Sunday, October 7, 2018

PARA SA BROKEN HEARTED


Sa sobrang satisfied ko sa panonood ng VENOM kagabi, umabuso ako nang slight sa panonood ng two movies today: PARA SA BROKEN HEARTED at EXES BAGGAGE.

Dalawang romantic movies sa isang araw. Nalunod ako sa love stories!

Kahit tinatamad pa akong kumilos earlier, dahil gusto kong suportahan si Marco Gumabao sa kanyang pelikula (kung saan isa siya sa lead stars - oo, nasa poster siya, mga baks!), pinanood ko ang PARA SA BROKEN HEARTED at dahil sa pangungumbinse ng aking madir (na mukhang susulat yata ng biography book ni Angelica Panganiban gawa nang alam na yata ang lahat ng chika sa kanya) at ng partner kong si Edwin sa US, sinide-trip ko na rin ang EXES BAGGAGE.

Yung PARA SA BROKEN HEARTED, napapalakpak ako nang slight, decent romantic flick siya.

Pero sa EXES BAGGAGE, humiwalay nang slight 'yung kaluluwa sa katawan ko sa ganda!

Yung PARA SA BROKEN HEARTED, siguro hindi ako nag-expect na magugustuhan ko 'yung movie. Hindi ko inexpect na meron akong mapapanood na magandang pelikula. Yung may magandang kuwento, believable characters, malinis ang pagkakagawa, solid casting, etc. Yung less expectations ko ang dahilan kung bakit ko na-appreciate 'yung movie.

Truth is, hindi ako gaanong familiar sa mga main lead except for Yassi Pressman at Marco Gumabao (the main reason kung bakit ko ineffortan 'tong movie na 'to). So na-surprised ako sa napanood ko: nakadeliver sila sa mga roles/characters nila. Hindi OA o nagpapaka-millennials lang. Hindi nagsusumigaw na "nasa teen movie kami kaya may karapatan kaming magpabebe" acting. Yung mga ganung timpla kasi annoying na 'yung mga ganung pagpapa-cute. E sa panahon ngayon, 'yung baklang Thai na headbanger na si Mader Sitang na lang ang cute na hindi annoying.

Naka-relate pa ako dito sa character ni Sam Concepcion: 'yung for a time, agnostic ako until ma-discovered ko ang pantheism. Tapos introvert pa siya like me, to the point na ang sounding board niya sa movie e ang kisame ng kuwarto niya! Tapos, may eksena pang nakapang-cosplayer sila ni Yassi Pressman bilang alien at astronaut. Para sa tulad kong Ancient Astronaut/Alien Theory believer, havs 'yun!

Nagustuhan ko rin 'yung kuwento nina Shy Carlos at Marco Gumabao. Nakakakilig! Yung pa-shirtless scene ni Marco, amputa... lahat ng parte ng katawan ko, um-embossed (mane, utong, pati buni!). Yun ang kalahati ng pelikula! Kung wala 'yung eksenang 'yun, kulang ang pelikula. Ipapa-refund ko talaga ang 50%!

Napansin ko lang kay Marco Gumabao, may tendency siyang um-over acting. Kasi sa last three lines niya sa pelikula, medyo lumoydie siya ng pagkaka-deliver ng dialogue e. Yung pumopoy sa pasigaw acting. Pero, huwag ka... 'yun ang pinakamagandang linya na naalala ko sa movie. "Masyado kang in love! Nakakasakal na!" or words to that effect, sabi niya kay Shy. Yun lang ang dramatic highlights ni Marco sa pelikula kaya siguro binigay na niya doon. Nagpanic lang siguro 'yung panga niya kaya napasigaw 'yung pagbitaw niya ng dialogue..

Nagustuhan ko rin 'yung locations ng ilang scenes sa movie, gawa nang very familiar sa akin ang mga ito. Yung perya, Hidalgo St. sa Quiapo, Tagaytay, Breakwater sa Manila Bay. Naramdaman ko ang feels sa lugar na mga 'yun kasi nareminisced ko 'yung past ko, kung saan may significant memories ako sa mga lugar na 'yun.    

Ang pinaka-highly commendable dito sa movie ay ang cinematography (snappy ng camera works with abusadong gamit ng drone - favorite ito ni Direk, malamang at napaka-glossy ng pelikula).

Mas nag-center 'yung kuwento sa first phase ng relationships ng mga bida, 'yung 'getting to know each other' stage at hindi dun sa paghihiwalay. Kaya misleading ang title, nakakatakot panoorin ng mga broken hearted at baka manariwa ang sakit sa failed relationships nila.

Pero somehow, akma pa rin naman ang title nito sa movie. Para sa broken hearted, panoorin niyo 'to at baka manumbalik ang tiwala niyo sa pag-ibig at muli kayong magmahal. Yun naman ang mensahe ng movie. Just believe in fairy tales. Believe in love. Life-affirming siya.

Watpaddish millennial movie.
    
Kung gusto mong bumata nang ilang taon at magpaka-feelennials, watch it!

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at mga nagsitandaang Viva Hotbabes na napilitang tumanggap ng mother roles sa pelikula.                                   

No comments:

Post a Comment