Sunday, October 7, 2018

EXES BAGGAGE


So, ayun na nga.

May karapatan naman palang mag-3rd week sa moviehouses itong EXES BAGGAGE e.

Humiwalay talaga nang slight ang kaluluwa sa katawan ko sa ganda ng pelikula!

Compelling script + Powerful casting = Explosive movie.

Dalawang tao na may isyu sa exes nila ang pinagsama sa isang relasyon. Ganun lang kasimple ang capsule ng pelikula. Pero sa ganda ng script at galing ng mga actors, nanganak ito ng (para sa akin) one of the best pinoy romantic drama movies in history.

Hindi nag-rely sa hugot dialogues ang writer. Makatotohanan ang linyahan. To be honest, ilan sa mga linya sa movie e na-experience ko na sa totoong buhay at narinig ko na sa ibang kakilalang magkarelasyon. Very relatable sa mga may karelasyon ang mga dialogue ng dalawang main characters. From lambingan to quarrels to bedtime conversations, makatotohanan.

Kung minsan talaga, hindi mo kailangan ng kumplikadong storyline, sandamakmak na characters na nagbabatuhan ng hugot dialogue to create a fine romantic drama movie. Nasa scripting din talaga ang technique e (believable dialogue, plant-offs, use of devices, pay-offs). Dun ka lang mag-focus, magbi-bleed na 'yung kuwento. Magta-transalte 'yun sa audience at nanamnamin nila 'yun. Tulad nitong EXES BAGGAGE, most of the time sa film e nakapaloob lang silang dalawa (Angelica and Carlo) sa interior tapos kudaan lang nang kudaan. Kingkingan, selosan, sumbatan, etc. Pero napaka-effective ng dialogue-driven script ha. Sa totoo lang, parang nanonood ng A QUIET PLACE 'yung audience sa loob ng sinehan, ang tatahimik. Parang mga tsismosang kapitbahay na nakikinig ng away ng mag-asawa sa kabilang bahay! Ninanamnam bawat dialogue.

Minsan, mga artista ang bumubuhay sa pelikula lalo na't kung chaka ang kuwento. Pero dito sa EXES BAGGAGE, nagsagutan ang mga artista, writer at lahat ng bumubuo ng production sa pag-present ng isang magandang romantic drama. Lahat nag-ambag.

Ang perfect ng casting! Yung tipong habang nanonood ka, wala ka nang ibang makitang artista na babagay sa role ng dalawa. Tailor-made roles ba ito? Kung ibang mahusay na artista ang gumanap sa dalawa, ibang atake lang 'yung magagawa nila. Pero hindi mo masasabing mas babagay 'yung mga roles kesa kina Angelica at Carlo. Sila ang mga karakters. Binuhay nila.

Nainis lang ako sa katabi kong babae, after ba naman mag-end ng movie, napa-gasp for air pa, sabay sabing: "Anyareh? Bakit bitin?" Sarap tuktukan sa bumbunan e.

Abrupt ending, hindi mo ba na-gets, teh? Subjective ending 'yun, kung ano sa tingin mo ang kinahinatnan ng dalawa, choice mo na.

For me, self-explanatory na nagkabalikan sila. Ni-reject ni Angelica 'yung call ng present boyfriend niya tapos nag-effort siyang lumabas ng kotse para habulin si Carlo.

Mas madaling maintindihan 'yun kesa sa pagmamahal ng siling labuyo sa merkado, anuveh.

Sa mga tulad kong na-late na sa panonood nito at gustong makanood ng isang pretty decent pinoy romantic drama, habulin niyo sa mga sinehan. Mas maa-appreciate niyo siya sa big screen kesa sa DVD. Promise. It's a movie viewing experience. Perfect date movie niyo ng karelasyon mo. #Relate.

It's a Star Cinema movie minus the nakakalunod na hugot dialogues, issue sa pamilya at connect-the-dots storyline.

VERDICT:

Apat na banga at isang nakaka-insecure sa gandang si Coleen Garcia sa pelikula (sarap ihambalos 'yung mga defective na silya sa kanya e).

No comments:

Post a Comment