Monday, October 15, 2018

A STAR IS BORN


Kauuwi lang from watching A STAR IS BORN.

SPOILER ALERT!

First off, sobrang gasgas na ng kuwentong ganito.

Isang sikat na lalaki, na-in love sa isang regular girl na may talent. Tapos siya ang naging susi ng kasikatan nito at ang ending, mas naungusan pa siya sa kasikatan.  Makakamit ni regular girl ang tugatog ng kasikatan ngunit kasabay nito,  masisira ang relasyon nila.

Sounds familiar?

Kuwentong komiks, pinoy romantic novels, isang plotline sa teleserye sa hapon o pelikulang romantic drama ng Viva Films noon, 'di ba? Bagay kay Alice Dixon or Agot Isidro.

Pero ang ganitong paandar e click na click sa pinoy audience. So, kebs na sa kalumaan ng material.

Alam ko, pang apat na 'tong reboot ng 1937 original. At ang pinakahuling nagbida dito bago si Lady Gaga e si Barbra Streisand pa noong 1972, kung saan pinasikat niya ang kantang Evergreen.

May problema sa character ni Lady Gaga dito. In-introduced siyang lady performer sa isang drag/gay bar sa umpisa na puma-part time bilang waitress. As the story progresses, uneasy na siya sa idea ng pagiging pop star.

Awkward.

Parang 'yung treatment ng pelikula mismo, hilaw na mainstream na uma-art sa ganda ng cinematography ni Matthew Libatique (na abusado sa paggamit ng specular orb lighting effects na anlakas maka-cinematic). Idagdag mo pa diyan ang humahapyaw na psychedelic color tone ng ibang eksena. Konting-konti na lang kumi-Christopher Doyle na siya sa mga pelikula ni Wong Kar Wai.

Tapos, ramdam mong hindi niya sinagad ang mainstream formula, kung saan hindi tumodo sa ibang eksena 'yung pelikula. E Diyos ko naman, 'yung material na ganito e pang-melodrama at mainstream, ibigay na sa audience. Anuvah.

Examples:

#1. Yung relasyon ni Lady Gaga sa tatay niya, parang may something sa kuwento. Pero hindi na-explore. Alam ko, napahagingan sa isang eksena 'to. Dun sa pag-uusap nina Lady Gaga at tatay niya. Pero kulang sa pag-bleed. Napag-iwanan. Sayang, dramatic angle sana. Well, hindi naman sa nagpapaka-Star Cinema, pero sana napiga para mas nag-escalate 'yung dilemma ni Lady Gaga sa pag-abot ng stardom at nakadagdag ng tension sa relationship nila ni Bradley Cooper.

#2. Yung ending, hindi malinaw kung ano ang ikinamatay ni Bradley Cooper. Nagbigti ba? Naglaslas ng pulso? O nag-drive at inihulog ang kotse sa bangin? Ito ay hindi malinaw sa sambayahan. Pero sa mga writers, 'yung eksena bago madiskober ni Bradley 'yung drag bar na pinagpe-performing-an ni Lady Gaga at napahinto sila sa tapat ng billboard kung saan makikita ang mga lubid na na naka-hang, foreshadowing 'yun na may magpapatiwakal sa ending. Pero malinaw 'yun sa mga writers. E sa ibang tao? Hindi 'yun mage-gets ni Aling Tasing sa talipapa, noh! Guessing game ba ito kung ano ang nangyari kay Bradley sa ending? Ite-text sa 2366 ang sagot, ganun?

Palagay ko, gusto nilang humiwalay sa tropes na nagawa ng original at previous versions. Yun ang haka-haka ng legit na starlet.

Pero kung ano man ang pinakanagustuhan ko sa pelikula, ito ang very convincing portrayal ni Bradley Cooper bilang isang country singer na nakikipaglaban sa alcohol at drug addiction. Unang frame pa lang niya, naramdaman ko na ang isang wasted na pagkatao kaya kinapitan ko na siya. Mas lalo pa nang ma-inlove siya kay Lady Gaga. May kahihinatnan kayang maganda 'yung relasyon nila? Drama version ba ito ng Notting Hill? Yun ang inantabayanan ko hanggang matapos ang movie. Oscar-worthy ang kanyang performance dito. Sana ma-nominate man lang siya.

Damang-dama ko na inaral talaga ni Bradley Cooper ang kanyang role. Very prepared siya. From his looks to sa pagbitaw ng dialogue hanggang sa pagkanta, country singer na country singer siya!

To think na siya rin ang nagdirek nito.

Aside sa mga munting flaws sa characterization at treatment, disente naman ang directorial debut ni koyah. At least, hindi epic fail.

Ang pinaka-praiseworthy ng pelikula ay ang soundtrack nito. Walang tapon! Yung mga kanta dito e uma-Adele. Yung tipong nangho-haunt sa'yo hanggang sa pagtulog. Yung tipong bibili ka ng CD ng pelikula after mong mapanood ito. What to expect? It's Lady Gaga.

Sorry sa Lady Gaga fans. Nope, hindi ito pang-Oscar. Mag-expect na kayo ng Beyonce 2.0 sa Dreamgirls. Kahit nomination, hindi niya makukuha. Hindi ko siya naramdaman sa pelikula. Pero don't be sad, hindi naman pangit ang performance niya dito. Mediocre. Hindi naman ako nautot sa pagkamangha.

Ganunpaman, kung naghahanap ka ng decent romantic drama na may kantahan at magpapakirot ng puso mo, watch this.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang pasilip ng nipples ni Lady Gaga na parang utong ng Nanay mong kapapanganak lang.

No comments:

Post a Comment