Nagustuhan ko naman 'yung mga tagalized anime noong 90s like
Princess Sara, A Dog Of Flanders at Remi Nobody's Girl. Pero hindi ako gaanong familiar
sa Japanese movies, much more sa animated films nila.
Never pa akong nakanood ng AKIRA KUROSAWA films. Alam ko,
favorite siya ng mga cinephiles. Pero di lang talaga ako nagkainteres na
silipin ang works niya. Not my cup of tea siguro. Ayoko namang maging
pretentious na sabihing napanood ko na 'yung mga movies niya, 'di ba?
Pero some of Takashi Miike's works, napasadahan ko't
nagustuhan. I dig his works. Lalung-lalo na 'yung AUDITION. Pati ni Hideo
Nakata ng RINGU. Pawang horror filmmakers kasi.
Sa totoo lang, ang mga pinanood ko lang na Japanese movies e
mga J-Horror noong early 2000s (Ringu, The Grudge. etc).
At isang japanese film lang ang pinakanagustuhan ko talaga,
ito 'yung NOBODY KNOWS. Tumambling ako dun with kasamang acrobatics sa ere sa sobrang
ganda!
In recent years, as in wala pang limang taon ang nakakaraan,
natagpuan ko naman ang SPIRITED AWAY. Favorite kasi ng kakilala kong writer
'yun kaya na-curious ako't dinownload ko sa torrents. Hindi naman ako na-blown away sa ganda.
But it caught my interest. Sabi ko, may ibubuga pala ang Japan
sa paggawa ng animated films. In terms of narrative at visual storytelling,
unique sila. Malamig sa mata. Dama mo 'yung lugar e. May magic.
Next to that, na-encountered ko ang THE GRAVE OF THE
FIREFLIES. Niyeta, sumikip ang dibdib ko sa pelikulang 'yan. Nadurog ang puso
ko sa sinapit ng magkakapatid sa panahon ng giyera. Torture 'yung movie na 'yan
sa mga mabababaw ang luha. Paiiyakin ka talaga ng swarovski.
Pangatlong Japanese animated movie na napanood ko, WOLF
CHILDREN . Split din ako sa pelikulang 'yun sa ganda. Tungkol sa single mom na
merong dalawang anak na nagiging wolf. Simple, pero may kagat rin sa puso.
Guess kung ano ang pang-apat?
Itong WEATHERING WITH YOU na.
Wala talaga akong balak panoorin 'to kanina sa Robinsons Forum.
Nasira kasi ang knob ng bagong aircon ko (Oo, ke bago-bago, nasira! Wag kayong
bibili ng EUREKA aircon! Mahinang klase gawa nang siya ang pinakamura).
Pumunta ako ng Forum to buy a replacement knob sa ACE
Hardware dun sana. Alam ko, bukas ng tanghali, sa sobrang init, hihiwalay na
naman ang betlog ko sa katawan. Ayoko nang maulit 'yun. Nangyari sa akin 'yun
noong nakaraang summer e.
E kaso, hindi available sa ACE. So sabi ko, instead na umuwi
akong walang ganap at masayang lang ang punta ko dun, manonood na lang ako ng
sine.
Kaya ito ngang Japanese animated film na 'to ang pinanood
ko.
(SPOILER ALERT)
Kuwento ito ng isang binatilyo na istokwa (stowaway) sa mga
magulang na napadpad ng Tokyo. Namulubi dun, walang makain at matirhan. Until nakahanap
siya ng trabaho, bilang assistant sa maliit na publishing company. Stay-in siya
at libre meals.
Ang una niyang assignment e tungkol sa mga Urban Legends na nakapaloob
sa hindi matapos-tapos na maulang weather sa Tokyo. Unlimited rainy season ang peg.
At nagresearch siya tungkol sa isang babaeng may kakayahang
magpaaraw sa gitna ng ulan. Tinagurian nila itong si 'Sunshine Girl". Mutant? Hindi, gifted lang.
Along the way, mae-encounter niya si Sunshine Girl sa isang
unexpected turn. Kinuha niya itong partner sa online business niyang itatayo,
ang serbisyo nila ay ang magpaaraw ng isang lugar sa gitna ng ulan sa
pamamagitan ng power ni Sunshine Girl. Mga customer nila, mostly mga event
organizers.
Maganda ang takbo ng negosyo. Malaki ang kita.
Kaso, na-inlove si binatilyo kay girl.
Ito ang twist: Para palang sumpa ang gift ni Sunshine Girl.
Sa kada paaraw niya, unti-unti siyang mawawala na parang bula. Sacrifice ng
sarili niya para sa kasiyahan ng iba? Parang ganun na nga.
Paano na ang love story ni binatilyo? Kakayanin kaya niya
itong ipaglaban kahit na lamunin na si Sunshine Girl ng mga ulap sa kalangitan?
Yan ang tatakbuhin ng pelikula.
Romantic fantasy!
Naalala ko 'yung 90s movie na nagustuhan ko noon dito, 'yung
POWDER at WHAT DREAMS MAY COME. May elements siya nun. Meron siyang katiting na
magic realism.
Maganda rin ang concept, 'di ba? Panahon yata ngayon ng mga
weird concepts like RADIUS, LOVE ALARM at ANG BABAENG ALLERGIC SA WI-FI.
Nakakakilig? Check.
Cute? Check.
Kakaibang concept? Check na check. Very original siya.
Walang katulad.
WEATHERING WITH YOU is a beautiful Japanese animated film.
Napangiti ako ng pelikulang ito.
Worth a check.
VERDICT:
Apat na banga.