Kani-kanina lang, napag-usapan namin ng kaibigan kong Movie Reviewer ang mga recent decent horror movies na napanood namin.
Bigla ko lang naalala 'tong 1995 Russian movie na 'to na napanood ko sa VHS noong high school pa ako.
MUTE WITNESS
Under-appreciated ito e.
I remember, while watching it, napapa-padyak at napapa-angat ang puwet ko sa upuan sa sobrang suspense.
Kuwento ito ng isang piping make-up artist na nakulong sa studio kung saan sinu-shoot ang horror movie nila sa Russia. Sa loob, naka-witness siya ng patayan. Kung paano siya naka-escape doon, 'yun ang buong pelikula.
Paano makakahingi ng saklolo ang isang pipi?
Ang bongga ng simpleng plot, 'di ba? Wait ka lang kung paano inexecute ng direktor ang mga eksena. Matatapyas ang panga mo sa kasisigaw sa sobrang suspense.
Di ko pa alam ang term noon na Hitchcockian. Pero para siyang patterned sa camera techniques ng mga pelikula ni Alfred Hitchcock. Humi-Hitchcockian! There, i said it.
Mukha siyang low-budgeted movie kasi bukod sa hindi kilala ang mga artista, chinecked ko sa IMDB now, hindi siya produced ng mainstream studios. At galing siya sa Russia.
Pero just the same, para siyang gawa ng de-kalibreng horror director at nagawaran ng big budget.
Kakapitan mo dito ang piping bida. Rereglahin ka sa pagtakas niya mula sa killer!
Polished ang directing, production design at par excellence ang cinematography. Lalung-lalo na ng editing.
Download it sa torrents or you can watch it sa Youtube (nakita ko, uploaded siya dun). Ewan ko nga lang kung may English subtitles siya kasi Russian/English-language ang movie.
Kaya if you're into slasher flicks, highly recommended ko ito for you.
Nasa Top 3 ko siya ng pelikulang nagpasigaw sa akin. Second sa PSYCHO, followed by BREAKDOWN starring Kurt Russel.
VERDICT: Limang banga para sa low-budget movie na mas maganda pa sa Huwag Mong Bubuhayin Ang Bangkay ng Seiko Films.
No comments:
Post a Comment