Itong THE KISSING BOOTH ay makapal ang mukhang nanghiram ng elements sa mga successful romantic teen movies like CLUELESS at MEAN GIRLS.
Pero hindi siya ganun kaganda. Nagpumilit siyang pumantay sa mga iyon pero hindi niya na-achieved.
Hindi mo siya nanaising ulitin tulad ng mga pelikulang nabanggit ko. Forgettable siya.
Kuwento ito ng magbestfriend na isang lalaki at babae na may mga rules na sinusunod sa kanilang friendship. At isa sa mga rules na 'yun e "Never Makikipagrelasyon Sa Kapamilya/Kadugo Ng Bawat Isa". Ngunit paano kung ma-inlove si Girl sa kapatid ni Boy Bestie at magkaroon ng relasyon dito? Paano niya ito ililihim sa bestfriend niya? Paano kung malaman din ito nito kalaunan?
"Friendship or lovelife?" Ang mas gasgas pa sa kawaling sunog na subplot ng mga romantic themed movies.
Ganun kababaw. Kingkingan. Parang episode ng Flames sa ABS-CBN noon or istorya sa Wattpad.
Walang bagahe.
Kung matanda ka na at napagdaanan mo na ang mga pelikulang CLUELESS, MEAN GIRLS, SOME KIND OF WONDERFUL at PRETTY IN PINK, wala kang mapupulot ditong bago. Wala itong pinresent na bago. Nandyan pa rin ang walang kasawa-sawang mean girls at Prom scene!
Pang-high school ito.
Nakakabata? Nope. Nakakatanga. Hindi na 'to para sa'yo. I'm sure upgraded ka na.
Havey na havey 'to sa mga kikay millennials or high school.
I'm sure, kikiligin sila ng bongga kahit na ang OA sa kababawan 'yung kuwento. Kaartehan ng isang high school girl na ang tanging hangad sa buhay e mahalikan o madevirginized. Na hinaluan ng konting subplot about friendship. Ganyan.
Kapikon, di ba? Ang sarap itakin 'yung dede ng lead actress at ilagay sa garapon. Tapos tatadtarin ko ng pinung-pino saka ko gagawing bopis.
Pero ma-appreciate 'to ng mga nasa high school at Wattpad fans. Or ng mga hindi pa rin nakaka-moved on kina Jolina at Marvin.
Tulad ko noon, super havey sa akin ang CASPER THE MOVIE. Yung naiihi ako sa kilig sa eksenang sinasayaw ni Casper si manoong Cristina Ricci. Paanong hindi? E high school lang ako noon nang panoorin ko 'yun sa sinehan. Virgin na virgin pa ako noon. Super babaw pero 'yun ang first time kong kiligin sa panonood ng pelikula. Kaya din hindi ko makalimutan si Devon Sawa.
Kung ano man ang pinaka-nagustuhan ko sa movie, ito ay ang leading man dito na maiko-consider kong "Hottest leading man ng teen movie of this generation". Pagkasarap-sarap. Parang si Tom Cruise noong Top Gun era. Ulam. Magwa-water-water ka sa kapogian!
Nabasa ko rin online na naging mag-on ang dalawang lead ng movie sa totoong buhay. Nagka-developan silang dalawa while doing the film.
As if may care ang tao sa lovelife ng dalawang starlet na ito.
VERDICT:
Dalawang banga at isang pasador sa kare-regla lang na dalagita na makaka-appreciate nito.
No comments:
Post a Comment