Sunday, June 3, 2018

SID AND AYA

Kahapon, pinanood namin ng mga kapwa ko starlets ang SID & AYA. Nirekomenda kasi ito sa akin ng co-writer ko sa Maynila. E, sa aming kasalukuyang tatlong writers ng Maynila, siya (sa tingin ko) ang pinakamagaling sa pagsusulat ng Rom-Com so mataas ang kumpiyansa kong kapag sinabi niyang maganda ang isang romantic  movie, maganda talaga. 

Nakumbinse tuloy akong effortan at dayuin sa sinehan.

Sinabay ko na lang sa araw ng “catching-up with my long lost friends” movement ko ‘yung movie. Paminsan-minsan ko ‘tong ginagawa at kahapon ang araw nun gawa ng isa sa mga long lost friends ko e nanggaling pa ng Ilocos Norte at nandito lang sa Manila for a short vacation. Plus kasama pa niya ang dalawa niyang chikiting na inaanak ko pang pareho.

Ito na… (Spoiler Alert)                                                           

Dalawang beses akong nakatulog sa sinehan.

Valid reason ba ang puyat? Kasi tatlong oras lang ang tulog ko nung gabi bago kahapon. Tapos  medyo na-haggard pa ako sa pag-aasikaso ng mga guest (as if naman pag-aari namin ang venue kung saan ginanap ang mini-reunion with my friends).

Or talagang hindi lang ako na-hooked sa lead character dito na isang lalaking broker na feeling empty?

Ginigising na lang ako ng friend ko sa sinehan at may hanash na “Bakit ka natutulog, Joyce? Akala ko ba sabi ng katrabaho mo, maganda ito?”.

So pinilit kong gisingin ang diwa ko.

Until, ‘yun na nga, nakatulog ulit ako!

Nang magising ako, patapos na.

Here’s my take: Di ko siya gaanong bet.

Well, it’s a pretty decent romantic movie. Medyo slow-burn or passive lang ‘yung kuwento. Yung walang gaanong dramatic highlights, ‘yung hindi ka matutulig sa kaganapan. Yung tipong sumugod ka sa squatters area pero walang sumampal o humablot sa‘yo. Walang altercation. Ganun.

Di ko rin naman naramdaman ang magic. Walang fairy na nagwisik ng glitters sa ending!

Kasi sa LA LA LAND noon, naalala ko, nakatulog din ako sa loob ng sinehan. Pero punyeta naman ‘yung ending nun, halimaw. Bumawi sa ‘what if ganito ang nangyari’ montage. Gabalde ang iniyak ko dun sa sinehan. Hagulgol talaga.

Pero dito sa SID & AYA,  kulang na lang sabihin kong na-bored ako.

Medyo hype ‘yung nagsasabing pasabog ‘yung ending kasi kung iku-compare ‘yun sa twist ng KITA KITA, walang-wala ‘yun. Napaka-simpleng lusis lang ‘yun. Isdang fountain na hindi sumabog.

At parang hindi naman nila nabigyan ng justice ‘yung tagline na “ Not A Love Story” kasi love story pa rin naman siya. Medyo sad nga lang. Mas akma sana ang tagline ditong “Not A Typical Love Story”.
                                                                                                                                           
After NOT ME LOVE YOU and SID & AYA, sa tingin ko, ito ang nagiging molda ng Viva Films: kakaibang love story na pa-deep.

At least, lumalayo sila sa putahe ng STAR CINEMA kasi, aminin natin, pinag-Reynahan na nila ‘yung ganitong  formulaic romantic movies na kumo-Korean.

Ewan ko ba pero hindi ko talaga nagustuhan ‘yung kuwento. Pero ‘yung pagkakagawa, polished ang technical aspects (design, cinematography, direction).

Siguro kasi, di ko nakita si Anne Curtis sa AYA character na pino-portray niya. Mas si Bela Padilla ang bagay sa role. Yung feisty ang personality. Yung tipong sasama sa isang stranger na mayaman kahit di naman siya prostitute.

Baka magalit naman sa akin ang fans ni Anne Curtis na ka-FB ko. Ganito na lang, bagay din naman kay Anne ‘yung role pero hindi siya ang perfect cast para dito.

Kung nasanay ka’t nagustuhan ang panonood ng Star Cinema movies, slightly madi-disappoint ka dito.

Pero kung gusto mo ng pa-deep na romantic drama, mada-digest mo ito. Ayun ay kung may utak din ang puso mo.

Pinaka-nagustuhan ko dito ‘yung linya ni Dingdong sa bandang ending na “Kahit na hindi kayo nagkatuluyan ng isang tao, ang mahalaga e nakuha mo siya.” Or words to that effect. In English kasi kaya ‘di ko na maalala ‘yung exact words e.

Kung ‘yun ang mensahe ng movie, pasok na pasok sa mga beking may boylet. Hugot na hugot sa mga nabuking nilang eventually e naging karelasyon nila at eventually ulit, iniwanan sila’t pinagpalit sa babae.

Sad lang kasi di kami magkakasundo ng nagrekomenda nito na puring-puri sa pelikula.

Different strokes for different folks. 

VERDICT: Dalawa’t kalahating banga at isang nagseselos na Marian Rivera sa love scenes nila Dingdong at Anne.  

No comments:

Post a Comment