Nakaisa na ako sa Cinema One Originals 2018.
MAMU AND A MOTHER TOO.
Tungkol ito sa isang transexual prostitute na may short-term
goal na magpalagay ng boobs para mas bumenta sa pagpuputa at may maipangbuhay
sa karelasyon niyang boylet. Namatay ang kanyang kapatid at napunta sa kanya
ang pangangalaga ng pamangking beki na nagdadalaga na. Kung paano siya nagpaka-clean
"nanay" dito ang core ng pelikula.
Sa simula hanggang gitna, hirap akong kapitan ang karakter
ni Mamu, 'yung baklang prostitute. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang
pinaglalaban niya, kung ano ang kuwento (o kuwento ba niya ito o ng anak-anakan
niyang beki at tungkol saan ang istorya?
Oo, sa first 10 sequences, lumabas ang main objective ng
bida: ang magpalagay ng suso.
Pero hindi matatag ang posteng ito para kapitan mo siya.
Bakit?
Kasi mas naging interesting ang subplot ng anak-anakan
niyang beki. Ang mga eksena nito ang hiniyawan, tinawanan at pinalakpakan ng
audience. Alam ko, hindi siya ang main character pero mas sa coming-of-age
story niya nagfocus ang attention ng moviegoers. Nakakakilig at nakakatawa ito!
Tatlo ang gustong i-tackle ng pelikula:
Una, just like any other relationships, may mapupuntahan ang
gay-straight relationship.
Pangalawa, na ang
sang puta ay may moralidad din .
At pangatlo, puwedeng magpalaki ang isang bakla ng isang
anak na malinis kahit ang trabaho niya'y marumi.
Kaya naligaw ako nang slight.
Annoying din ang pagbigkas ng "TRUE?" ng mga
characters. Multiple times at binibigkas ng lahat halos ng characters! Yung
totoo, pare-pareho ng catchword ang nasa community?
Isang malaking CHAROT!
Though, solved naman ako sa characterization ni Mamu (played
spotless by Iyah Mina). Ganitong-ganito
ang kakilala kong baklang prosti e. Siyang-siya! Kung paano magsalita, magbitaw
ng dialogue pati 'yung mga eksena sa customer niya, convincing. Malapit sa
reyalidad. Sobrang lapit. Well-researched ang material.
Ang humor din dito, makatotohanan. Kung may gay crowd ka na
loud, makakarelate ka dito sa punchlines ng mga beki characters. Familiar sa'yo
'to. Yung ibang bitaw ng jokes, probably, narinig mo na rin kaya hindi ka na
matatawa. Hindi ka mao-awkwardan. Para ka lang nanonood ng comedy sketch ng
stand-up comedy bar. Pero sa iba, 'yung
walang gaanong kaibigang beki, bago sa kanila 'to. Maaaliw sila panigurado sa
mga eksena.
Gusto ko dito 'yung linya ni Mamu na "Pera lang 'yan,
kikitain ko rin 'yan". Nagpapakita ang kanyang karakter ng positibong
disposisyon kahit na nasa maruming trabaho at nasasadlak sa kahirapan. May
resilience.
Magaling si Iyah Mina dito. Nasurpresa ako sa kanya.
Magagaling talaga magdrama ang mga magagaling magpatawa (Roderick Paulate,
Pokwang, etc).
Ganun din kay Ahron Villaflor. Hindi ko akalaing kakayanin
niya ang role. Doubtful ako sa umpisa na babagay sa kanya 'yung role ng
karelasyon ng beki. Hindi ko akalaing nakakaarte pala si koyah aside from
pagiging pogi lang niya, Hindi lang siya naging dekorasyon sa pelikula.
Nag-perform din siya! Yung confrontation scene niya with Mamu ang magpapatunay
dito.
Pero sa lahat ng nagsipagganap sa movie, 'yung gumanap na
anak-anakan niyang beki ako sumaludo, si EJ Jallorina. Napakahusay!
Kasing-level ni Nathan Lopez sa Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros! Effortless
na beki! Alam ko, straight siya sa totoong buhay pero napaka-compelling ng
pagkakaganap niya bilang beking teenager.
Naligaw man ako nang slight sa gustong ipunto ng movie, sa
pagtatapos naman ng pelikula, naitahi ito ng direktor at nakapagpresent siya ng
makabuluhan at entertaining na pambaklang pelikula.
Pink movie ito, mga maam/ser. Meaning, mas maa-appreciate ng sangkabekihan. Puwede
rin naman sa mga taong open-minded. O sa mga cinephiles dahil sa polished na
cinematography.
Satisfactory ang movie.
Lalung-lalo na ang fairy tale ending. Tusok na tusok sa mga pantasya
ng mga bakla.
Warning: Meron ditong simulated blowjob scenes at baka
maka-offend ng mga konserbatibong ipokrito.
VERDICT:
Tatlo't kalahating banga at ang nakakapanlaway/nakakapanginig
na butt exposure ni Ahron Villaflor.