screening ng pelikula niya. Nakita ko din si Negi at marami ang nagpapicture sa kanya.

Mahal si Vice ng mga tao. Hindi lang ng mga beki, kundi pati ng mga bata, matanda. Pati madre nga nagkukumayog na masilayan siya sa tumpok ng mga tao.

Tapos bumalik ako dun sa pila, ang hahaba ng lane, lahat sila ‘yung Vice Ganda movie ang panonoorin, narinig ko. Ang gulu-gulo ng pila. Ang bagal ng mga takilyera. Imagine, isa’t kalahating oras na ako dun sa pila nang marating ko ‘yung ticket seller. The last time na naranasan ko ‘yun e sa pelikula ni Maricel Soriano nung late 80’s pa.

At nang makaharap ko ang ticket seller, sinabi sa aking sarado na raw ang dalawang screening ng movie at ang next na available na e 9:10 pm. At take note, 280 pesos ang presyo ng ticket nila. 3D ba ito?

Napaisip tuloy ako, HINDI kailangan ni Vice Ganda ang MMFF para kumita ang pelikula. Kailangan siya ng MMFF para kumita ito.

Sa dala ng pagtitiis ko sa pila, sabi ng nagdidiliryo kong binti, “Gow! Push mo na ‘yan! Nandito ka na e bibitiw ka pa ba?”

Huwag kayong manonood sa Trinoma! Hindi maayos ang pila at napakabagal pa ng ticket system, mas mahal pa siya compare sa ibang sinehan.

So after kong makabili ng ticket for 9:10 pm screening, naghintay ako sa friend ko sa garden sa labas ng cinema level. At nang dumating siya, nag-early dinner muna kami sa Sbarro bago kami tumingin-tingin sa loob ng Landmark department store at nag-coffee sa Starbucks sa garden to kill time.

Nang magna-9pm na saka kami pumunta sa sinehan. Full house!

At nakita pa namin ‘yung madre sa moviegoers. Si Valak e faney din ni Vice Ganda!

Ito ang take ko sa movie. No spoiler alert needed kasi hindi ko naman kelangang ikuwento ‘yung plot ng movie kasi mababaw lang siya. Kahit si Aling Tasing o si Mang Kanor pa ang manood niyan e maiintindihan nila ang kuwento. Hindi na kailangang paganahin ang brain cells niyo.

Hindi siya kasingganda ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy (my ultimate fave Vice Ganda film) pero mas funny siya kesa sa Beauty and The Bestie. Tawang-tawa ako sa ilang mga eksena. As in, sumakit ang tiyan at panga ko sa katatawa level.

Tuwang-tuwa ding lumabas ‘yung mga chikiting.

Kudos to the three writers na gumawa ng script. Hindi man pang-intelihenteng tao ‘yung humor ng movie e naaliw niyo naman ang napakaraming tao. In writing, mas mahirap magpatawa kesa sa magpaiyak.

Sa mga pa-intellectual diyan, self-proclamed film critics, na umaalipusta sa kababawan ng mainstream comedies, watch this movie. Tutal china-challenge niyo ang mga mabababaw na tao na nakaka-appreciate ng bakyang komedya na manood ng intelligent indie movies, challenge sa inyo na hindi naman masakyan ang humor ng pelikulang ito. At kapag napatawa kayo sa kahit isa man lang sa eksena dito, puwes kayo na ang may problema.

To all of you, Vice Ganda faney or not, if you want a good laugh, go watch The Super Parental Guidance. Sulit ang ibabayad niyo. Promise. Nakakatanggal ng stress. Anlakas maka-good vibes!

Tuesday, November 22, 2016

THE UNMARRIED WIFE


Hindi ako nagka-interes na panoorin ‘yung The Unmarried Wife kasi base sa trailer niya, walang bago akong nakita. At saka, feeling ko, hindi nito mapapantayan ang ultimate favorite kong kabet-movie, ang No Other Woman.

Pero dala ng pang-eengganyo ng isang kaibigan na panoorin ko kaya kanina e pinanood ko na.
At nagustuhan ko siya. Mas maganda ‘yung movie kesa sa trailer. Mukhang hindi inilabas ng Star Cinema sa trailer ang lahat ng malulutong na dialogue at mga supporting characters kasi giveaway na rin ‘yon sa takbo ng kuwento.

(SPOILER ALERT)

Para siyang pelikula ni Maricel Soriano or ni Zsa Zsa Padilla o ni Maricel Laxa noon sa Regal Films. Yung mga melodrama noong 80s at 90s na sa pagrolyo ng ending credits e patutunugin ‘yung tagalog theme song ng movie. Ganung vibe!

Pinakapaborito ko ito sa lahat ng pelikula ni Angelica Panganiban. Siya ‘yung tipo ng babae na sa isang sulimpat lang niya, e makikita mong may binabalak o pinaplano pa rin siyang hindi maganda laban sa’yo. Restraint acting ang pinakita niya dito. Yung tipong mararamdaman mo sa buong pelikula ‘yung kinikimkim niyang sama ng loob. Si Maricel Soriano lang noon ang nakikita kong artistang kaya ‘yung ganoong atake. Yung tipong kung makatingin ay hindi padadaig kahit kanino. 

Kumbaga, kilay pa lang niya e nagsasabi na ng “Hindi kita mapapatawad.” kaya hindi mo mabibitawan ang mga eksena niya.

Tamang-tama ang timpla ng buong pelikula. Hindi kulang. Hindi sobra.

Malulutong na dialogue. Check!

Sampalan. Check!

Flooring (‘yung subtle na paglulupasay ni Angelica sa floor habang humahagulgol). Check!

Basagan ng gamit (dalawang beses na nagbasag ng bote si Angelica sa buong pelikula). Check!

Iyakan. Check!

Confrontation scenes (pero hindi nagsampalan, nagpalitan lang ng maanghang na kudaan). Check!

Bagong interpretasyon ng infidelity movie. Check!

Binaligtad ng writer ‘yung sitwasyon: What if sa half ng movie e ‘yung legal wife e maging kabit sa relasyon ng iba? Makakarelate ba siya sa pakiramdam ng mga naging kabit ng asawa niya? Paano niya haharapin ang scenario?

At ang pinakanagustuhan ko sa story e ‘yung eksenang pagka-kapatawaran between Angelica and Denise Laurel at between Angelica and Dingdong sa ending.

At least, may remorse!

Kasi ayan naman ang dahilan kaya nagkakaroon ng broken family e, matataas na pride sa panig ng mga babae. Once nahuli na nilang nangbabae ang mga asawa nila, kesehodang maglumuhod pa si lalaki sa paghingi ng sorry, hindi nila binibigyan ng second chance.

At dahil ‘yan sa taas ng pride.

Kaya kahit kailan ay hindi nalaos ang infidelity movies dahil sa dami ng babaeng nakakarelate sa story, ‘yung mga babaeng ang tataas ng pride.

At ‘yun ang itinuturo ng pelikulang ito, ang babaan ang pride alang-alang sa anak, sa relasyon at sa pamilya.

Yung iba kasing babae d’yan, mahuli lang ng isang beses ‘yung karelasyon nila na nambabae, hindi lang keps ang sinasarado, e pati isip at puso, kinakandado. Wala sa bokabularyo ang salitang “kapatawaran”. Adulterer deserves second chances. Kung mahal mo pa, bigyan mo ng pagkakataon na bumawi at magbago.

Kaya sa mga babae diyan na nakaranas na ng pangangaliwa ng asawa, para sa inyo ito. Makakarelate kayo dito. Habulin niyo sa sinehan bukas, mukhang magse-second week ito sa dami ng nanood na mga madir kanina kasama ang kanilang mga asawa.

Para sa mga becoming “ahas” or ‘yung mga napipintong homewrecker, watch niyo na rin ‘to at (medyo pahaging lang) parang nanood kayo ng film version ng manual na “How Not To Be A Bes”.

At para rin ito sa mga lalaki diyang nangaliwa ng asawa. Tuturuan kayo ni Dingdong Dantes dito kung paano ma-win back para mapatawad ng inyong legal wife.

Iyon ay sa pamamagitan ng salitang 'effort'.

#TheUnmarriedWife

Wednesday, November 16, 2016

MISS SAIGON

Year 1990 nang manalo si Lea Salonga ng Olivier at Tony awards para sa Miss Saigon. Big deal ito para sa ating mga Pinoy na pride-hungry. At isa itong international recognition sa galing ng isang pinoy sa larangan ng performance arts. 10 years old pa lamang ako noon at nasa elementary so wala akong pake sa ganyang awards-awards. Kiber. Hindi ko pa ma-appreciate ang musical stage plays or ang teatro. Mas inaabangan ko pa ang mananalo sa Oscars! I prefer movies over theater.

Hanggang sa years after e nakabili ako ng DVD ng performance movie ng Cats The Musical at Rent sa bangketa. Nagustuhan ko ito. At naghagilap ako ng performance movie rin ng Miss Saigon. Gusto kong malaman kung gaano ba kagaling si Lea Salonga dun kaya siya nanalo. Kaso wala pa daw silang copy nun. Kaya nagtiyaga na lang akong panuorin sa Youtube ‘yung mga video clips ng segments ng Miss Saigon. Paputul-putol lang ang mga recorded clips show sa Youtube, hindi ko pa rin makuha ang kuwento ng buo.

Hanggang sa nagkaroon nga ng Philippine staging ang Miss Saigon some years back with Lea reprising her role as Kim. Siyempre na-excite ako noon until nalaman ko ang presyo ng ticket. Ang mahal, libo! Hindi keri ng lola mo. So never akong nakanood ng kahit isa man lang na live performance nito dito sa Pinas.

So dumating ang 2016 at nabalitaan kong ipalalabas daw ang 25th Anniversary Performance sa piling sinehan sa Metro Manila. At very affordable ang ticket price! Kaya di ko ito pinalampas pa. Kanina ay nanood ako sa SM Megamall with a friend.

Tama ang hype simula nung pagkabata ko. Napakaganda pala nitong musical stage play na ito! Tragic love story siya na punumpuno ng emosyon, nagsusumabog sa tensiyon. Ngayon lang ulit ako nanood sa sinehan na bigla na lang tumulo ang luha ko after ng palabas. Much more siguro kung live staging pa ‘yung napanood ko.

Napakasuwerte ng mga nakanood ng Miss Saigon noong si Lea Salonga pa ang gumaganap na Kim. Nakakainggit kayo!

Kahit hindi na siya ang bagong Kim ay siya pa rin ang nai-imagine kong gumaganap dito.

Pinakapaborito kong eksena e ‘yung flashbacks ng paghihiwalay nina Kim at ni Chris. Ito ‘yung dumating ‘yung helicopter para kunin ‘yung mga sundalo at umandar palayo, leaving Kim behind. Winner!

Nadagdagan na naman ang bucket list ko.

Kailangan kong makanood sa Broadway or sa West End ng re-staging ng Miss Saigon! Kailangan ko itong ma-experience sa buhay ko!

#TheHeatIsOnInSaigon

Thursday, November 3, 2016

TROLLS


Simula nang patayin ni Negan si Glenn Rhee sa The Walking Dead, parang pumusyaw ang mundo ko. Sobra akong na-down. Kaya ang ginawa ko, nag-download ako ng sandamakmak na gay films tapos pinanood ko ulit ang mga pelikulang nagpatawa sa akin like Priscilla Queen of the Desert, The Birdcage at Mrs. Doubtfire para manumbalik ang galak sa puso ko. Pero ganun pa rin ang level of sadness ko, lugmok pa rin.

I tried to watch a horror movie three days ago (OUIJA) para mapagtakpan sana ng takot ang kalungkutan ko pero nadagdagan pa ito ng disappointment kasi para lang akong nanood ng episode ng Oka Tokat. Hindi man lang ako natakot sa movie na ‘yun.

So sabi ko baka superhero movie ang magpapalipad pataas ng self-esteem ko kaya pinanood ko ang Doctor Strange nung isang araw. Pero naalog ang utak ko. Anlakas maka-Inception mashed-up with The Matrix! Nagpanic ang brain cells ko sa pag-iintindi ng plot/story.

Kaya sabi ko baka itong fantasy movie na A Monster Calls ang magpapawala ng nalulumbay kong puso. Punyeta, namatayan ng ina ‘yung bida sa ending. Napaiyak ako sa lungkot ng pelikula. Nadagdagan ang level of anxiety ko sa film na ‘yun.

So naisip ko, ano kayang pelikula ang magpapataob sa depression ko? Sana dumating na bago akong tuluyang mabaliw.

Buti na lang, nang lumabas ako kaninang tanghali ng bahay para kumain ng lunch e nakita ko ang dalawa kong pinsan na balikbayan at nag-invite manood ng sine. Dahil never akong tumanggi sa panonood ng pelikula, sumama ako.

Sa Bonifacio High Street kami pumunta para ma-experience daw nila ang 4DX. Wala ang pelikulang Max Steel doon na gustong mapanood ng pinsan ko kaya Trolls ang pinili namin, gawa ng napanood ko na rin ‘yung Doctor Strange at A Monster Calls na palabas din duon.

Super nag-enjoy ako sa panonood!

Natawa ako at nakisabay sa mga cover ng songs sa musical animated film na ito lalung-lalo na ‘yung kinanta ng mga bida ‘yung Sound of Silence at True Colors! Tawang-tawa ako dun sa mala-Bakekang na character na may Cinderella twist, si Bridget.

Next to Frozen, ito ang pinakanagustuhan kong animated musical.

Imagine, after naming manood, nang papunta ako sa CR para jumingle e nadatnan ko yung takilyera ng sinehan na sumasayaw na mala-Beyonce , sinasabayan ‘yung song sa closing credit ng movie. Natigilan lang nung nakita ako. At nang pumasok naman ako sa CR e nagkakantahan ‘yung mga bata sa loob habang umiihi. Nag-enjoy ang mga moviegoers!

Tungkol ang story ng movie sa mga Trolls, na tumatakas sa mga Bergens, na ang trato sa kanila ay mga pagkain, kinakain sila para maging happy. Sa buhay ko, hindi ko na kailangang kumain ng Trolls, kailangan ko lang pala silang mapanood para masiyahan. Napaka entertaining niya!

Highly-recommended ito sa mga magulang na gustong ma-enjoy di lang ng mga anak nila ang pinanood na movie kundi pati nila mismo.

Para akong nainjectionan ng Extra Joss accentuated with ecstasy after ko ‘tong mapanood.

Imagine, itong mga sarat ang ilong na Trolls lang ang magpapanumbalik ng galak sa puso ko.

Sunday, September 25, 2016

THE GIRL ON THE TRAIN

Excited kong pinanood sa sinehan sa first day of showing nito.

At sobra akong nadismaya!

Mas maganda ‘yung book kesa sa movie!

Bukod sa setting, meron ding mga minor na details na binago sa film adaptation. Pero hindi lang dun pumalpak ang director, kundi dun sa flow ng kuwento mismo. Kulang sa mystery! Walang ka-suspense suspense! Hindi pasabog ang killer reveal! Walang shock factor! Ang boring ng movie. Sayang ‘yung material. Hinusayan pa naman ni Emily Blunt ‘yung role bilang si Rachel Watson, ‘yung diborsiyadang alcoholic. Kitang-kita mo sa mga mata niya ang pag-asam with that “mano-nominate ako sa Oscar” look. Pero fail ‘yung buong pelikula. Hindi nila nabigyang hustisya ang ganda ng novel.

Very disappointing ‘yung film. Pero ‘yung book, the best!

Monday, August 22, 2016

SAUSAGE PARTY

Nakakaloka 'tong Sausage Party!

Riotiously funny siya!

Di pa siya showing dito sa Pinas. Wala pang release date. Na-download ko lang siya sa torrent.

(Spoiler Alert!)

Kuwento ito ng mga pagkain sa loob ng grocery store na inaasam na ma-pick up sila ng mga taong mamimili (whom they consider Gods) at makapunta nga sa tinatawag nilang "great beyond". Ang hindi nila alam e kapag nabili na sila at naiuwi sa bahay e kakainin lang sila. Na 'yun ang kapalaran nila.

Para itong R-rated comedy na ginawang cartoons! Adult humor.

Sa 3rd-act ba naman ng film, after nilang manalo against sa mga tao e biglang nag-orgy 'yung mga grocery items! Gangbang kung gangbang talaga! Fuckfest!

Tawang-tawa ako dito sa karakter na lesbiyanang tacos. Nilapa 'yung keps ni hotdog bun! Hahaha.

Kung nao-offend ka sa mga sex jokes or racism, hindi ito para sa'yo. Dahil bastos ang animated film na 'to, saan ka ba naman nakakita ng cartoon character na nagsasalita ng word na "fucking, fuck, etc".

Pero kung dig mo ang mga offensive humor like me, highly-recommended ko ito sa'yo!

Plus, very original ang premise niya.

Note: Hindi 'to pambata!

4 stars out of 5.

Wednesday, August 10, 2016

PAMILYA ORDINARYO

Mataas ang expectation ko sa pelikulang Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy Jr. Kasi, alam kong mas hihigitan niya ang previous films niyang Bahay Bata at Quick Change. At hindi niya ako na-disappoint. Isa rin ako sa mga nakipalakpak sa pagtatapos ng pelikula.

Akala ko, sa pelikulang Ma’Rosa ni Direk Brillante Mendoza lamang ako huling papalakpak sa isang poverty porn film, ‘yun pala e pati dito sa Pamilya Ordinaryo rin. Humilera ang pelikula sa mataas na bar na itinaguyod ni Direk Brillante pagdating sa socio-realist films sa Pinas.

Kuwento ito ng teenage parents na nakatira sa lansangan at naging biktima ng baby-snatching incident. Kung paano nila hinarap ang mga araw matapos makuhaan ng sanggol na anak ang core ng pelikula.

Hindi pretentious ang kuwento. Totoong-totoo. Well-researched ang milieu at mga characters. Mapapasabi ka sa sarili mong ‘Meron akong kakilalang ganyang pamilya’. Kilalang-kilala mo sila kasi naka-encounter ka na ng ganung mga klaseng tao. Sila ang pangkaraniwang pamilya na matatagpuan mo sa mga kalsada.

Ito ang salamin ng generic Filipino family.

Mapupurga ka sa dami ng murahan dito. E bakit hindi? Yun naman ang reyalidad. Dahil sa sobrang kahirapan ng buhay e normal na ang makarinig ng murahan sa kalsada.

Ang kaibahan lang nito sa ilang pinoy poverty films, hindi masakit sa mata ang camera works ng cinematographer dito. Pero kahit malinis ang cinematography, naroon pa rin ang grit. Magaspang pa rin ang texture nito kesehodang maayos ang pagkakailaw ng mga eksena sa kalsada at maganda ang pagkaka-color grading. Marahil, nakatulong dito ang look ng mag-asawang bida na sobrang dugyot na dugyot kung titignan mo.

Ang pinaka-surpresa ng pelikulang ito ay ang napakahusay na pagganap ni Hasmine Killip. She’s a diamond in the rough. Saan galing ang babaeng ito? Napaka-natural na aktres! Reminds me of Ana Capri during her heyday. At hinaluan pa ng isang mahusay ding support niya na si Ronwaldo Martin na natural na natural ang pagganap.

Above all else, ang magic ng pelikulang ito ay ‘yung story niya. I was moved by it. Lalo na siguro ‘yung merong mga anak. Makakarelate kayo sa emotional and physical struggle ng dalawang batang magulang sa paghahanap ng kinidnap nilang anak.

Sa Pamilya Ordinaryo, ang battle at pursuit ng mga batang magulang na sina Hasmine at Ronwaldo sa paghahanap ng kinidnap nilang anak ay metaphor na kasinghirap solusyunan ang kahirapan sa Pinas.

Ang maitim na utong ni Hasmine sa breast exposure niya dito ang nagsisignify ng estado ng pamilyang Pilipino. Maitim, walang liwanag.

At nakakadistract lang sa panonood e ‘yung mga eksenang nakabukol ang hinaharap ni Ronwaldo Martin. Nawawalan tuloy ako ng focus sa eksena.

My best actress for Cinemalaya 2016 is Hasmine Killip!

Sa mga film enthusiasts dyan like me, habulin niyo sa selected theaters. Hindi kayo magsisisi.

#Cinemalaya2016

Monday, August 1, 2016

STRANGER THINGS


Tama ang hype. Maganda nga ang Stranger Things!

Para kang nanood ng 80s sci-fi movie na ginawang television series. Or para siyang sinulat ni Stephen King. Or para siyang serialized episode ng Amazing Stories noong 90s.

80s and 90s kid will surely enjoy watching it. Ibabalik niya kayo sa childhood memories niyo lalung-lalo na at makikita niyo ulit dito ang 90s crush ng bayan na si Winona Ryder.

Pinakapaborito kong character dito e si Dustin, 'yung toothless nerd. He's funny and cute.

Tulad ng paborito kong Lost at The Walking Dead series, isang upuan ko lang tinapos ang Season 1. Hitik sa mga cliffhanger! Excited na ako sa Second Season. Cant wait.

Sana gumawa rin ang TV networks natin ng sci-fi series. Or i-reboot nila 'yung Dayuhan noon. Naalala ko, sinubaybayan ko 'yun nung bata ako. Ako lang ba dito ang may recollection ng teleseryeng 'yun?

#Eleven #StrangerThings

Thursday, July 28, 2016

HOW TO BE YOURS



Just got home, watched How To Be Yours.

The first half is super nakakakilig kasi it makes you remember the first phase niyo ng jowa mo, ‘yung tipong nasa ‘getting-to- know-each-other’ phase pa lang kayo sa relationship niyo. Yung simula ng film e nakakatuwa kasi ito ‘yung boy-meets-girl stage with sweet, naughty conversation between the two protagonists leading to a deeper relationship. Pero nang pumasok na ang conflict ng story, ito ay nung lumabas na ang insecurities ni Gerald Anderson sa Sous Chef career ni Bea Alonzo, nang ma-threaten na ng oras sa trabaho ni Bea ‘yung relationship nila, lumaylay na ‘yung movie. Bakit? Kasi nang duma-drama na si Gerald, you’ll wish na sana e si John Lloyd Cruz na lang ‘yung gumaganap sa role. It’s a John Loyd-Bea movie material!

Okay, eye candy man siya, pero hindi ka kasi makaka-relate sa acting ni Gerald Anderson. Okay naman ang chemistry nila ni Bea. Ako lang ba ang nagpapaka-negastar dito pero paano mo kasi kakaawaan si Gerald nung nagda-drama na kung alam mong two-timer fuckboy siya sa totoong buhay? Ang hirap niyang kapitan. A-agree sa akin sina Kim Chiu at Maja Salvador, di ba, girls?

Salamat na lang sa presensiya ni Bea at nadala niya ang mga eksena with Gerald.

Disappointing na sana ang film until that last scene kung saan dumating si Gerald sa bar with two cups of coffee for Bea, reenactment niya ng gesture na ginawa niya noon kay Bea nang magsimula pa lang ang kanilang relasyon. At tulad ng mga kasabayan kong babae sa panonood, potah, kinilig ako dun ng severe! Yun ang bumuhay sa naghihingalong rom-com movie na ito! ‘Yun ang nag-iwan ng marka sa audience. Bukod sa presensiya ni Bea Alonzo, ‘yung eksenang ‘yun ang nag-iwan ng ngiti sa mga hopeless romantic moviegoers. ‘Yung eksenang ‘yun ang magpapabalik sa’yo sa memory lane kung paano ka pinahaba ng buhok ng manliligaw mo noon. Nung panahon na akala mo e kasing-ganda mo pa si Bea Alonzo! Nung panahon na wala pang kalyo ang fez mo!

Walang third-party involved. Hindi tao ang karibal ng bidang lalaki kundi ang trabaho ng bidang babae. Kaya don’t expect na may confrontation, murahan at sampalang magaganap. Napaka-simple lang ng premise ng story.

Nagpakilig. Naging sila. Nagkahiwalay. Nagdramahan. Nagkabalikan. Nag-end.

Tatak-Star Cinema.

Ang pinaka-panalong karakter dito e ‘yung si Brian Sy, na gumaganap na housemate ni Bea Alonzo na puro reaction lang ang ipinapakita sa lahat ng eksena niya dito. As in, no dialogue at all. Pero effective siyang comic relief. Perfect siya!

Mas better ito kesa sa Achy Breaky Hearts pero huwag kayo umasang mala Popoy and Basha hugot movie ito para di kayo ma-disappoint.

A decent rom-com flick, though.

Thursday, July 7, 2016

MA' ROSA

 
Dala ng curiosity ko kung bakit naiuwi ni Jaclyn Jose ang best actress sa Cannes, sinadya ko talaga ang Glorietta para mapanood ang Ma ‘Rosa.

Thank God, I did.

Napapalakpak ako sa ending ng pelikula!

Sobrang makatotohanan ang pelikula kaya aakalain mong documentary ‘yung pinanonood mo. Totoong characters (na parang yung kakilala kong pamilya). Totoong kuwento (na nangyayari talaga). Totoong milieu (amoy na amoy mo ‘yung slum area).

At ito na nga, no wonder kaya nasungkit ni Jaclyn Jose ‘yung best actress sa Cannes. Sobrang totoo ‘yung portrayal niya ng character. Parang buhay na buhay si Ma ‘Rosa. Pinaniwala niya akong true-to-life story ni Ma ‘Rosa ‘yung pinanood ko!

Yung pinakahuling eksena kung saan tumigil siya para bumili ng squid balls sa kanto habang pinagmamasdan niya ‘yung isang pamilya na nagsasara ng make-shift na tindahan tapos e bigla na lang siya napaluha… Epic! Potah para siyang kaibigan mong umiiyak sa harapan mo pagkatapos niyang ikuwento yung problema niya. Makaka-relate ka bilang isang Pilipino kasi familiar na familiar ang ganong kuwento ni Ma ‘Rosa, isang magulang na trapped na sa paghihirap kaya kumakapit sa patalim, ang pagbebenta ng droga para maitawid lang ang gutom ng pamilya.

Natutuwa ako na sa panahon ni Duterte naipalabas ‘to.

Gugustuhin mo talagang masuplong na ang droga sa bansang ito para hindi na tayo magkaroon ng Ma ‘Rosa.

Second to Kinatay, ito na ang best Brillante Mendoza film for me!

Watch niyo bago pa ma-pullout sa mga sinehan.

Suportahan natin ang pelikulang pilipino!

#MaRosa

Monday, July 4, 2016

HOW TO BE SINGLE

Nagustuhan ko tong ‘How To Be Single’. Malinaw na nailahad ng pelikula ang hindi na-explore ng pelikulang The Achy Breaky Hearts. Ito ay ang question na kung bakit mas pinili ng lead character na maging single at hindi sagutin ang mga lalaking dumating sa buhay niya.

This is definitely one of the best chick flick na napanood ko. Para siyang pinahabang episode ng Sex And The City sa TV.

At ayon sa IMDB, ‘yung sumulat nito e siya ring nag-pen ng Never Been Kissed ni Drew Barrymore na one of my fave rom-coms ever. Kaya pala.

Single ladies, watch this movie at hindi kayo madi-disappoint! At least dito, kahit piniling maging single ng Lead character na si Dakota Johnson e may dahilan, hindi katulad ni Jodi Sta. Maria sa The Achy Breaky Hearts na nagpa-girl ang potah at nag-inarte!

Watch mo ‘to, Vergel! Well-recommended.

Thursday, June 9, 2016

THE CONJURING 2

Nakaka-stress ‘yung The Conjuring 2!

Mas better at mas nakakatakot siya sa part 1!

Sa mga buntis dyan, huwag kayong manonood nito kung di nyo pa kabuwanan at baka mapaanak kayo nang wala sa oras.

At dapat fresh kayo kung pumasok sa sinehan kasi lalabas kayong laspag na laspag na!

*Spoiler Alert

Pure horror ito kaso merong mga laughable scenes:

- Sa eksena kung saan iniinterview ng mga production staff ng isang TV program ‘yung batang babae na sinasaniban ng espiritu, nang tanungin nila ng “Is anybody there?” ito, sumagot ba naman ng “Knock, knock…” yung kaluluwa!
- Sa eksena kung saan iniinterview ulit ‘yung batang babaeng sinasaniban ng paranormal experts na sina Ed and Lorraine Warren e nag-request ito na tumalikod sila bago ito saniban ng espiritu!
The Voice?
- Sa isang eksena, nang maggitara si Ed Warren at kumanta; sumabay ang mga bata. Nagmistulang Von Trapp family singers sa The Sound of Music! Or isang eksena sa Glee!
- Sa isang eksena kung saan nagpakita at kinagat ng multo ‘yung nanay ng mga bata sa baha e dinampot ni Ed sa tubig ‘yung nahulog na misteryosong bagay…. Na guess what? Pustiso ng multo!
- Headbangers dito si Sister Stella L, ‘yung madreng demonyo! Mas nakakatakot siya kesa kay Maritess Gutierrez sa Halimaw Sa Banga!
- May cameo appearance ang manikang si Annabelle bago mag ending!

A must-watch para sa mga horror fanatic like me.

Thursday, June 2, 2016

THE ACHY BREAKY HEARTS

Kauuwi ko lang from watching The Achy Breaky Hearts at sa tingin ko, it’s the ultimate movie for single ladies!

Kung meron kasing mga pelikula na nag-go-glorify ng mga kerida, ito naman e gino-glorify niya ‘yung pagiging single ng isang babae. Na it's okay to be single forever.

Isang malaking Hello!?!

Kaya I’m giving it a 3 stars out of 5.

Kumbaga sa sex, ang sarap ng foreplay pero hindi ako nilabasan. Kumbaga sa panliligaw, pinaasa ka lang pero hindi ka tinuluyan. Pa-fall tong movie na ‘to!

I was smiling sa simula hanggang gitna at inakala kong magiging favorite star cinema movie ko to after ng Love Me Tomorrow at The Mistress. Naisip ko nga, nakaka-good vibes 'tong film na ‘to kasi ipararamdam niya sayo na sobrang haba ng buhok mo sa pagkaka-rebond at sobrang unat ng face mo sa kagagamit ng kojic soap sa sobra mong ganda dahil pinag-aagawan ka ng dalawang Hnadsome Daddy Material. Until dumating na sa parteng binabalanse na ni Jodi Sta. Maria kung sino kina Ian Veneracion at Richard Yap ang pipiliin niya sa dalawa.

Na ang ending e wala siyang pinili kundi ang tadhana!

In short, ang pinili niya e ang kaartehan niya!

Kaya maraming tumatandang dalaga e kasi umaarte pa, nagiging choosy sa pagpili ng lalaki. Bago pa amagin yang keps niyo, aba ride-all-you-can na while supplies last!

Hindi yung mas marami pa kayong pasakalye bago pumasok sa isang relationship! Di kayo programa sa TV para magkaroon ng maraming patalastas noh!

Ano ba naman, ang isang Richard Yap pag dumating sa buhay mo, sunggab na kaagad kasi opportunity yun. Dagdagan mo pa ng isang Ian Veneracion, aba, suwerte na ‘yun. Aba Ginoong Maria, napupuna ka ng grasya!

Kaya imbes na matuwa ako sa karakter ni Jodi Sta. Maria dito e naimbiyerna pa ako kasi nagpakipot pa siya sa ending na akala mo e kay-virgin virgin. At nagpahabol pa talaga sa dalawa sa highway!

Hindi ako natuwa sa gustong ipunto ng pelikula na okay lang ang mag-isa! Dahil although its okay to be single but it should not be suggested. Kasi meron naman kasing choices. Better choices!

At ang pinili ng karakter ni Jodi e ang mag-isa at mag-expire ang keps.

Kung single lady ka, ito na ang mag-a-uplift ng morale mo! Watch mo ito at sasabihin mong ‘pelikula ko ito! Akong-ako ‘yan!’ Sobrang makaka-relate ka!

Sa mga naiinis naman sa mga maarteng babae like me, mag-Legend of Tarzan na lang kayo at baka ikatuwa niyo pa ang abs ni Tarzan dun.

Sunday, May 29, 2016

LOVE ME TOMORROW


Kanina, tinopak akong pumunta ng Robinsons Forum para habulin sa sinehan yung Love Me Tomorrow starring Dawn Zulueta and Piolo Pascual ng Star Cinema. Kasi i’m a sucker for May-December affair movies!

So bale, ako yung unang pumasok ng sinehan sa una nitong schedule for the day. Nang pumasok ako, wala pang pinapalabas na trailer or music man lang. Its creepy pala kapag mag-isa ka lang sa loob ng sinehan. Ang dami mong maiisip na baka may multo kang makakatabi or baka may sumulpot na tyanak sa paanan mo o baka may blob na creature na biglang lalabas sa tuktok ng kisame ng sinehan. Hanggang sa bigla na lang pinatugtog ‘yung Lupang Hinirang, kamuntikan kong maitapon yung iniinom kong softdrinks sa sobrang gulat.

Nang pagtapos ng Pambansang Awit Ng Pilipinas, bigla ngang may dumating na isang lola na umupo sa first row ng balcony section. Matandang babae na may mahabang puting buhok. Lilia Cuntapay ang peg! Natakot ako. Kung sa akin siguro ‘yun tumabi e tatakbo talaga ako palabas ng sinehan. Buti na lang e sa first row siya umupo.

Then ilang saglit lang at may umakyat din na isa pang lola. Ka-fez naman ni Luz Fernandez! Nagpanic ako ng slight kasi akala ko nasa set na ako ng Shake, Rattle & Roll movie.

Maya-maya pa e napuno na ang first row ng mga grand lolas at aakalain mong private viewing for senior citizens ‘to ng Love Me Tomorrow!

At habang nagpe-play ang mga trailers, halos mapuno naman ng mga middle-aged women ang second row ng balcony. Nandyan na ang mga Malu Barry-lookalike at iba pang matronic beauties na bilat!

Its grannies versus the Titas of Manila! Ito pala ang market ni Dawn Zulueta.

So sa hanay ng mga moviegoers dun kanina, ako lang ang nag-iisang beki na hindi maikakailang matrona na rin ang peg.

And in ferla, nagustuhan ko yung movie!

Sobra kong ineexpect ang isang mabigat na conflict pero napakasimple lang ng story nito! Walang hardcore na sampalan, walang malalang confrontation scenes, walang campy dialogues, walang kerida or no. 2 na mas bitchesa pa kesa sa bida, walang ending na ‘and they happily lived ever after’. Yung pagiging simple lang ng kuwento ang magic ng pelikula kasi totoong-totoo siya. May puso. And that’s what I love about the film, na yung ineexpect ko sa kanya e hindi yun ang nakita ko.
Ang ganda pa rin ni Dawn Zulueta! Papasa pa nga siyang under 40 sa hitsura niya!
At ang ikinaloka ko sa panonood e yung marinig ko ang kilig ng mga lola sa Row 1 kapag may eksena together sina Dawn at Piolo! Parang mga teenagers lang na nanonood ng Kathniel. Parang pinipitpit ang mga fossilized na mane!

Sayang, sana kung nandito lang ang mommy ko, she would enjoy this film!

Recommended for women 35 and up! Especially dun sa mga nasa May-December affair. Siguradong makaka-relate kayo!

At tulad ng mga lolas kanina, lalabas kayo ng sinehan na nakangiti ang mga kepyas niyong virgin na ulit.

Tuesday, May 10, 2016

X-MEN; APOCALYPSE

Napakaganda ng X-Men Apocalypse! Ito na for me ang the best Marvel Superhero movie or X-Men movie sa franchise nito.

If you are an X-Men fan, or a batang 90’s, this one is definitely a must-watch for you! Mag-e-enjoy ka talaga!

Bakit? (Spoiler Alert)

1. Lumabas na dito ang pinakapaborito kong X-Men character… si Jubilee! Kahit na hindi man lang niya ipinamalas ang kanyang powers, at least na-introduce na rin siya. Imagine, sa cartoons noon, siya lang ang inaabangan ko at kung minsan sa tapat ng salamin tina-try ko kung may lalabas ding pyrotechnic energy plasmoids tulad ng super powers niya. At nung una ngang pelikula ng X-Men e siya talaga ang inabangan ko. Finally, lumabas na siya!

2. Nakakaelib ‘yung pagpapakita ni Havok ng plasma blasts niya sa loob ng Cerebro!

3. Ang bongga ng eksenang matatapunan ng sasakyan si Storm tapos biglang may-i-enter si Psylocke at hinati ng kanyang telekinetic katana ang sasakyan! Napaangat ako sa kinauupuan ko sa sobrang amazement! Nilamon ni Psylocke ang eksena ni Storm!

4. Ang gumanap na young Cyclops dito e ang super crush kong si Tye Sheridan! Ampogi! Kinilig pa ako sa una nilang pagkikita ni Jean Grey!

5. Nag-cameo rin ang favorite ng lahat na si Wolverine!

6. Nagustuhan ko ‘yung eksenang sinagip ni Quicksilver ‘yung mga mutants sa pagsabog tapos ‘yung background music e yung Sweet Dreams Are Made Of This ng Eurythmics!

7. Naging Phoenix si Jean Grey at siyang nakatalo kay Apocalypse!

8. I was always fascinated by Ancient Egypt and its culture kaya nang ipakita ang pyramid, kung saan galing si Apocalypse, e sadya akong na-excite.

9. Nang lumabas ang Sentinels sa ending para pagpraktisan ng X-Men, ayun na, napapalakpak talaga ako sa loob ng sinehan!

Simula umpisa hanggang dulo, you’ll be glued to your seat and will be purely entertained. Its an enjoyable ride!

Thursday, April 28, 2016

CAPTAIN AMERICA; CIVIL WAR

I enjoyed watching Captain America: Civil War. Its more enjoyable than Batman V Superman! 

Mas malupit ang bakbakan ng mga superheroes dito. Royale Rumble!

Para kang naglaro ng Marvel Versus Capcom sa sinehan, kung saan ang player mo either si Captain America or si Iron Man.

Kung si Wonderwoman ang nagdala sa Batman V Superman, dito e si Spiderman! At yung witty quips niya habang nakikipagbakbakan!

Super dami ng batang kasabay kong manood! Aakalain mong may childrens party sa loob ng sine!

Kaya yung may mga junakis dyan, watch niyo ng anak niyo at siguradong magugustuhan ninyo ito! I swear, kumapal ang buhok ko!