Thursday, January 31, 2019

WHAT HAPPENED TO MONDAY


Nakangiti na naman ang pepe ko sa napanood na isang magandang pelikula.



Salamat sa limang nagrekomenda nitong WHAT HAPPENED TO MONDAY (SEVEN SISTERS). 

Super satisfied ako.

Set ito sa dystopian future. Dahil sa overpopulation ng mundo, nagkaroon na ng batas na one-child policy per family. Ang panganay lang ang matitira and the rest, ipu-put sa cryosleep. Ito 'yung parang capsule na patutulugin diumano ang bata at gigisingin na lang kapag bumaba na ang populasyon sa future. Ipi-freeze ang drama.

Isang ina ang ikinamatay ang pagluwal ng pitong anak na kambal at naiwan ang mga ito sa pangangalaga ng kanilang lolo. Pinangalanan ni Lolo na pitong araw ng Linggo ang kanyang mga apo (Monday, Tuesday, Wednesday, so on and so forth). 

Hindi niya ito sinurrender sa gobyerno. Tinago niya ito sa isang apartment, doon tinrain at pinalaki. Pinroteksyunan niya ang mga ito. 

May matalino sa math, malandi, matapang, pasaway, etc. Typical na magkakapatid.

Nang medyo lumaki na ang mga bata, sinimulan na ni Lolo ang pagpapalabas sa mga ito araw-araw, nang naaayon sa pangalan ng mga bata. Isang apo, isang araw. Never magsasabay para hindi mahuli ng awtoridad. Pag Lunes, lalabas si Monday. Pag Martes, si Tuesday. Hanggang matapos ang Linggo. 

Para naman makaranas ng outside world ang bawat apo. 

At iisang identity lang ang gamit ng pito. 

Bale, meron silang recap ng kaganapan sa buong araw ang bawat isa. Para alam nila ang ikikilos ng susunod na lalabas na kapatid nila.     

Nang tumanda na sila at nagkatrabaho, dumating ang araw na hindi nakauwi si Monday.
Ano ang nangyari kay Monday?

Yan ang misteryong susundan mo sa pelikula.

Para siyang pinaghalu-halong MINORITY REPORT, THE NET at ORPHAN BLACK. Sandamakmak ang chase scenes, makapigil-hiningang eksena na mapapapadyak ka talaga sa suspense.

Pang-big screen!

Action-packed. 

Two hours yung pelikula pero never akong na-bored.

Bago 'yung concept na 'to sa sci-fi e kaya refreshing siya sa akin e. Igo-golden buzzer ko rin 'to kapag ako ang consultant at sa akin 'to pinitch sa war room. Ora-orada ang pa-greenlight.

Hindi pa siya mahirap intindihin. Mas nakakaalog pa ng brain cells 'yung BOBOCOP e, sa totoo lang.

Napakahusay pa ni Noomi Rapace bilang pitong magkakapatid. Bagay sila ni James McAvoy sa SPLIT.  Siya pala 'yung bida sa The Girl with the Dragon Tattoo, na kinaantukan ko at hindi ko tinapos noon.

Maganda itong panoorin sa weekend family bonding.

Watch it on Netflix.

VERDICT:

Apat na banga at ang namimintog na butt exposure ng fuck buddy ni Monday. Yun na.

Sunday, January 27, 2019

ANG SIKRETO NG PISO

Hindi ako nag-expect ng bongga sa ANG SIKRETO NG PISO. 

Bakit?

Kasi noong Cinemalaya Film Fest 2017, 'yung entry ng direktor nito e halos negative ang lahat ng natanggap  na reviews. He was even dubbed 'Ang Direktor Na Hindi Marunong Magdirek'. Ginago lang 'yung title ng entry niyang ANG GURO KONG HINDI MARUNONG MAGBASA. Though, hindi ko naman ito napanood. Narinig ko lang sa mga kakilala.

Wala rin akong balak na gawan ng hanash 'to. 

But given na two of my workmates e part ng pelikula (isa sa nagsulat nito e ay ang aking mentor/headwriter na si Sir Robert Abet Raz habang ang isa sa starlet cast dito e ang aking co-writer sa Maynila na si Madam Em-em Bunyi), gagawan ko na. Tutal, binigyan naman nila ako ng go-signal na magbigay ng honest eme-emeng review e.

Na-bored ako sa pelikula.

Title pa lang ng pelikula, boring na. What to expect?

Ang promise pa na nakasaad sa ticket at poster e "Tatawa ka dito! Promise!".

Sad to say, napako ang pangako. Alam mo 'yung halakhak na hindi nakarating? Yung tawa na hindi lumabas at naging kabag sa tiyan? Tapos hindi man lang naging utot? Yung HAHAHA  na tanggalan mo ng 'H'. Ganun siya.

Oo, nandun nga sina Gelli De Belen (ng GAGAY), Beverly Salviejo, Lou Veloso, Wacky Kiray na mga poste ng pinoy comedy. Isama mo pa si Long Mejia na nagpapabalik sa aking ulirat na comedy 'tong pinanonood ko sa mga hilarious niyang eksena. Pero si Ariel Rivera? 

Parang nag-cast ka ng robot sa role na pang-Joey Marquez.

Casting could have been better. Kung nandun nga lang si Eugene Domingo, Ai-Ai De Las Alas, Jose and Wally  or kahit si Chariz Solomon na lang, maiiba ang atake ng comedy na 'to. Sigurado, mas mapipiga ang katatawanan. 

Sa cast, ang nagpangiti lang sa akin e 'yung anak na binatilyo ni Lou Veloso sa movie. Nico Nicolas daw ang name. Kapoging bata. Apaka delicious. Siya lang.

Ito pa. Nairita ako sa anak ni Ricky Rivero sa pelikula, feeling star! E sa apat niyang eksena, puro kain lang naman ang ginawa! Starlet na starlet! (Peace, Meryl! Hahahahahaha).

Kidding aside, matapang ang pelikula. Imagine, comedy ito na hindi nag-rely sa slapstick or offensive humor (may nakapasok pero bilang na bilang lang) at nai-produced. Merong producer na naniwala't sumugal!

Take note, family comedy pa!

Though, sa technical aspect, commendable ang editing. Malinis. Kahit na TVish ang cinematography. Oo, pang-TV 'yung framing! Yung puwedeng i-copy paste na lang sa Adobe Premiere.
  
Ang tanging promise na naisakatuparan ng movie e ang genre nitong Family-Comedy.  

Hitik na hitik sa moral values ang pelikula! At malinaw na malinaw ang mensahe ng movie na "kung ayaw mong makarma, huwag kang gagawa ng masama". Translated na translated ito sa etika ko.

Salamat sa mahusay na structure ng kuwento. Except sa karakter na may gusto kay Gelli De Belen sa pelikula, lahat ng karakter sa pelikula, may ganap at nag-perform. Evenly distributed ang moments nila. Thats good characterization. Mahirap ma-achieve 'yun ng isang pelikulang may sandamakmak ang characters, noh. 

Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ako na-bored sa pelikula. Kasi i was never a fan of Movies With Life Lessons. Ayoko ng mga nagpi-preach na mga caharacters. Hindi ako natutuwa sa mga bait-baitan o pang-Lakbay Diwa characters sa pelikula like Bea Binene. Naiipokrituhan ako sa mga ganyang teleserye characters.  

Kasi sa personal, hindi rin ako mabait na tao. Joke. Pero half-meant.

Itong pelikulang 'to e pasok na pasok sa mga pelikulang puwedeng ipang-movie viewing sa mga GMRC or Values Education subjects sa elementary at high school. May moral values about family at friendship ang movie. Relationships, in general. Papasa ito sa Catholic School. Puwede rin itong Sunday night movie bonding ng mga conservative pinoy families.

It's not a bad movie. But it could have been better.

Yan ANG SIKRETO NG PISO. 

Watch it this coming January 30, 2019!   

VERDICT:

Tatlong banga at ang pasabog na "all-has-been-resolved" ending na kulang na lang e lumabas si Lito Atienza at MAYNILA The Movie na ito. 

Wait, may isa pa pala... 'yung poster na anlakas maka-SALAMAT SA LOTTO: LINGGO-LINGGO DOBLE PASKO ni Carlo Caparas.

Sunday, January 13, 2019

BUMBLEBEE


Ang cute ng BUMBLEBEE!!!

Para siyang 80s sci-fi/adventure movie. Ganung feels! Scattered pa sa pelikula ang 80s songs na nagpadagdag sa pagka-cute ng movie.

Meron din siyang magic ng MAC & ME.  

Naibalik niya ako sa pagkabata. Bigla kong naalala 'yung sikat na asaran noon na kaltukan/batukan/kutusan ng kalaro ko everytime na may makikitang Volkswagen Beetle car o mas sikat sa mga batang 80s/90s like me sa pangalang Kotseng Kuba or Pendong. Tapos, magsasabihan kami ng "Peace!" with the sign.

Ang pelikulang ito ay para sa mga batang 80s. Nakaka-nostalgia.

Pero magugustuhan din ito panigurado ng mga bata at teenager nowadays.

Super nag-enjoy ako sa pelikula! Ito ang pinaka-nagustuhan ko sa Transformers franchise kasi compare sa iba, may certain charm ito. Pinakita dito ang perky side ni Bumblebee. Sa totoo lang nga, nagka-crush ako sa kanya dito. Oo, ang starlet nagka-crush sa isang alien robot! Potah, ang weird ko na ha.

Yun nga lang, parang lumampas sa boundary ng friendship ang pagiging close ni Bumblebee at ni Hailee Steinfeld. Nakakainsecure. Kulang na lang e maghalikan ang dalawa sa ending, romantic comedy movie na nila ito.   

VERDICT:

Apat na banga at isang bidang babaeng pinagandang version ng mukhang 'planet of the apes' na si BJORK.

Friday, January 4, 2019

AURORA


Pumasok sa signal ko ang pangalang Yam Laranas noong early 2000 nang mapanood ko ang BALAHIBONG PUSA, one of my favorite pinoy erotic films. Dito yata unang nag-breast exposure si Rica Peralejo at ang hindi ko malilimutang linya niya sa pelikulang “Yung cheeseburger daw nila, walang cheese.” Sa sinehan ko ito napanood, tawang-tawa ako sa dialogue na ‘yun.

Ang next project ni Yam Laranas na napanood ko at sobrang nagustuhan e ang HIBLA. Sino’ng batang 90s ang makakalimot sa “Rica na, Maui pa”, ‘di ba?

Tapos, SIGAW came. Sobra kong nagustuhan ‘yun. Ito at ang FENG SHUI ang dalawang ambag ng Pilipinas sa Asian Horror bandwagon nung panahong ‘yun.

Then, natagpuan ko ang blog ni Yam Laranas. At nabalitaan kong iri-remake sa Hollywood ang Sigaw at magiging The Echo. Ang crushie ko pa namang si Jesse Bradford of SWIMFAN ang magbibida kaya from time to time e chine-check ko talaga ang blogsite niya. For a year, updated ako sa mga news at blog entries niya. From pre-prod pictures ng THE ECHO hanggang sa matapos na niya ang pelikula, nasubaybayan ko talaga. Isang taon pa ang nagdaan bago tuluyang naipalabas sa mga sinehan dito ‘yun na unfortunately, VOD (Video On-Demand) lang ang naging distribution sa States noon. Parang pang-digital lang, pang-Netflix. Ganyan.

Maganda naman ‘yung Hollywood version pero mas nakakatakot pa rin ‘yung SIGAW.  

Tapos, pumasok na nga itong napaka-chakang PATIENT X. Nagtae ang pelikulang ito. Nagmamaka-something! Pretentious ito. Di ko maintindihan kung bampira ba sila o manananggal? Kung mental patient ba si Christine Reyes o naglulukaret-lukaretan lang. May social commentary ba ito? Nagsusumigaw ang pelikula na “Kakaibang horror ito!”. Daming pinaglalaban!

Feeling ko, rumaket lang si Direk sa pelikulang PATIENT X.

Then came, ‘yung GMA films na THE ROAD. Para sa akin, isa ito sa TOP 3 pinakamagandang pinoy horror movie of 2000s, kasama ng SIGAW at FENG SHUI (na pareho pa ng taon ipinalabas, 2004). Nawindang ako sa eksena ni Alden Richards dun nang pukpukin niya sa ulo si Rhian Ramos o (si Barbie Forteza ba?) from behind. Anlakas maka-Norman Bates of Psycho! Napaangat ang puwet ko sa kinauupuan. To think, na sa pirated DVD ko lang ito napanood noon. So much more kung sa sinehan pa. Mapapatili siguro ako dun nang mahaba. Oo, kasing haba ng pelikula ni Lav Diaz.

Dahil sa THE ROAD, Yam Laranas is back in the game!

After that, wala na akong nabalitaang film project niya. Tama nga ako, kasi upon checking his IMDB, isang indie film lang ang pagitan ng THE ROAD at itong latest movie niya.

After a long time, ngayon lang yata nagbalik sa mainstream horror si Yam Laranas via this MMFF entry, AURORA. Na-excite ako nang mapanood ko ‘yung trailer nito. Mukhang special ito.

I decided na ito ang nasa Top 1 kong ipa-prioritize panoorin sa MMFF 2018. Aside kasi sa horror fanatic ako, isa sa mga Direktor na kagrupo ko e ‘yung AD nila dito. So, Top 2 ko e ang JACK EM POPOY. Top 3, ONE GREAT LOVE. Top 4, RAINBOW’S SUNSET. At siyempre, hindi mawawala ang FANTASTIKA. Naging tradition na kasi namin ng family ng Dad ko ang panonood ng Vice Ganda movie every MMFF. Yung Top 1-4, meron akong kakilala/friend sa industriya na kasama sa creative at production staff ng mga pelikulang ‘yan kaya napasok sa watchlist. I’m interested to see kasi kung ano ang maio-offer nila kaya I need to check their films.
    
Kaso, FANTASTIKA at JACK EM POPOY lang ang meron sa SM Baguio nung first week. Second week, nagkaroon na ng AURORA, na pinanood ko nga kagabi kaya may hanash ako ngayon. Pagbalik ko ng Manila, sana maabutan ko pa sa sinehan ‘yung ONE GREAT LOVE at RAINBOW’S SUNSET.

Ito na nga, after ng mahabang pasakalye… my take on AURORA:

(SPOILER ALERT)

Para siyang Japanese o European horror film na napanood ko noon (hindi ko lang matandaan ‘yung title). Yung nagsimula ng tahimik, tapos unti-unti kang hihilahin para sa isang pasabog na last quarter. Semi-lethargic siya. Slow burn. Na-hooked lang ako nang lumabas sa screen si Marco Gumabao at pumintig ang kaliwang utong ko.

Napaka-unsettling ng atmosphere. Yung feeling mo, hindi ka safe sa pelikula. Ang eerie. Nakatulong ang color grade na tulad ng sa pelikula ni Taylord Hackford na favorite ko, DOLORES CLAIBORNE (based from Stephen King novel). Ang hazy ng texture! (Hello, horror nga, divah? Mema lang. Pampadagdag ng words).

At ang bumanggang barko, buhay na buhay! Hanep ng visual effects. Ginastusan!

Deserved nito ang Best Cinematography award! Hands down.

Commendable din ang production design. Mamahalin. Halatang hindi tinipid. Pulido ang detalye. Impressive ang Seaside Inn. Napaka-vivid! Na kung hindi ka maalam sa filmmaking o isa ka lang regular viewer, aakalain mong totoo ang bahay at hindi isang studio o mocked-up ‘yung location.

Pagdating sa script, medyo sumablay lang nang slight.

Kasi ‘yung linya ni Anne Curtis na “Ayokong makinabang sa mga patay” very contradictory sa actions niya sa buong pelikula. Nagpapahanap siya ng mga bangkay sa laot pero ibabagsak niya with conviction ‘yung dialogue na ‘yun? Na alam naman ng lahat ng manonood na merong nakalaang reward na 50,000 pesos sa kung sino man ang makakakita ng bangkay. Ano ‘yun, trip-trip lang niya?

I was waiting for a pay-off e. Akala ko may kinalaman ‘yung pagkaaksidente at paglubog ng sasakyan ng mga magulang ni Anne sa motibo niya. Maganda sanang angklahan ng intention ‘yun ng karakter ni Anne e. Pero wala e.

Meron ba? Kasi tatlong beses akong umihi sa CR e. Baka nakaligtaan ko lang. Itama niyo na lang ako, if ever.

Nakadagdag pa sa confusion ‘yung desisyon ni Anne nang sabihin niyang “Sayo na ‘yan” or words to that effect nung ibrought-up ni Allan Paule kung paano ang hatian nilang tatlo sa pagkakahanap ng bangkay ni Giant. To justify lang ‘yung una niyang nakalilitong dialogue. Pero ang tanong ng bayan: Bakit niya pinahahanap sa dalawa ‘yung mga bangkay?!

Dun nagkaproblema sa characterization ni Anne. Yung conflicting statement niya sa actions niya.

Actually, puwede pa ngang hatiin sa dalawang pelikula ang kuwento. Una, tungkol sa bangkay na ayaw magpauwi sa hometown (kuwento ng Giant). At pangalawa, ‘yung tungkol sa owner ng Seaside Inn kung saan lumubog ang barko sa harap nito (ito ‘yung kuwento ni Anne). Kaya dama ko nahirapan ‘yung writer na tapusin nang sabay ‘yung kuwento nito sa ending pelikula.

Ngayong, natagpuan na ang mga bangkay… ano na? May resolution or closure ba kina Anne at Giant?

I heard pa nga sa isang moviegoer sa loob ng sinehan: “Ano na nangyari dun kay Benjamin (Giant)?” na biglang nag-aparisyon sa ending ang multo. Para sabihin ba sa audience na “matatahimik na rin ang kaluluwa ko” trope ng isang Pinoy Ghost movie?

Ganun-ganun na lang ba kadali ‘yun?

Tapos, ‘yung character ni Marco Gumabao, tingin ko may room for improvement pa sana. It could have been better kung meron siyang koneksiyon sa barko. Hindi sapat ‘yung dark past nila ni Anne e kung bakit niya gustong i-save ang magkapatid, na hindi rin naman pala nangyari. Parang nagging props lang si Papa Marco sa pelikula. Tulad ng dati, pampadagdag sa isang Viva movie para magka-project.

Alam mo kung sino ang perfect sa role ni Anne dito?

Si Alessandra de Rossi. Siyang-siya ‘yung character. Hindi mo na paaartehin. Yung nuances, yung look at acting, bagay na bagay sa kanya ito.

Pero hindi rin naman failure si Anne. Ginawa naman niya ang kanyang assignment.

Tingin ko, apat sa cast ang perfectly-casted: Si Arnold Reyes, Ruby Ruiz, Sue Prado at Raul Dillo (‘yung Giant). Wala na akong makitang ibang artista na mas babagay pa sa mga roles nila.
  
Meron pa pala, ‘yung pinakanakakatakot na multo sa buong pelikula… ‘yung Barko!

Naisip ko rin na bagay din ‘tong material kay Chito Roño. Pero tingin ko, ibang atake ang gagawin niya dito. Sandamakmak na gulat factor ‘yan. Mas mainstream ang approach. At baka si Kris Aquino ang ibida niya ulit dito.

So it’s better na si Yam Laranas ang nag-helm. Nakakakilabot ang pelikula. Kung matatakutin ka sa Ghost Story, panoorin mo ‘to para magkaroon ka ng sleepless nights sa loob ng kuwarto mo. Tumaas ang balahibo ko sa ilang eksena!

Yung pugot na ulo na lalaki na pumasok sa bintana. Siyet na malagket!

AURORA is a pretty decent horror film. Puwedeng i-remake ito ulit ng Hollywood. This time, pang-Netflix na. Ang bida e si Hillary Duff.

VERDICT:

Apat na banga at ang nakakainis na eksena ni Marco Gumabao sa ilalim ng dagat. Hindi makatotohanan, dapat nakahubad!

Thursday, January 3, 2019

JACK EM POPOY


Last Vic Sotto na napanood ko sa sinehan e ‘yung kasama niyang bida sina Ryza Mae Dizon at Bimby Aquino. Nandun din si Aiza Seguerra, Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Tapos, kontrabida si Jaclyn Jose. Kung hindi ako nagkakamali, ito ‘yung MY LITTLE BOSSINGS.

Super nasuka ako sa ka-chopsueyan ng pelikulang ‘yun!

Sa story, pagkakalatag at comedy, nagkulang. At sobrang sabog sa ka-cliché-yan at ka-cornyhan ang movie. MMFF entry pa man din.

Nakakapanghinayang ‘yung binayad, effort at oras ko sa panonood.

Gusto kong magbuhos ng gas at magsindi ng apoy sa loob ng sinehan sa inis!

To think na mahusay ‘yung director nito, na siya ring nagdirek ng indie film na nagpahalakhak sa akin ng todo noon sa Cinemalaya.

For a time, naging faney din naman ako ng Vic Sotto movies. Yang mga TVJ 80s comedy films na ‘yan, pinanonood ko pa ang replays sa TV noon. Favorite ko nga ‘yung BILIBID GAYS nila. Super havs sa akin ‘yun!

Wala rin akong pinalamapas na OKAY KA FAIRY KO movies. Natapos ko ‘yan. Napahinto lang nung naging ENTENG KABISOTE na ito. Bakit? Kasi hindi ko na henerasyon ‘yun. Hindi na ako bata nang magsimula ‘yun.

So you see, ang ilan sa Vic Sotto movies e childhood movie ko. Batang 90s yata ito.

Pero since MY LITTLE BOSSINGS, pinangako ko na sa sarili ko na never na akong manonood ng Vic Sotto movies. Nakakainsulto sa natitirang katalinuhan sa kukote ko e.

Kaso mahal daw nila dito sa Baguio si Coco Martin sabi ng younger sister ko e. So tinreat ko siya manood ng JACK EM POPOY kanina.

Vic Sotto formula: slapstick humor, cheesy melodrama, salpakan mo ng EAT BULAGA hosts at community characters. Isama mo pa ang walang kamatayan niyang catchphrase na “Hi, fans!”. Lahat ‘yan present.

Ang wala lang sa JACK EM POPOY e ang sexy leading actress niya.

Predictable ang kuwento. Magbilang ka lang ng 1, 2, 3… alam mo na ang plot at mga twist.

Pero dahil affected ako sa mga pelikulang may temang Father-Son/Reunion/Forgiveness, sapul ako ng pelikula. Yung sumikip nang slight ang dibdib ko sa hapdi. Oo, naantig ang puso ko ng isang comedy film.
Nubayan, nakakahiya.

To add, forgivable ang formula, timplado.

Plus napakalinis ng pelikula (editing, cinematography, directing, acting, sound, etc).

Hindi nakakaumay.

Ang treat ng movie, anufangavah, Coco and Vic in drag!

I was entertained. Pati ‘yung sister ko, nag-enjoy. Kaya naibalik ang kumpiyansa ko kay Vic Sotto.

JACK EM POPOY is a Vic Sotto movie done right.  

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang ipinilit na eksena ng inakala kong pandak na extra pero si Ryza Mae Dizon pala.