Friday, October 18, 2019

ADAN - MUSIC VIDEO

Adan - OST

"HIMIG NG PAG-IBIG"
by Shanne Dandan

Music and lyrics by Lolita Carbon
Produced by Yam Laranas and ZILD
Arranged by ZILD
Directed by Roman Perez Jr.

Showing on NOV. 20, 2019 Nationwide.


Saturday, October 5, 2019

MELODY (1971)

Dahil saturated na ako sa complex interwoven plotlines ng Netflix movies & series sa loob ng ilang linggo, naghanap ako earlier ng lumang pelikula.

Natagpuan ko 'tong not so popular British film na MELODY. Pinalabas siya noong 1971, colored film naman pero sepia na ang kulay ng pelikula sa kalumaan.

Puppy love story. Baby Love ni Peque Gallaga ang drama.

Kuwento ito ng isang batang lalaki (yes, bata. papasang teenager pero mukhang hindi pa bulbulin) na bagong pasok sa school. Naging kaibigan niya ang pasaway na kaklase  at nag-click ang friendship nila. 

Hanggang sa makilala ng bida ang schoolmate nilang teenage girl, si Melody. Nagka-"inlaban" ang dalawa. Nag-jelly ace si pasaway na buddy at binully sila. Na-jeopardized ang friendship ng dalawa. 

Pero nanaig ang "pagmamahalan" nila ni Melody. Ang ending, ikinasal sila sa eme-emeng wedding organized by pasaway buddy para makabawi. At ang mga attendees e mga classmates nila at ginanap ito sa hideout ng mga ito.

Pinakahuling eksena: nasa train dolly track 'yung dalawang bida at itinulak ni pasaway buddy ito.

Parang ang subtext: humayo kayong taglay at magpakarami, mga batang pasaway!

The end. Nag-roll ang end credits.

Halos mabato ko ang mouse ng computer sa screen ng TV monitor sa inis. Niyeta, kingkingan to the fullest!

Hindi 'to papasa sa mga mainstream producers ngayon. Sobrang simple. Ang payak-payak. Nag-inarte lang 'yung mga batang characters.

Pero nagustuhan ko naman siya.

Bakit?

Unang-una, sapat na sa akin na ang soundtrack ng movie e BEE GEES songs. Parang hinaharana ako ng familiar songs nila habang nagpo-progress ang istorya.

Nope, wala siyang magical moments. Pero pinagtiyagaan ko siyang tapusin kahit almost two hours pa siya. Kailangan ko ng ganitong pelikula para mas ma-appreciate ko ang mga bagong movies ngayon e. 

Ito ang nagpapabalik sa aking kamalayan na ganito ang puppy love story noon.

Ito ang nagpapaalala sa akin na 1971 pa lang, uso na ang lumandi. Uso na ang maagang pumokpok.

Minsan, ganito ang wala sa mga bagong pelikula ngayon e. Yung simplicity. Simple story. Simple plotlines. Simple camera works. Less CGI-heavy sana kasi minsan hindi naman na kailangan. Anything na nakakapag-add sa pagiging complicated ng pelikula, iwasan. Para lumutang ang ganda. 

Simplicity. Powerful kaya 'yun. 

VERDICT:

Tatlong banga at ang napakapoging bidang bagets na saving grace ng movie. Pang-kiddie meal! #BantayBata163 here i come. 

Friday, October 4, 2019

IN THE TALL GRASS


Mindfuck 'tong IN THE TALL GRASS ng Netflix. Pero ang ganda!

Ang kuwento?  

Tungkol sa magkapatid (isang binata at ang sister niyang 6-month preggy) na nag-cross-country trip sa US. Nang mag-stop-over sila sa Kansas, sa mataas na damuhan - lagpas tao ang taas - meron silang narinig na bata na humihingi ng tulong. Pinasok nila ang damuhan para sana tulungan ang bata pero na-trapped  na rin sila sa loob tulad ng naunang pamilya na pumasok doon.

Naka-enter na pala sila ng ibang dimension.

Ang tanong, makakalabas pa kaya sila?

Supernatural horror. Based siya sa short story ni kino-wrote ni Stephen King at ng anak nitong si Joe Hill.

One location movie lang siya. 90 %, sa damuhan lang nangyari ang pelikula! Ang tipid ng production nun ha.

Ang simple lang ng plot, 'di ba?

Para siyang early works ni Stephen King sa mga short story collections niya.

Para siyang Children Of The Corn concept na pinadirek mo kay Christopher Nolan o pinasulat mo kay Charlie Brooker ng Black Mirrror.

Old-fashion Stephen King horror story na merong cerebral approach. Nakakawindang. Ganyan siya.

Maaaring magkaroon ng iba-ibang interpretation tayo dun tungkol sa monolith sa gitna ng damuhan. Ano ang nasagap ko? PM me if pareho tayo once napanood mo na.

Horror and SK fans, watch niyo. Hindi kayo madi-disappoint.

Para rin siya sa mga highbrow moviegoers. Maa-appreciate niyo 'yung movie kasi mai-stretch nang slight ang brain cells niyo. Pag-iisipin kayo nito.

Hindi naman siya kasing tuliro ng US ni Jordan Peele na matutulala ka na lang pagkatapos mong mapanood. Walang ganung kabaliwan 'tong movie.

Dito, meron at meron ka pa ring maiintindihan. Mada-digest mo naman 'yung pelikula. Medyo magpa-panic nga lang 'yung utak mo.

Tuesday, September 17, 2019

COMING SOON: ADAN


Coming Soon: ADAN

Starring Rhen EscaƱo and Cindy Miranda with Bembol Rocco, Ruby Ruiz and Epi Quizon


Story by Yam Laranas

Screenplay by Jonison Fontanos & Roman Perez Jr.

Direction: Roman Perez Jr.

Peroduced by Viva Films, Aliud Entertainment and ImaginePerSecond 


.

Sunday, September 15, 2019

LSS (LAST SONG SYNDROME)


Nang mapanood ko ang trailer nitong LSS (Last Song Syndrome), hindi talaga ako nagkainteres na panoorin ito. Hindi rin naman talaga ako faney ng romantic movies E. Pinipili ko lang ang pinanonood kong romance movies.

Ang number 1 kong pinagbabasehan if dapat ko ba itong pag-effortan ng oras e kung  bet ko 'yung leading man (kung pagfi-finggeran ko ba siya after) o may word of mouth na maganda ito.

Hindi rin ako natutuwa sa mga lead characters na aspiring musicians so wala akong kabalak-balak na panoorin ito.

Nang pumunta ako sa Robinsons Forum earlier, I was planning to watch VERDICT. Kaso, hindi ito palabas dun. Nagche-check dapat muna kasi ng sched sa Click the City, Joni. So i ended up watching LSS.

And i'm glad i did.

Para siyang Korean romantic movie. Napakalinis ng pagkakagawa! Mula sa script hanggang sa cinematography, sound design at acting, polished siya. Over-all direction, pulido. Napaka-glossy niya!

(spoiler alert)

Kuwento ito ng isang dalagang aspiring musician na nagtatrabaho para sa pambuhay nila ng kapatid niyang pinapag-aral niya at sa isang binatang in love sa bestfriend nitong bisexual.

Na-encounter nila ang isa't isa sa biyahe sa loob ng bus. May spark at connection dahil pareho silang fan ng bandang Ben & Ben.

Pero hindi nila pinush ang attraction sa isa't isa. Hindi nagkakuhaan ng Facebook at cell numbers. Kasi si Girl, merong boyfriend that time. Tapos ito ngang si boy, in love kay bisexual bestfriend.   

Nangangalahati na 'yung pelikula, hindi pa rin nagiging sila.

Punyeta. Ito ba ay another case ng "Pinagtagpo pero hindi itinadhana?".
Panoorin mo. Ayan ang sasagutin ng pelikula.

Ang ganda ng linyahan ng mga characters dito. Fluid ang dialogue, hindi pretentious. The way they speak, millennials na millennials.

Hindi rin pala ako fan ng mga bida ditong sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos pero after ng movie, naging instant fan na nila ako. Ganda ni Gabbi! Girl crush ko na siya starting today.

Life-affirming din 'yung movie. Kung aspiring musician ka, kailangan mo 'tong mapanood. Makakarelate ka sa pinagdaraanan ni Gabbi dito at mai-inspire kang ipagpatuloy ang pangarap mo.

What separates LSS from other mainstream romantic movies, organic 'yung love story. Hindi pinilit. Kusa siyang nag-bloom.

Hindi rin siya predictable tulad ng ibang Star Cinema romantic movies na bibilang ka lang ng 1, 2, 3, alam mo na sa bandang gitna, magkakaroon ng confrontation scenes/dramahan at sa dulo, magkakabati o maghahabulan sa airport habang traffic sa EDSA.
 
Kakaiba 'yung treatment nito. Kaya interesting siyang tapusin.

May feels siya ng pelikula ni Mandy Moore na A WALK TO REMEMBER for two reasons. Una, ang male lead, parehong may nire-resolve na issues sa estranged father. At pangalawa, panalo 'yung soundtrack.
As in, walang tapon.

Mas maganda 'yung buong pelikula kesa sa trailer.

Ang LSS ay parang isang magandang kanta na masarap sa tenga. Soothing, hindi nakakairita.

Habulin niyo sa mga sinehan at hanggang Sept. 19 na lang siya.

VERDICT:
Tatlo't kalahating banga at ang winner na linyang "Fuck you ka, anak" ni Tuesday Vargas.

Tuesday, September 10, 2019

LOLA IGNA


Ang LOLA IGNA ay kasing charming ng MAGNIFICO na merong poignancy ng BWAKAW.

Cute 'yung juxtaposition ng matanda at binatilyo. Na kahit na magkaiba sila ng henerasyon, halos pareho lang sila ng struggle sa buhay: may gustong takasan. Si Lola Igna, gusto nang mamatay. At si Yves naman, gustong lumayo sa ina at bagong pamilya nito.

Pero dahil sa pagtatagpo nila, nagkaroon ng kahulugan ang mga buhay nila. Naresolve ng bonding ng maglola ang mga dilemmang kinakaharap nila.

It's a heartwarming tale about forgiveness and reconciliation.

Kapag di nanalo si Angie Ferro ditong Best Actress, ewan ko na lang. She played the title role immaculately. Wala na akong ibang makitang lola na gaganap pa sa role niya sa pelikula tulad ng pagganap niya dito.

Tingin ko, mag-uuwi ito ng maraming awards from international film festivals. Can't wait.

Kapag close ka sa lola mo, kailangan mo 'tong mapanood! Sobrang makakarelate ka.

It's an ode to your lola.

Para sa akin, it's Eduardo Roy Jr.'s best concept.

VERDICT:

Apat na banga at ang arinola ni Lola Igna na puwedeng iregalo kay Gretchen Diez nang makaihi na si bakla. 

Monday, September 9, 2019

FORENSIC FILES


Done with 40 episodes of FORENSIC FILES on Netflix.

Ito ang apat na bago kong natutunan  after binge-watching the program:

1. Na ang mga serial killers ay merong kinukuhang isang gamit ng mga binibiktima nila at ang tawag nila  dito ay "Trophy".

2. Na ang mga forensics e mayroong Rape Kit ng bawat rape cases, kung saan nakapaloob ang DNA profiles ng victim at suspect na puwede nilang balikan kapag naging cold case na ito.

3. Na halos lahat ng kasong pagpatay, ang may kagagawan  e mga mahal sa buhay o 'yung mga taong malapit sa biktima (kapamilya, kaibigan, kasamahan sa work, etc).

4. Na lahat halos ng mga kriminal (murderer, rapists, etc) e may history ng drug addiction or mental illness.

5. Na sa programang ito kinopya ng SOCO at IMBESTIGADOR ang mga format nila.

Taena, kakaadik siya!

Sana magkaroon na ng mga bagong episodes! Can't wait.