Friday, July 12, 2019

MOMOL NIGHTS


After kong mapanood ang malungkot na episode ng POSE kagabi, kung saan namatay ang isang character ng series, alam ko kailangan ko ng romcom movie para pambarag sa gloomy night.

Sinilip ko ang nasa watchlist ko sa Notepad ng cellphone.

Next in line na 'tong MOMOL NIGHTS Directed by Benedict Mique.

Here's my take sa pelikula...

Yung treatment niya e parang Hollywood  Romcom movies noong early 2000s, kung saan nakabase ang ang pag-usad ng kuwento sa enumerated topics ng subject, which is the art of Momol-ing. Kamolda ito ng HOW TO LOSE A GUY IN 10 DAYS ni Kate Hudson at katimpla ng romantic movies ni Drew Barrymoore noon.

Yung ibang mga punchlines sa dialogue, familiar at nababasa na natin sa mga memes at viral hugot posts sa social media. Though, may mga nakalusot na ganun, mas maraming bagong linyahan.

Tingin ko, overused lang 'yung gamit ng millennial terms sa dialogue na parang sinisigaw ng pelikula ang katagang "millennial movie ito, huwag tanga!". Nakaka-slight irrirating lang. Kasi, hindi naman kailangan na merong millennial terms kada convo with tropa o someone e para masabing millennials ang mga character. Lahat ba ng baklang characters, dapat marunong ng gay lingo? At saka 'yang millennial terms na 'yan, talamak lang ang gamit dyan online at hindi sa usapan ng mga bagets sa totoong buhay. Yung isang gamit lang ng word na "triggered" alam na ng audience na millennials ang mga bida. Kaya even without those millennial terms, tatawid namang maganda pa rin 'tong romcom movie na 'to e.

Yung malanding character ng lead na babae (Kim Molina, 'yung bitchesang assistant ni Daniela Mondragon sa Kadenang Ginto) na sume-semi bakla sa kapokpokan, aliw ako. havs na havs sa akin.

May katotohanan 'yung ganung character ng mga babae sa panahon ngayon e. Authentic siya. Based siya sa reyalidad. Mas agressive na talaga ang mga babae ngayon. Yung tipong gagawa sila ng paraan para matikman lang ang lalaking gusto nila to the point na halos ligawan or vetsin-in na nila ito.

Desperada? Nope. Cheap? Nope.

Mas liberated lang.

At gusto ko 'yung ganung mga klaseng babae. Yung hindi maaarte at nagpapaka-virgin.

Kaya likable para sa akin 'yung character ng lead actress dito. Charming 'yung persoanality niya.

And she's really funny! Tawang-tawa ako sa kanya sa isang eksena kung paano niya itinaboy ang isang babaeng nagpi-flirt sa leading man niya sa art gallery scene. Galawang baks 'yun e. Panalo 'yun! That's hilarious!

Hindi lang 'yan, ang treat ng pelikula para sa mga pechay at baks, tsaran.... si KIT THOMPSON! Ang sheref sheref ni kuya. Mapapahawak ka sa vibrator mo na nakatago sa ilalim ng kutson sa mga sex scenes nila!

Kung gusto mong magbalik-tanaw sa  una mong sex encounter or sa naka-one night stand mong perfect guy na konting push na lang sana e kamuntikan mo nang maging forever, watch this. Ito 'yung fairy tale na 'yun. Mapapa-reminisce ka sa moments na 'yun. Mapapa-#RelateMuch.

Kilig overload! Baklang-bakla ang pelikula. Ang kikay-kikay!

Though, maikli lang 'yung running time ng movie e. Parang kasinghaba lang siya ng anniversary special ng WAGAS. One and a half hour? Parang ganun. Basta, hindi siya lalagpas ng 2 hours. Kaya medyo nabitin ako. Pinang-fingger ko na lang 'yung sumunod na kalahating oras.

Over-all, ang masasabi ko lang sa pelikula, para siyang 'yung character ng lead actress... Cute and funny.

It's very entertaining. Watch mo ito sa I Want TV. Streaming siya! Libre lang 'yun.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang lead actress na naglalaro kina Jodi Sta. Maria at Cynthia Patag ang fez at charm.


Friday, June 21, 2019

TOY STORY 4


Nakakabilib talaga ang creatives behind TOY STORY.

Itong pang-apat nilang movie, di ka madi-disappoint.

Kung inaakala mong latak na lang ang mapapanood mo dahil masyado na nilang nahatak ang storyline (yung feeling mo na wala na silang mape-present na ibang liko sa kuwento), nagkakamali ka.

Surprisingly, meron pa rin silang napigang magandang kuwento about lost and found.

Yung nandun pa rin 'yung magic ng tatlong naunang pelikula.

Yung may sundot pa rin sa puso 'yung ending na halos tumulo na 'yung luha mo sa lungkot.

Yung magkakaroon ka pa rin ng separation anxiety after the movie.

Ganung pag-iinarte.

Fans of Toy Story, watch the fourth movie... Mag-eenjoy kayo!

VERDICT:

Apat na banga at nakakaimbiyernang karakter ng starlet doll na si Gabby.

CHILD'S PLAY 2019


Horror fans like me, enjoyable ang bagong CHILD'S PLAY!

Na-entertained ako nang sobra. Better than Pet Sematary remake at ang disapponting na Brightburn.

Nagawan nila ng bagong bihis 'yung kuwento.

Sa totoo lang, puwede pa ngang mag-stand alone na ibang horror film about sa killer doll 'tong reboot na 'to e minus the original Chucky movie about sa possesed doll. Ang concept: "What if a toy/doll becomes psycho?". Inalis 'yung sapi-sapi factor.

Or tatayo ring episode ng Black Mirror about the horrific future of doll industry marrying artificial intelligence.

What if mag-malfunction ito? Or magkaroon ng glitch? Or nagkaroon ng sariling pag-iisip?

Parang danger ng robot concept ni Isaac Asimov. Yung magkaroon ng sariling desisyon 'yung robot.

Sa mga fans ng original franchise, be warned. Alam ko magpapaka-loyal kayo o magpapaka-purist kayo at baka madisappoint kayo dito. May ganyan akong nakikitang tendencies once napanood niyo 'tong bagong Chucky movie.

Bago na ang boses ni Chucky at hindi na siya kasingkupal kung magsalita tulad ng dating manikang minahal niyo.

Just the same, maganda 'tong updated version. Na-retain 'yung blood and gore ng original.

VERDICT: Tatlo't kalahating banga at ang bagong Chucky na kamukha ni Carding ng ReyCards Duets noon. Mukha siyang baklang unano na isang parlorista. O Leprechaun na lumaklak ng Glutathione at nagpakulay ng buhok.

Friday, May 24, 2019

ALADDIN


Kung faney ka ng Disney cartoons, huwag na huwag mong palalagpasin ang ALADDIN.

Super nag-enjoy ako sa kanya.

The best live-action version ng animated films ng Disney. Way better than CINDERELLA, BEAUTY AND THE BEAST at DUMBO live action versions.

Binuhay niya ang cartoons. Literal.

Kung ano ‘yung enjoyment ko nung napanood ko siya nung bata ako sa sinehan, same din sa 2019 version.

Naibalik niya ako sa pagkabata.

Yung magic carpet scene habang kinakanta nila Aladdin at Princess Jasmine ‘yung A Whole New World… One word. Magical.

Tatak-Disney. Pambata na ma-aapprecaite din ng mga matatanda.

Sayang nga lang at napagitnaan ito ng blockbuster movies kaya hindi gaanong umingay sa first day. Hati ang audience sa gastos.  Pangatlong araw na niya today at hindi marami ang nanonood. Sad. Hays.

Gen Y audience, relive your childhood with your children, it’s a family movie bonding event, sinasabi ko sa inyo… Panoorin niyo!

Na-distract lang ako sa screen registration ni Mena Massoud, ‘yung gumanap sa title role. Parang drug addict! May traces na user siya sa mukha e. Halatang-halata sa ilang eksena. Vital pa naman ‘yung mga eksenang ‘yun. Yung mga eksenang dapat magpakilig siya, mukha siyang tuyot.

Well, sa ilang scenes naman, batang hamog siya so bumagay.

Pero nung naging prinsipe na siya, hindi pa rin siya mukhang fresh. Annoyed ako nang slight.

Leading man, mukhang galing sa rehab?! Make-up department, anyareh?

Ganun pa man, well-recommended ko ito. Super satisfying siya. Pambarag sa bakbakan movies like AVENGERS: ENDGAME at JOHN WICK 3. Medyo light.

Siyempre sa IMAX 3D ko ‘to pinanood, pangmalakasang movie treat ko ‘to sa sarili kasi fan ako ng original animated film.

I suggest, doon niyo rin ito panoorin for added thrills. Amplify your movie watching experience ba.

Pero just the same, ma-e-enjoy niyo pa rin ang movie sa regular cinemas. That’s a promise.

VERDICT:

Apat at kalahating banga at ang nakakalokang starlet na handmaiden na ipinartner kay Will Smith.

Monday, April 15, 2019

GRETA

Kaninang hapon, pauwi na sana from Makati Med from a quarterly medical check-up sa psychiatrist ko, nang maisipan kong dumaan sa pinakamalapit na mall, ang Greenbelt. Magpapalamig muna dun kesa umuwi ng bahay at pagdusahan ang init gawa nang sira ang aircon ko. E araw-araw na lang non-stop ang pa-shower ng pawis sa kili-kili ko. Yung kahit madaling araw, ganun pa din kainit.

Kaya nagdecide akong magbabad muna sa mall.

Nilakad ko ang Greenbelt 1 at napadaan ako sa cinema ticket booth. Nakalagay dun na palabas na sa karatig na Greenbelt 3 ang GRETA ni Chloe Moretz, na matagal ko nang inaabangan.

So naglakad ako ulit papuntang Greenbelt 3.

Sa pagkakatanda ko, dalawang beses pa lang akong nakakanood ng pelikula dun.

Una, ang Terminator 3. Then pinakahuli, 'yung Cinemalaya film na BWAYA. Kaya ikinaloka ko kung magkano ang singil ng takilyera sa akin.

400 pesos! Tinanong ko kung 3D, 4DX or IMAX ba ang pelikula, hindi daw. Regular lang daw.

Napasubo na ako, nandun na e. Sayang naman ang 30 minutes na nilakad ko papunta sa venue, 'di ba?

In fairness, yung 400 pesos may kasama nang coupon ng free popcorn at isang bottled mineral water.

Kaso, dalawang oras pa ang screening ng nabili kong ticket kaya nag-ikot ikot muna ako. Naghanap ako ng makakainan ng early dinner.

Tulad ng dati, pang-yayamanin levels ang mga restaurant na magkakatabi sa Greenbelt 3! Yun bang kukulangin ang isang libo mo sa isang meal. Yung tipong isang baso ng lemon iced tea e aabot ng 300 pesos!

I ended up eating in a fast food! Wendy's at Greenbelt 1.

Oo, nakabalik ako ng Greenbelt 1 sa paghahanap ng pangmasang kainan.

At pati ang naorder ko, ewan ko kung pangmasa pa rin. Yung Baconator Mushroom Melt Meal nila e umabot ng 350 pesos!

Ganunpaman, super satisfying naman 'yung bago (sorry, ngayon lang kasi ako nakapag-Wendy's ulit after a long time) Mango Iced Tea nila, mga mamsh! Kahit 'yun lang ang inumin niyo kapag napadaan kayo ng Wendy's, sulit na ang ipinunta niyo dun. Umorder pa nga ako ng isa bago ako umalis ng Wendy's at bumalik ng Greenbelt 3 e.

Ito na nga, nang makuha ko ang free popcorn at mineral water, siyempre pumasok na ako sa loob ng sinehan.

Yun naman pala, kaya pala 400 pesos, lazy chair ang upuan sa loob! Yung kasinglaki ng dental chair at kasinglambot ng mamahaling sofa. First time kong makakaupo sa lazy chair ng cinema house.

Yung 4DX, na-try ko na. Pero itong lazy chair na merong automatic button para mag-extend tapos meron pang sariling mesa sa harap na parang pang-school chair, first time.

Wagi!

Nakakayaman!

Plus, kada row ng upuan, may distansiyang 4 feet! Puwede pang dumaan ang kariton at si Mamang Sorbetero.

At mas malamig ang aircon sa loob compare sa ibang sinehan ha. Oo, nang-iintriga talaga ako.

Ganun ka-komportable sa loob!

Upgraded ang Greenbelt 3 cinema house. Kaya upgraded din ang presyuhan ng ticket!

At ito pa, ang mga kasabayan kong moviegoers, kundi mga afam, inglesero't mga kastilaloy! Mga alta!

Hindi ko ito crowd.

Feeling ko, i don't belong there. Kung magtitili-tili ako dun watching Conjuring 3, sigurado akong marereklamo ako sa security at mai-eject sa loob ng sinehan.

Either way, sulit naman pala ang 400 pesos na ticket.

Meron na akong prospective movie house kung saan ko panonoorin ang X-MEN: DARK PHOENIX.

Enough of this pasakalye't endorsement.

Moving on, here's my hanash sa pelikulang GRETA:

Kuwento ito ng isang waitress sa New York na nakakita ng luxurious bag sa subway. Pinuntahan niya ang address ng ID ng may-ari at sinauli niya 'yung bag. Doon nag-start ang friendship nila ng may-ari ng bag, isang French woman na isang biyuda at longing sa anak na nasa abroad. Nagkaroon sila ng mother-and-daughter bonding dahil si waitress kamamatayan lang din ng ina.

Until madiscover ni waitress na gawain na ni French woman ang pang-iiwan ng bag para lang may maging kaibigan sa pangungulila nito. Natakot si waitress at iniwasan na niya si French woman magmula noon.

Pero hindi 'yun matanggap ni French woman, hinarassed niya ang buhay (trabaho at bahay) ni waitress. Oo, na-obsessed ang gagah kay waitress! Dun lumbas ang pagiging saltik ni French woman. Humeadbanger sa pagiging stalker.

Kung pagbabasehan mo ang trailer nito, 'yun na 'yun na ang pelikula.

Maganda sana ang naitayong mood ng pelikula. May intensiyon itong magpaka-MISERY (Rob Reiner) or 'yung 90s classic thriller movies na SINGLE WHITE FEMALE at THE HAND THAT ROCKS THE CRADLE. Meron sana itong ganung promise e. Pero, sad to say, hindi nakarating.

Nandun na 'yung build-up e. May intensity pero hindi intensify. At hindi nagpakawala sa ending. Parang expored na fountain noong bagong taon na hindi sumabog.

Kinulang.

Tinamad 'yung writer na isipan ng mas magandang ending 'yung pelikula. Yun bang sinabi niya sa sarili niyang "Okay na 'yan, may twist naman e". Mema lang ba. Such a lazy ending.

Sayang. Lahat kasi halos ng elements ng magandang psychological thriller nandito na e.

Cliche man pero maganda ang pagkaka-execute ni Neil Jordan ng mga eksena, na siyang nagdirek ng pelikula.

Hello, siya lang naman ang nagdirek ng paborito kong THE CRYING GAME, THE END OF THE AFFAIR at INTERVIEW WITH THE VAMPIRE! Hindi na questionable ang pagiging mahusay niyang direktor, noh.

Fragile protagonist. Check.

Troubled/psychotic antagonist. Check.

Piano scene (Bakit karamihan ng bahay ng mga psychotic/serial killer, may piano? Upang ma-justify ba ang pagiging musically-inclined nila at isolated sa mga tao... thus making them, lonely people and capable to commit murder?). Check.

Basement scene sa bahay ng killer kung saan may sikretong nakatago. Check na check.

Twist sa ending. Check.

Yun nga lang, walang bago.

Super disappointed sa ending. Kulang sa kapana-panabik na detalye. Masyadong convenient ang resolution. Hindi gaanong pinaghirapan. Walang mahirap na struggle. Walang ganap.

Maganda 'yung build-up e. Pero 'yung ending, walis talaga. After ng twist, ano na?

Kasi, sa tulad kong sucker ng psychological thriller, wala akong nakitang bago. I mean by bago, 'yung magpapataas ng puwet ko sa kinauupuan kong pagkamahal-mahal!

Kahilera lang 'to ng HARD CANDY at CHLOE starring Amanda Seyfreid. Ganung level. Passable pero hindi mo maituturing na classic.

Ganunpaman, hindi naman siya chaka. Treat nang mapanood si Isabelle Huppert sa isang epektibong pagganap bilang tokneneng na babae sa isang Hollywood movie. Ganun din si Chloe Moretz, na mukhang paborito ng horror films. Silang dalawa ay nakapagdeliver ng fine performances. Yun ang sumalba sa pelikula. Kasi kung sina Molly Ringwald at Amanda Bynes lang ang nai-cast dito, tae ang pelikula.

Hindi rin ang pagka-cast ni Stephen Rea sa isa na namang pelikula ni Neil Jordan ang nagpasalba sa pelikula ha. Na parang si DJ Durano sa lahat ng pelikula ni Wenn Deramas lang, laging ka-join. Eugene Domingo sa Dear Uge lang ang peg? Basta may role na masasalpakan, ijojosok.

Fine performances by the two leads but with mediocre ending. A lazy ending, indeed.

Kung crush mo si Chloe Moretz, panoorin at masisiyahan ka. Kung bet mo rin si Isabelle Huppert, watchilei mo na rin para masaksihan ang kanyang acting prowess.

Kung hindi naman, dedmahin mo na lang. Hindi ito kawalan sa nakakatamad mong buhay.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang creepy performance ni Isabelle Huppert na hindi pang-Cannes. Yun lang.

Gretang ina niyong lahat! Ay thank you.

SHAZAM!

Super enjoyable ang SHAZAM!

Ang panonood sa kanya, same treat like watching Home Alone or any great children's movie noong 80s like Goonies or Flight Of The Navigator.

Nakakabalik sa pagkabatang experience!

Mag-e-enjoy ang buong pamilya sa panonood nito!

Kasing simple lang ng Kabayo Kids at Batang X ang plot niya. Hindi kumplikado. Kaya madulas intindihin.

Antokyo na kasi ako kaya maikli lang ang hanash ko about sa pelikula.

Pero sobrang sulit talaga ang panonood ko. Nakakangiti ng ngala-ngala.

Now my favorite Superhero/Children's movie in a long while.

Tuesday, April 9, 2019

LAST FOOL SHOW

Just came from watching Star Cinema's LAST FOOL SHOW written and directed by Eduardo Roy Jr.

Friend ko 'yung director, si Edong. Kilala siya sa indie world bilang mahusay na writer at director. Awarded pa nga locally and internationally 'yung mga pelikula niya (BAHAY-BATA, QUICK CHANGE at PAMILYA ORDINARYO).

Nang mabalitaan ko last year na gagawa siya ng romantic comedy, i'm a bit skeptical. Si Edong gagawa ng rom-com? May doubts and reservations ako para sa kanya. Bakit? Hindi niya ito boses. Ang linya niya e 'yung mga pa-deep na neorealist na papunta nang poverty porn films. Para akong nakabalita ng Principal na nagpa-tattoo ng dragon sa dibdib.

Pero later on, naalala ko, nang makainuman ko ang isang indie filmmaker some years back, nabanggit ko ditong gusto kong kumawala sa paggawa ng gay indie flicks kaso parang hirap na akong makatakas. Feeling ko trapped na ako. Di ko malilimutan ang advice ng nakainuman kong direktor na 'yun: "as a director, hindi ka lang dapat naka-contain sa iisang genre. Puwede kang mag-explore ng iba. At gagawin mo 'yun para mag-grow ka as filmmaker."

At 'yun sa palagay ko ang gustong mangyari ni Edong, ang mag-grow bilang filmmaker.

Hindi dahil napipilitan lang siya sa bandwagon o agos ng uso.

I had the privilege of reading the early draft of LAST FOOL SHOW. Pinabasa sa akin ni Edong. Binigay ko sa kanya ang take ko pero hindi ako 100 % naging honest sa kanya. Hindi ko nasabi sa kanyang "Hindi mo boses 'yan, kapatid" kasi ayokong ma-discouraged siya. First mainstream movie niya 'to. Star Cinema pa. It's gonna be  a hit or a miss.

Knowing Edong, mahilig mangsurpresda 'yan e. Tingin ko nga sa kanya, nabiyayaan siya ng Midas Touch. Everything he touch, turns to gold. Yung kahit hindi ganun kaganda ang concept, mapapaganda niya. Nang mabasa ko ang PINAKAMAHABANG ONE NIGHT STAND Short Film script niya noon, hindi ko ito nagustuhan. May moda pa nga akong "mas magaling akong magsulat kesa sa kanya" nang mabasa ko 'yun e.  Same thing with QUICK CHANGE at PAMILYA ORDINARYO. Hindi rin ako na-impressed.

Pero pagdating sa direction, halimaw! Dun ang bawi niya, sa execution. All of his Cinemalaya films bagged awards, including Best in Screenplay and Best Directing.

You see, alam kong manggugulat siya kaya sinaloob ko na lang 'yung sanang blunt comment ko.

And i was right.        

It's a hit for LAST FOOL SHOW.

Yes, i know, another Star Cinema rom-com movie. Pero this time, hindi ako na-disappoint.

Now my take on the movie:

(Semi-Spoiler Alert!)

Para sa masa audience, kuwento ito ng dalawang Ex na nag-tandem para i-sabotage ang relationship / wedding proposal ng dalawa nilang former lovers  pero sa huli, sila naman ang nagka-developan.

Sa middle class audience, kuwento ito ng magkarelasyon kung saan nakipagkalas si Boy para si Girl ay umarangkada sa career at maging successful dahil tingin niya, siya ang hadlang sa pangarap nitong maging filmmaker.

At para sa mga pa-deep at intellectual audience naman, it's a semi-satirical take on making a romantic comedy movie, 'yung pinagdadaanan ng isang indie filmmaker sa pagagwa ng mainstream  movie. A movie within a movie na kung saan ang central character, no matter how successful she may seemed, nakakaramdam pa rin ng emptiness. Na kailangan niyang maging open-minded pagdating sa love.

Yan ang pelikula.

Yan ang magic nito. Timpladong-timplado para sa lahat ng uri ng audience.

Pag dumiretso siya ng rom-com, mas magugustuhan siya ng masa audience. Pag dumiretso siyang pa-deep, mas madi-dig siya ng middle class or intellectual audience.

Tinimpla nang maayos ng director ang treatment at structure ng pelikula. Polsihed ang aspetong ito.
     
Ang humor ng kuwento, magugustuhan ng lahat ng audience.

Malinis ang cinematography. Highly-commendable ito. Napaka-glossy!

All the elements of a beautiful romantic movie, evident dito:

Relatable/likeable characters na maganda at pogi. Check!

Pasok sa bangang theme song. Check!

Merong dramatic highlights. Check!

Funny scenario for a hearty laugh. Check!

Kilig overload. Check!

Magical moments. (Yung parehong naka-sirena outfit sa isang underwater scene sina Arcy at JM. Winner 'yun. Refreshing siya kasi bago siya) Check!

Bonus na ang pagiging campy ng ilang eksena tulad ng pag-play ng Ocean Deep everytime na may underwater scenes. Literal na nasa ilalim sila ng karagatan, 'di ba? Hahahahahaha.  Baklang-bakla!

Meron lang akong low-points ng pelikula pero mas personal na 'to.

Hindi lang ako solved sa pagkaka-cast kay Arcy Muñoz sa lead role. Hindi niya kasi ako faney. For me, hindi siya perfect sa role. Don't get me wrong ha. Meron naman silang chemistry ni JM De Guzman at naka-deliver naman siya sa character na pinortray niya. Pero kung si Sarah Geronimo o Bela Padilla 'yan, mas iaangat nito ang pelikula.
Well, ako lang naman 'to ha. Kasi sa lahat ng pelikula ni Arcy, isang beses ko lang siya nagustuhan, sa CAMP SAWI at kasama niya kasi doon ang favorite kong si Bela Padilla.

Although walang tapon ang lahat ng Boracay scenes (as in havs na havs lahat ng eksena dun), medyo dragging ang latter part ng pelikula. Kung sana, mas na-concised pa ito sa storytelling, mas maganda.

Pero nagustuhan ko naman ang final frame sa loob ng kotse habang nagro-roll ang end credits. Nakakatanggal ng hinanakit sa pagka-bitter sa pag-ibig. Nakakavavaeh!

Yun lang naman.

Over-all, it's an impressive Star Cinema debut!

Isang pelikulang after mong mapanood e gugustuhin mong makapunta or makabalik sa Boracay para ma-experience 'yung nagawa ng dalawang lead doon.

Watch it, guys! Worth it siya! Showing na siya today!

VERDICT:


Apat na banga at ang suot ni Snooky Serna sa kabaong na parang gula-gulanit na supot ng Chippy sa pagka-glittery.