Wednesday, April 11, 2018

A QUIET PLACE


Nakaka-stress sa ganda ‘tong A QUIET PLACE. Nakakapanginig ng laman!

Kuwento ito ng isang pamilya na literal na namumuhay nang tahimik (hindi sila allowed gumawa ng ingay) upang makaiwas at hindi sila lusubin o kainin ng mga monsters na bulag sa paligid.

It’s a family drama with very minimal spoken dialogue (5% lang ng buong pelikula ang usapan). Halos lahat ng eksena e nuances, gestures at sign language lang ang way of communication lahat ng characters.

Very original ang concept. Isa akong horror fanatic, pero now ko lang ito napanood. Actually, sume-semi SIGNS siya ni M. Night Shyamalan. Gawin mo lang na sign language ang dialogue at itodo mo ‘yung level of suspense.

Horror/Thriller siya na halos nangyari sa iisang location. Think DON’T BREATH and 10 CLOVERFIELD LANE.

Family Drama na hinaluan mo ng creature at binudburan ng sandamakmak na suspense, ‘yun siya.

Yung tension ng ALIEN, PANIC ROOM at THE OTHERS pagsama-samahin mo, ganun ka-suspenseful ‘yung pelikula.

Finally, after A DEVIL WEARS PRADA, may nagustuhan ulit akong pelikula ni Emily Blunt. Disappointed ako sa THE ADJUSTMENT BUREAU at THE GIRL ON THE TRAIN niya e. At least, naka-hit siya ng maganda-gandang role this time.  

Kakabugin niya si Sheryl Cruz sa 90s movie na PAANO NA SA MUNDO NI JANET? sa husay ng pagsa-sign language niya dito.

Sa sobrang pagkahintakot ng mga moviegoers, tahimik lahat! Walang OA na sigawan. Nakisama lahat sa pinagdadaanan ng mga characters sa pelikula. Parang takot din silang gumawa ng ingay at lusubin ng monster.

Kung ayaw mong tumuklap ang mga mane mo o bumulwak ang mens mo, don’t watch this. Ayan, na-warningan na kita.

Lalabas kang naka-embossed ang buni mo sa sobrang pagkasindak. Kukumbulsyunin ka sa nerbiyos.

Kung mahilig ka sa creature movies, highly-recommended ko ito sa’yo.

Ito ang horror movie na hindi dapat palagpasin at pinanonood sa big screen.

Very satisfying.

Rating: Limang Banga    

Monday, April 9, 2018

GRAVE OF THE FIREFLIES


Itong Japanese animated film na ‘to e pinost ng isang baklang ka-FB ko the other day. Tapos, inulan ng magagandang comments from his FB friends. Na kesyo maganda daw, nakakaiyak nga lang.

Naintriga ako.

E nasa moda akong manood ng Japanese animation at drama-drama kagabi kaya dinownload ko sa torrent. Matagal-tagal na rin kasi akong nakanood ng Japanese animation. Last ko pa e ‘yung SPIRITED AWAY years ago.

Punyeta. Nalungkot ako after watching this 1988 film...

GRAVE OF THE FIREFLIES.

No, hindi ako naiyak. Na-contain ko naman ang luha ko. Pero parang sasabog sa kalungkutan ‘yung puso ko after the movie. Parang may pumiga o dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko. Yes, ambigat-bigat sa puso ng cartoons na ito. Yung lungkot na ka-level ng Japanese animated series noon na A DOG OF FLANDERS.

*Spoiler Alert.

Kuwento ito ng magkapatid (isang binatilyo at batang babae) sa Japan na namatayan ng ina at naghihintay sa ama nilang Navy noong panahon ng World War II. Tipong survival movie ito, kung saan, susubaybayan mo kung paano nila hinarap ang consequences ng giyera at pagiging ulila sa magulang. Walang matirhan. Walang pangkain. Oo, hanggang sa wala na silang ma-lafs. To the point na kinaskas na yelo, ibinilad na palaka’t toge na lang at pati holen ang ipinasok nila sa bibig nila to survive. Yung tipong magnanakaw si kuya ng mga gamit sa bahay-bahay habang nagtatago ‘yung mga residente sa mga bunker kasi binobomba ‘yung community. Ito ay upang meron siyang maipangka-kalakal at may pangkain sila ni bunso. Kinabog ang MGA BASANG SISIW. Kuwentong pang-MMK!

Para itong concept na common monologue sa acting workshop at nakikita nating ginagawa ng mga actors sa audition. ‘Yung darating ‘yung anak sa makeshift nilang bahay dala ang isang supot ng pancit at madadatnang malamig na bangkay na ang kanyang ina at magda-dialogue ito ng: “Nay, ito na po ang pancit. Kainin niyo na po at malamig na.” It turned out na namatay na pala sa gutom ang kanyang ina at hindi nakaabot ang malamig niyang pancit na nabili niya galing sa perang ninakaw. Ginawa lang na bunsong kapatid na babae si Nanay at binigyan ng magandang backstory na set sa panahon ng giyera.

No, hindi ito base sa ‘pancit concept’ na ‘yun pero katulad niya ito. Bagkus itong movie na ‘to, ayon sa Wikipedia e halaw sa 1967 short story ni Akiyuki Nosaka.

Kamukha pa ng bidang binatilyo dito si Matthia, ‘yung ka-love team ni Remi sa REMI: NOBODY’s GIRL noong 90s. Yung kauna-unahan kong na-crush-an na cartoon character! 

Ka-molda ito ng EMPIRE OF THE SUN ni Steven Spielberg. Ka-mood ng MALENA. Katipo rin ito ng na-semi-snubbed sa Oscars na 2007 film THE KITE RUNNER. Pare-parehong binatilyo ang main character at set ang kuwento sa kalagitnaan ng giyera.

Animated film nga lang.

Siguro kung ia-adapt ito sa live-action film, magandang material ito para kay Stephen Daldry (The Reader, The Hours). Siguradong makakapasok ito sa Oscars.

More than a war drama/survival flick, it’s a celebration of the human-spirit film. Yung kahit na malabo ang future ng war-torn na magkapatid, hindi sila nagpatalo hanggang sa pinakahuling hininga nila. Nakipaglaban sila sa buhay. Hanggang sa kamatayan. Even after death, hindi sila nagkahiwalay.

Pumasok ito sa Top 15 Favorite Animated Films ko along with THE PRINCE OF EGYPT, FROZEN, CORALINE, PARANORMAN, THE LITTLE MERMAID, FRANKENWEENIE, BALLERINA, SAUSAGE PARTY, TROLLS, RISE OF THE GUARDIANS (Jack Frost is <3 a="" at="" before="" christmas="" ga="" guardians:="" land="" legend="" nightmare="" of="" owls="" span="" style="mso-spacerun: yes;" the="" time="" zootopia.=""> 
            

Kung maawain kang tao, o may sobrang pagmamahal sa mga kapatid mo, o mahilig sa War movies, panoorin mo ito. Pero magtabi ka nga lang ng tissue. Siguradong maiiyak ka sa pagkahabag sa sinapit ng dalawang magkapatid dito. Yung sa sobrang awa mo, tipong nanaisin mong pumasok sa screen para magpaka-Vicky Morales ka at bigyan silang dalawa ng Puregold grocery showcase para mapakain. Tapos afterward, feeling mo Fairy Godmother ka kasi nakatulong ka sa dalawang ulila. Ganung pag-iinarte. Kapwa Ko, Mahal Ko ni Connie Angeles.

Wednesday, April 4, 2018

ANNIHILATION

Ang primary reason kung bakit tayo nanonood ng pelikula, to get entertained.

Bonus na lang na meron tayong mapupulot na aral o realization mula dito.

At isa pang reward mula dito e kung mamu-move niya ang sensibilities mo o di kaya nama’y it changed the way you see the world.

Nung isang gabi, itong ANNIHILATION ni Alex Garland e nag-iwan sa akin ng sagot sa isang bagay na matagal ko nang pinagninilay-nilayan.

Ito ang suicide.

Ang kuwento nito ay tungkol sa grupo ng military scientists na pumasok sa quarantined zone na pinaniniwalaan nilang binagsakan ng alien entity. Nang pasukin nila ito, na-discovered nilang pinamumugaran na ito ng mutating landscapes at creatures (hybrid ng shark at alligator, etc).

Lahat sila ay wala nang direksyon ang buhay kaya sila pumayag na maging parte ng expedition.

Ang psychologist na namumuno sa kanila (portrayed by one of my favorite 90s actress, Jennifer Jaison Leigh), may cancer at terminally ill na. Yung isa, namatayan ng anak. Si Natalie Portman, napilitan kasi ang husband niya ang kaisa-isang survivor sa last expedition ng mga grupo ng sundalo na pumasok sa quarantined zone na iyon. At nakikipaglaban kay kamatayan ang asawa niya sa hospital dahil nagkasakit ito mula nang makalabas sa quarantined zone kaya gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit ganun ang sinapit ng asawa niya sa loob.

Nagbabakasakali siyang matagpuan ang lunas ng sakit. Yun ang un among iisipin na misyon niya.  

Nang magkaroon sila ng chance na makapagsolo’t makapag-usap ng leader na si Jennifer, inungkat niya rito kung bakit isa ang asawa niya sa napiling sundalo sa last expedition.

NATALIE: Why did my husband volunteer for a suicide mission?

JENNIFER: Is that what you think we’re doing?

NATALIE: You must have assessed him. He must have said something.

JENNIFER: So, you’re asking me as a psychologist? As a psychologist, I’d say you’re confusing suicide with self-destruction. Almost none of us commit suicide and almost all of us self-destruct. In some way, in some part of our lives… we drink or we smoke, we destabilize the good job. Or the happy marriage. These aren’t decisions, they’re… impulses.

Tusok!

Natamaan si Natalie kasi may backstory siya ng pangangaliwa sa asawa niyang sundalo. Kaya ‘yung guilt din niya ang dahilan kung bakit nag-volunteer din siyang sumama sa expedition.

Ang ganda ng explanation ni Alex Garland about suicide, noh? Kung nagbabalak kang mag-suicide tapos napanood mo ‘to, baka mabago pa nito ang decision mong mag-self-destruct.

Yun ang dahilan kung bakit isa ito sa pinakaga-nagustuhan kong sci-fi movie of the last 5 years.

Merong naiwan sa aking insight ang pelikula about suicide. May nakuha akong reward sa panonood at pagsasayang ng dalawang oras.

Ang pelikula ay may feels ng SPHERE (Barry Levinson) at ARRIVAL (Dennis Villeneuve). At sa suspense part, may touch siya ng LIFE (Daniel Espinosa) at ALIEN (Ridley Scott) pero hindi ganun ka-thriller. Konti na lang, papunta na sa level na ‘yun.

Hindi rin ganun ka-pasabog ang ending (na isang crucial part para sa akin kasi im a sucker for twisted endings).

Pero nabawi ito ng presensiya ni Jennifer Jaison Leigh at ng pamatay niyang dialogue about suicide.

Worth a watch. ðŸ˜Š       

Monday, April 2, 2018

NEVER NOT LOVE YOU


NEVER NOT LOVE YOU ng Jadine ay SANA MAULIT MULI millennial version minus the magic.

Its Love versus Job opportunities/career growth. And in the end, Love always wins.

Passive storytelling. Tahimik, walang gaanong dramatic highlights. Kalmado ang atmosphere.

Parang bumiyahe ka lang sa kahabaan ng NLEX nang walang nangyaring aksidente or hindi ka man lang nag-stop over sa gas station para jumingle.

Nandun pa rin ang walang kawawaang ‘hiwalayan sa airport’ scene’, ‘kainan/chikahan sa cheapanggang lugar’, ‘tatawagan sa cellphone pero to no avail si leading man’ at ‘meal with bidang babae’s family’.  

Ang kulang na lang e gawing middle class ang family at pasukan ng bubbly bestfriend si Nadine, Star Cinema film na ito.

Pero para sa mga nasa LDR (Long Distance Relationship), makaka-relate kayo dito. Makatotohanan ang mga dialogue at sitwasyon.

Kung ano man ang nag-illuminate sa movie, ito ang chemistry ng love team nina Nadine at James. Yung mga tinginan nila na tipong magsasakmalan na sa romansahan. Very high in intimacy. At nakatutuwa silang dalawang makitang nag-mature na ang mga roles na pinu-portray nila. Na hindi lang pala sila pang teeny bopper roles. Napatunayan nilang may ibubuga din sila bilang adult characters na hindi lang selosan, tampuhan at kangkangan ang lovelife kundi partnership sa pagbuo ng mga pangarap.

Over-all, isa itong decent pinoy romantic drama ngunit hindi nag-iwan ng marka kundi isang sugat na hindi nabudburan ng asin kaya hindi mo naramdaman ang hapdi at sakit ng pag-ibig.

I hate to tell you, Jadine fans, pero its forgettable.

May kulang.

Wala si Vice Ganda. Chos!

Saturday, March 31, 2018

READY PLAYER ONE

Just got home from watching READY PLAYER ONE.

What an awesome movie!

After ng walang kalatuy-latoy at forgettable na 2016 film na THE BFG (Big Friendly Giant) ni Steven Spielberg, nagbalik ulit ang magic niya sa pelikula. Hindi pa rin nawawala ang husay niya bilang filmmaker sa pambubuhay ng imahinasyon ng mga moviegoers since ET. Nagpahinga lang siya. At muling nambulaga.

Ang kuwento nito na set sa dystopian future, tungkol sa isang binatang player ng worldwide virtual reality game na susundan niyo sa pag-discover ng tatlong susi upang makuha ang Easter Egg ng game upang manalo sa contest. Ang premyo? Total control of the game at ang fortune na iniwan ng game creator nito. Sa journey niya, makikilala niya ang limang players, magiging bagong kaibigan at ang isa sa mga iyon, pag-ibig. Ngunit hindi biro ang daan upang makamit nila ‘yun. Ang makakalaban lang naman nila ay isang malaking kumpanya na nagnanais na kontrolin ang game upang pagkakitaan pa ito ng husto.  

Napakaliwanag ng visual description ng OASIS dito, ‘yung virtual reality game. Talagang mapi-feel mo bilang moviegoer na nasa loob ka ng laro at ikaw ay isa sa mga players nito. Ang CGI nito ay maihahalintulad sa graphics ng Final Fantasy video game. Hindi mo namamalayan na CGI lang pala ang pinanonood mo kasi ipapasok ka ng pelikulang ito sa virtual reality world. Imagine yourself, na nasa loob ka ng Final Fantasy game. Ganun ka-vivid.

Ito ang hindi napuntahan ng pelikulang NERVE, kung saan nagkulang sila ng malinaw na visual description ng game sa pelikula. Hindi ko naramdaman ‘yung laro o ‘yung pelikula mismo.

Ma-aappreciate din ito, hindi lang ng mga video gamers, kundi ng mga bata. Gawa ng may touch din ito ng GOONIES, ‘yung aspeto ng friendship na may iisang goal at sabay-sabay nilang dini-discover kung paano ito maa-achieve.

Kung naghahanap ka ng action/adventure movie, watch this. It’s better than TRON, MINORITY REPORT and THE MATRIX. Nilusaw niya ang lahat ng virtual reality-themed movies.

Mas nagustuhan ko nga ito sa BLADE RUNNER 2049. Mas naintindihan ko ito while watching kasi madali lang sundan ang storyline.  

Kung fan ka ng BLACK MIRROR, super havey sa’yo ang pelikulang ito. Siguro nga, kung nagpapahanap lang noon ng concept para sa BLACK MIRROR movie version at nai-submit ‘tong script ng READY PLAYER ONE, mukhang ito ang maaaprubahan at maipo-produced.    

At kung faney ka rin ni Stephen King, naku, para sa’yo ito. May significant reference sa THE SHINING ‘yung pelikula.

Hindi masasayang ang effort niyo na dayuin sa sinehan o gastusang panoorin ito sa big screen. A spectacular movie-viewing experience.

For full satisfaction, watch it on IMAX, 3D or 4DX.

Pero kung hindi ka fan ng kahit na anong video games sa buong buhay mo, siguradong waley ito sa’yo. Magpa-precious ka at dedmahin mo ‘tong pelikulang ito. Kasi panigurado, hindi ka makaka-relate at hindi mo siya maa-appreciate.  

Tuesday, March 20, 2018

A GHOST STORY


Last January, sa unang Creative meeting/brainstorming ng Maynila, sinuggest itong movie na ‘to na panoorin ng aming direktor na si Direk Phil Noble.

Tapos, kinuwento niya ang summary. Na hindi ko nasundan.

Oo, medyo may pagkaganun talaga ako, aaminin ko, hindi ko nasundan ang excited niyang pagkukuwento sa gitna ng brainstorming/pitching namin. Gusto ko, sa isang bagay lang ako naka-focus. Kaya nga I hate complications: kumplikadong mga kaibigan, kumplikadong trabaho, kumplikadong isyu, kumplikadong events. Mas payak, mas gusto ko. Ayoko ng maraming burloloy. Mabilis akong ma-stress sa ganun. Convoluted na nga ang mga ka-bullshit-an sa utak ko, sasabayan pa ng ka-echosan?  

Sa madaling salita, isa akong malaking CHAR.

Tulad nitong iba-blog kong movie review. Ang dami ko pang pasakalye bago ko simulan.

Yun na nga, di ko nga nasundan ‘yung kinukuwento ni Direk Phil. Pero siyempre, out of respect kay Direk at sa animated niyang pagkukuwento, kunwari bewildered ako sa sinabi niya. Amazed na amazed. Yung tipong hitsura ng isang bata na kinuwentuhan na totoo ang mga higante at nuno sa punso. Ganyan.

May-I-sabi ako ng “ida-download ko nga ‘yan, Direk, sa torrents. Ano pong title?”.

“A Ghost Story. Maganda siya.”

So, ‘yung title lang ‘yung naalala ko.

Fast forward ng two months. Nito lang March, sa meet-up ng Stephen King Philippines FB group members kung saan ako kabilang, sa gitna ng discussion doon, na-brought up ng isang co-member ng Book Club namin ‘yung isang magandang movie diumano. Ang title? A Ghost Story.

So, dalawa na ang nag-rekumenda sa pelikula. Mukhang may ibubuga. Dalawa na kasi ang nangampanya e.

I downloaded it online and watched it kagabi lang.

At ito ang kauna-unahan kong pelikula na napanood this year na nang mag-roll ang end credits e napapalakpak ako ng tatlong minuto mag-isa sa bahay. Non-stop. Walang keme.

Ang ganda!

Basically, ito ang premise: Mag-asawang naninirahan sa isang bungalow. Si mister, isang struggling musician, naaksidente, namatay. Naging multo (hitsura niya e ‘yung nasa poster) at nagmistula siyang ligaw na kaluluwa at naging bantay sa buhay ng asawa niya. Hanggang sa lumipat na ng bahay si misis at nakapagmove on na. Naiwan pa rin ang multo ni mister sa bahay. Nga-nga.

Ganun kasimple.

Payak na setting, characters, kuwento. Very minimalist.

Tingin ko nga, nasa 50 sequences lang ‘tong movie na ‘to e. Kakayaning patakbuhing short film sa editing. Kaso ang bawat babad na eksena e mahalaga para sa pag-set ng malungkot na mood ng kuwento. Yung tipong nanamnamin mo ‘yung bawat segundo ng eksena tulad ng pagkain ng pie ni misis na halos ubusin niya sa isang OA sa kababaran na eksena (Lav Diaz levels) in order for the moviegoers to absorb her solitude.

Damang-dama ko ang pangungulila ni Rooney Mara, ‘yung gumanap na misis dito.

Bukod sa babaran sa Downy’ng eksena, bihira din ang eksenang may dialogue. Comatose movie to the fullest talaga.

Mayroon siyang mood ng 2014 Austrian film na Goodnight, Mommy. May touch siya ng The Others. At may texture siya ng Stoker…

Na nanghiram ng element sa Ghost ni Demi Moore at Casper ni Cristina Ricci. Yung sa anggulo lang na multo na naiwan dito sa lupa, gagah!

Pero nilampaso niya sa ganda ‘yang mga pelikulang ‘yan. As in, nilamon ng kurtinang multo sa ganda ‘yang mga nabanggit ko.

Mukhang take or interpretation ito ng writer/director nitong si David Lowery (oo, tatandaan ko talaga itong name na ‘to at aabangan ko ang mga susunod niyang pelikula) kung gaano kalungkot and at the same time, ka-eerie ang mamatayan ng minamahal. Kung tatanungin mo ako kung tungkol saan ang handle ng movie? Para sa akin, undying love.

Epektibo niyang nailahad ang mensaheng ito. To justify the title, it’s a horror story rin kasi masasaksihan mo ang pagmove on ng taong iniwanan mo dito sa lupa, kung paano ka nakalimutan nito at kung paano ka bibitaw sa pag-ibig na ibinigay mo sa taong ito. Yun ang nakakakilabot.

Kung sa pelikulang Amour, pagkatapos mong panoorin, matatakot kang tumanda.

Dito sa pelikulang ito, matatakot kang mamatay at iwanan mag-isa ang taong mahal mo. Ganung realization ang iniwan sa akin ng pelikulang ito.

Sa sobrang pagka-gloomy ng pelikula, parang ang agang dumating ng biyernes santo sa akin.

Kung bet mo ang isang malungkot na pelikula or ‘yung nakakatamad dahil ‘walang gawa pero may pusong pelikula’, havs na havs sa’yo ito. Napaka-surreal. Visceral.

Pero kung mahilig ka sa adventure, action, kilig-kiligan love stories, sampalan drama, hindi ito para sa’yo. Maka-karate mo sa inis ang TV niyo. Kasi walang ganap. Tutulugan mo ito. Promise.

Pero para sa akin, ito ang Best Picture ko of 2017. Na-snubbed ito ng Oscars! Mas deserving ito kesa sa Get Out! Milya-milya ang layo.

FIVE STARS!   

Sunday, March 11, 2018

RED SPARROW


Mas magulo pa sa bulbul ni Goldilocks ang plotline ng RED SPARROW.

Siguro nang komisyunin ‘yung writer nito para isulat ang script, ang main intention ng producer e “Lituhin ang audience. Yung tipong mapapatili sila sa inis at pagsisisihan nilang pinanood nila ‘yung pelikula natin. Sayangin ang oras ng moviegoers.”

At successful sila.

Taena, for the longest time, ngayon lang ulit ako naligaw sa panonood ng movie. Yung tipong sa kalagitnaan ng panonood e mapapatingin ka sa katabi mo at mapapatanong ng, “Saan na tayo?”.

Hindi ko nasundan ang character at ang kuwento mismo!

Hindi ko maintindihan kung ano ang layunin ng femme fatale character ni Jennifer Lawrence sa movie. Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban niya. Dagdag irritation pa dito ang fake Russian accent niya.
Parang gusto ko siyang ituro sa screen at sigawan ng “Ang labo mo, mare!”.

Para siyang si Georgia ng Ika-6 Na Utos na iwi-wish mong sana e mamatay na lang ‘yung character para matapos na kaagad ‘yung istorya.

Sa nakakalitong plotline pa nito, nag-introduced ang writer ng napakaraming characters NA sa kalagitnaan ng pelikula e biglang mamamatay, me-murder-in o maaaksidente na mala-Final Destination. Yes may cameo appearance dito ang rumaragasang sasakyan na ‘di mo alam kung saan nanggaling!

Hindi ko rin maintindihan kung espionage ba ito or erotic thriller na sume-semi torture porn. Nalito na rin ang writer kung ano ang lulutuin niyang putahe e.     

May katipo itong pelikula noon e. Yung 1999 film ni Ashley Judd na EYE OF THE BEHOLDER. Parehong semi-erotic thriller na merong femme fatale lead. Pareho rin silang nakalilito. Pero ang kaibahan nito sa RED SPARROW, ‘yun e nasundan ko at nagustuhan ko. Itong PULANG MAYA e hindi.

Ang tanging na-appreciate ko lang dito e ‘yung treatment ng scripting, kung saan sa simula ng story e nagpresent sila ng dalawang characters ng halos sabay. Tapos, susundan mo ang magkaibang kuwento nila hanggang sa magtagpo na sila. Yun lang.    

Pero over-all, nakaka-stress ang pelikulang ito. Ang pinakahihintayin mo na lang e kung kelan lalabas ang end credits. At mapapapalakpak ka talaga sa tuwa. Mapapasabi kang “Sa wakas, makakauwi na ako.”

Sana e inulit ko na lang ‘yung Tomb Raider. Mas natuwa pa siguro ako.

Watch it, kung gusto mong makita ang pa-boobs at guhit ng puwet ni Jennifer Lawrence. O kung naghahanap ka ng sakit ng ulo, pag-aksayahan mo itong panoorin.

Ihanda ang sarili sa paglipad ng 260 pesos mo.