!->
Thursday, July 19, 2018
BILLIONAIRE BOYS CLUB
Dahil maagang nagising (na once in a blue moon lang mangyari), pagdiskitahan natin 'tong pelikulang BILLIONAIRE BOYS CLUB.
Kuwento ito ng dalawang magkaibigang yayamanin sa Los Angeles noong dekada-otsenta na nagplanong mas yumaman sa pamamagitan ng Pyramid Scheme kaya nagrecruit sila ng kapwa-yayamaning mga otoko. Sa simula, success ang negosyo. Until ma-fucked up ang lahat nang mapatay nila ang investor nila who happened to be a con artist o propesyunal na manggagancho. Finish na.
Based daw ito sa tunay na buhay. At set noong 1980s.
Pero never kong na-feel ang 80s atmosphere or mood sa pelikula. Aside from malalaking TV monitor at lumang telepono na ginamit na props/set dress sa mga eksena, wala na akong nakitang significant remnant ng 1980s sa pelikula. Yun lang talaga sa pagkakaalala ko. Pati hairdos, wardrobe, etc, puwedeng pumasang 90s or 2000s. Nagkulang ang art department. Kulang sa research ang production design!
Pati music scoring, hindi ko naramdaman ang 80s! Again, puwedeng 90s or millennials song ang peg.
E napaka-critical pa naman ng mood sa isang period film. Kung hindi mo maramdaman na nandun ka mismo nung panahong 'yun, para kang si Sisa na naghahanap kina Crispin at Basilio. Maliligaw ka.
At sa casting, ha. Hilaw sina Ansel Elgort at Taron Egerton sa mga roles na natoka sa kanila. Akting na akting, hindi natural na lumalabas. Parang Aljur Abrenica lang sa GMA noon bago siya humusay sa ABS. Eye candy, check. Arte, kahoy. Para bang kalalabas lang nila sa acting workshop at ito ang culminating film nila. Kabisado ang mga dialogue, nakadeliver sa hinihingi ng eksena, pero walang lalim. Nao-off ako sa ilang eksena nila. Ang awkward. Mas bagay ito kina Jesse Eisenberg at kay Daniel Radcliffe. Sila ang nakikita ko sa roles ng dalawa.
Mukhang in-achieved lang ng casting director 'yung dalawang guwapong aktor para sa baklang direktor niya for their movie e. Kung uso din ba ang ganitong sistema sa Hollywood? Aba, malay ko.
Buti na lang at napakahusay ni Kevin Spacey, ang gumanap na Investor/Con Artist at naiangat niya sa pagkabano 'yung dalawa.
Slight boring siya for a crime film na dapat e nag-e-escalate ang tension tulad ng A SIMPLE PLAN at ng FARGO man lang.
Para ka lang nanood ng TV movie sa Hallmark channel or special presentation ng any Crime channel sa cable na biglang may lalabas na text sa ending, isang paragraph kung ano na ang kinahinatnan ng kaso.
Ito 'yung isa sa mga pelikulang kapag napanood mo, madali mong makakalimutan in just a few years. Yung mapapaisip ka kung napanood mo na ba 'yun kapag narinig mo 'yung title or napag-usapan niyo ng mga kaibigan mong film buff.
Forgettable siya.
Hindi ako nagsisisi na tatlong beses akong naihi sa sinehan at dalawang beses halos nakaidlip.
VERDICT:
Dalawang banga at isang sorry sa beshie kong nagyaya sa aking panoorin ito gawa nang sobrang krass niya si Ansel Elgort. Sensya na, di ko talaga bet 'yung movie ng ultimate krass mo.
Wednesday, July 18, 2018
MAMMA MIA! HERE WE GO AGAIN
Mga Lolas and Thunder Titas, super havs ang part 2 ng MAMMA
MIA.
Para sa inyo talaga 'tong musical na 'to! Hinaluan lang ng
mga isinalpak na mga bata-batang artista to blend a youthful vibe para sa
millennials audience.
(SPOILER ALERT)
Hanggang pag-uwi, tawang-tawa pa rin kami ng friend ko sa mga eksena
ni CHER kung saan halatang lutung-luto sa Botox si Ninang bago sumabak sa shoot.
Mukha na siyang Goldfish habang nagbabato ng linya! Papasa siyang Ivy Violan
impersonator sa Kalokalike ng It's Showtime. Or younger version ni Madam
Auring. Wa kems.
Ang pasabog na arrival ni Ninang CHER na parang sementado
ang fezlak na mapupunit kapag na-stress at ang buhok na kumabog sa hairstyle ni
TIna Paner noong 80s ng mukhang BRATZ na si Tanya (played by Christine Baranski)
na hindi nabago after ilang dekada na ang nakalipas ang dalawa lang sa tatlong pasabog
ng movie.
Ang pangatlo?
Ang musical number ng DANCING QUEEN!!!
Panalo! Tumindig talaga ang balahibo ko nang kantahin na
'yun. Yung song na 'yun kasi ang pinaka-inabangan ko sa movie e. It's my ultimate
favorite Abba song!
Sa tatlong highlights pa lang na 'yan, masaya na ang pelikula.
Ay correction pala, sobrang saya na ng pelikula.
Slight bothered lang ako sa dalawang bagay:
Una, halos hindi na recognizable si Amanda Seyfried sa new
look niya. Nawala na ang bilugan niyang mukha at doll-eyes. Numipis ang mukha ng gagah at medyo lumiit din ang mga
mata. Nagmukha tuloy siyang haggard at tuyot na fucking doll. Mukhang pati siya
e nag-undergo ng Botox corrective procedure before sumalang sa shoot. Sayang, kasi
'yun ang signature looks niya e. Dun na siya minahal ng tao e.
Pangalawa, 'yung sa FERNANDO musical number ni CHER. Yung
bumababa siya ng hagdan mula sa roofdeck, nakakakaba. Para mong pinanonood ang
lola mong mag-isang bumababa ng hagdan. Yung parang ineestima mo kung kakayanin
pa ba ng paa niya. May takot kang baka tumupi ang tuhod ni Lola!
Other than those two, it's a fun movie. Very entertaining
siya. Mapapaindak ka at sasabayan mo talaga kapag alam mo ang kanta.
Kung Abba fan ka like me, huwag mo 'tong palalampasin! Uuwi
kang may bitbit na ngiti sa labi.
Nirerekomenda ko rin itong movie na 'to sa mga millennials
na pang-movie treat/bonding niyo with your Moms, Titas, mga beki Titos and most
specially, sa inyong mga Lolas.
Promise, mag-eenjoy sila.
VERDICT:
Apat na banga at isang injection sa face mula sa cosmetic
surgeon na nag-Botox sa mukha ni Cher.
Pasensiya na sa poster na in-attached ko ha. Yan lang kasi ang maayos na na-download kong available sa Google, gawa nang naka-data lang ako. Pero hindi ganyan kalungkot ang movie. Super saya niya!
Pasensiya na sa poster na in-attached ko ha. Yan lang kasi ang maayos na na-download kong available sa Google, gawa nang naka-data lang ako. Pero hindi ganyan kalungkot ang movie. Super saya niya!
Friday, July 13, 2018
THE BOY WHO COULD FLY
May napanood akong 80's drama film (hindi ko kasi madistinguished kung romantic fantasy ba siya o family/friendship movie, kaya drama na lang) na sobra kong nagustuhan. Nasurpresa ako ng 1986 American film na 'to. Not so popular film siya noong 1980s. Hindi siya kasing-well known ng Date With An Angel, NeverEnding Story, Mac & Me or ng Sixteen Candles. Narinig niyo na ba itong THE BOY WHO COULD FLY?
Kasi ako, lately ko lang siya nadiscover nang ipost siya ng isang member ng 80s Kids Group na pina-follow ko. E sa tulad kong laman ng Video Shops noong 80s to 90s, ngayon ko lang siya narinig. So it caught my interest and downloaded it ura-urada sa torrent.
Kuwento ito ng mag-iina na lumipat ng bagong bahay matapos mamatayan ng ama. Naging kapitbahay nila ang isang autistic teenage boy na naniniwalang siya diumano e nakakalilipad. Ano ang common denominator sa dalagang anak ng bagong lipat at ng autistic boy? Pareho silang namatayan ng magulang. Ang parents ni boy, sa plane crash. Si dalaga, dahil sa suicide.
Naging magkaibigan sila. At di nila namamalayan na nagkakatulungan sila maka-cope-up sa lungkot ng pagkamatay ng kani-kanilang mga magulang.
Paano kung magkadevelopan sila? Autistic na lalaki magugustuhan ba ng isang magandang babae?
And totoo ba ang ilusyon ni boy na nakakalipad siya?
Siyempre, 'yan ang tanong na sasagutin ng pelikula at hindi ng spoiler-free kong hanash.
Tulad ng nabanggit ko kanina, hindi ko mawari kung saan ko ika-categorize 'yung movie. Romantic fantasy ba, family or friendship movie? Nandun kasi ang lahat ng elements na 'yan sa pelikula. Matagumpay na nagblend. Walang sapawang naganap. Tamang-tamang timpla.
Siguro kaya din ito hindi gaanong pumatok noong 80s, ang dating sa audience e kinulang sa maraming aspeto 'yung movie. Hindi tumodo sa fantasy, hindi rin tumodo sa drama. Lalung-lalo pa at hindi rin tumodo sa romance. Timplado ba.
Yun kaya ang 'magic' ng pelikula. Yung pagiging simple nito. Payak na storyline, not-so-known actors (except for Bonnie Bedella, ang favorite leading lady ng mga hollywood action stars noong late 80s to early 90s) at hindi sumikat na theme song (ever heard of the song Walkin' On Air by Stephen Bishop? Malamang, never pa. First time ko rin 'yung narinig e).
Sa tulad kong hindi dumadaan ang isang araw na hindi nakakanood ng isang pelikula ('yung kating-kating makakita ng moving images sa screen), nakalma ang mind ko after watching this film. Kung naghahanap ka ng pelikulang hahatak sa'yo sa gravity at baka masyado ka nang nao-overwhelmed sa pinanonood mo sa ouetr sapce, watch this. Perfect film ito na pambarag sa pagkalunod mo sa blockbuster/disaster movies, indies, foreign or mindfuck films. Para kang nakalaklak ng anti-depressant pill at makakalma ang pagiging hyper mo sa pagiging movie addict kapag napanood mo 'to.
Naibalik niya ako sa pagkabata. Yung feels na first time kong nakanood ng fantasy, teenage romance, childhood movie or ng magandang family drama. Nostalgia. 80s na 80s feels! Simpleng story, pero na-appreciate ko siya nang bongga! Kung napaangat ang puwet mo nang makita mong lumipad si Superman o ang bisikleta lulan si ET noong 1980s, may ganun ding moment in time kang mapapala dito. Promise!
May 'magic' ang pelikula!
Malinaw pa sa tiles ng lababo ng CR niyong naitawid ang lesson ng movie sa ending: "Anything is possible if you really try."
Nakaka-uplift ng spirit, 'di ba?!
VERDICT:
Perfect na sana e kaso apat at kalahating banga lang kasi hindi pa rin naibabalik ng bakla sa Tulfo 'yung tam_d ng boylet.
Wednesday, June 13, 2018
OCEAN'S 8
Just got home from watching OCEAN'S 8.
Ayun, sa ending, namatay silang lahat, including Sandra Bullock. Huhuhu.
How's that for panimula?
Siyempre, joke lang 'yun. Spoiler-free 'tong hanash ko about the film.
Kuwento ito ng ex-con na bumuo ng all-female group para pagnakawan ang MET Gala Event sa New York.
Kung paano siya nag-recruit ng makakasama, pinlano, inorganisa at in-execute ang pagnanakaw kasama ng kanyang long-time beshie, 'yun ang buong pelikula.
Heist movie.
Female version ng Ocean's Eleven. Kung disappointing ang female version ng Ghostbusters, ito, hindi.
Entertaining siya. Hindi siya nakakaantok. Hindi ka rin maliligaw sa kuwento. Kahit na magpa-manecure ka sa sinehan habang nag-wa-watch nito, masusundan mo ang istorya. Kasi hindi masalimuot ang storyline. Walang buhol-buhol na subplots. O mga complex or multi-layered characters. O mga pa-easter egg emyas. Hindi ito gawa ni Christopher Nolan or Guillermo del Toro. Relax.
Nope, hindi ito pang-thinking audience. Hindi rin ito popcorn movie lang. Nasa borderline ito ng dalawa. Borderline?!? (Sabeh ni Madonna?)
Hayahay lang ang panonood.
Treat dito ang mapanood sa iisang eksena sina Sandra Bullock, Cate Blanchett, Anne Hathaway, Helena Bonham Carter at Rihanna. Ikatutuwa mo ang makita silang lima sa iisang frame. Dun pa lang e sulit na ang binayad mo. Pukpukan ng mga Oscar Best Actresses at isang Grammy winner!
Na hinaluan ng mga starlets. Da who sina Mindy Kaling, Sarah Paulson at si AWKWAFINA??? Parang namesung ng agogo dancer sa Sawali.
Matutuwa ang mga kababaihan sa movie sa kadahilanang feeling empowered sila sa characterization na hindi lang mga kalalakihan ang mahusay sa pagnanakaw kundi kaya rin ng mga bad-ass bitches like them., Ganun din ang sangkabaklaan, lalung-lalo na 'yung mga Rihanna Navy, mapapapalakpak ka sa isang eksena ng idolo mo dito! Pinatunayan niyang siya talaga ang reyna ng MET Gala Event! Magandang desisyon 'yung isinama siya sa casting. Pinalakpakan ng mane ko 'yun.
That's the only reason kaya ko ito pinanood. Because of Rihanna. Gusto ko siya at 'yung music niya.
Hindi ito para sa mga lalaki. Kasi matatabangan o malalabnawan sila sa pelikula. Wala man lang sumabog dito kahit isang gasulito. Hindi siya action-packed. Hindi siya mala-James Bond or Mission Impossible sa mga pasavog! Walang karahasan o kangkangang naganap. Pag sinama mo ang isang lalaki to watch this, para mo na rin siyang sinama sa panonood ng chick flick na mala-Sex & The City na may nakawang ganap. Ganyan.
Kung susumahin ko sa isang salita ang take ko sa heist movie na ito: Satisfying.
VERDICT: Tatlo't kalahating banga at ang 250 pesos kong binayad sa Grab Car pauwi kahit isang split lang naman ang layo ng sinehan sa place ko nang dahil sa punyetang ulan na 'yan.

Tuesday, June 12, 2018
MUTE WITNESS
Kani-kanina lang, napag-usapan namin ng kaibigan kong Movie Reviewer ang mga recent decent horror movies na napanood namin.
Bigla ko lang naalala 'tong 1995 Russian movie na 'to na napanood ko sa VHS noong high school pa ako.
MUTE WITNESS
Under-appreciated ito e.
I remember, while watching it, napapa-padyak at napapa-angat ang puwet ko sa upuan sa sobrang suspense.
Kuwento ito ng isang piping make-up artist na nakulong sa studio kung saan sinu-shoot ang horror movie nila sa Russia. Sa loob, naka-witness siya ng patayan. Kung paano siya naka-escape doon, 'yun ang buong pelikula.
Paano makakahingi ng saklolo ang isang pipi?
Ang bongga ng simpleng plot, 'di ba? Wait ka lang kung paano inexecute ng direktor ang mga eksena. Matatapyas ang panga mo sa kasisigaw sa sobrang suspense.
Di ko pa alam ang term noon na Hitchcockian. Pero para siyang patterned sa camera techniques ng mga pelikula ni Alfred Hitchcock. Humi-Hitchcockian! There, i said it.
Mukha siyang low-budgeted movie kasi bukod sa hindi kilala ang mga artista, chinecked ko sa IMDB now, hindi siya produced ng mainstream studios. At galing siya sa Russia.
Pero just the same, para siyang gawa ng de-kalibreng horror director at nagawaran ng big budget.
Kakapitan mo dito ang piping bida. Rereglahin ka sa pagtakas niya mula sa killer!
Polished ang directing, production design at par excellence ang cinematography. Lalung-lalo na ng editing.
Download it sa torrents or you can watch it sa Youtube (nakita ko, uploaded siya dun). Ewan ko nga lang kung may English subtitles siya kasi Russian/English-language ang movie.
Kaya if you're into slasher flicks, highly recommended ko ito for you.
Nasa Top 3 ko siya ng pelikulang nagpasigaw sa akin. Second sa PSYCHO, followed by BREAKDOWN starring Kurt Russel.
VERDICT: Limang banga para sa low-budget movie na mas maganda pa sa Huwag Mong Bubuhayin Ang Bangkay ng Seiko Films.

Monday, June 4, 2018
THE KISSING BOOTH
Itong THE KISSING BOOTH ay makapal ang mukhang nanghiram ng elements sa mga successful romantic teen movies like CLUELESS at MEAN GIRLS.
Pero hindi siya ganun kaganda. Nagpumilit siyang pumantay sa mga iyon pero hindi niya na-achieved.
Hindi mo siya nanaising ulitin tulad ng mga pelikulang nabanggit ko. Forgettable siya.
Kuwento ito ng magbestfriend na isang lalaki at babae na may mga rules na sinusunod sa kanilang friendship. At isa sa mga rules na 'yun e "Never Makikipagrelasyon Sa Kapamilya/Kadugo Ng Bawat Isa". Ngunit paano kung ma-inlove si Girl sa kapatid ni Boy Bestie at magkaroon ng relasyon dito? Paano niya ito ililihim sa bestfriend niya? Paano kung malaman din ito nito kalaunan?
"Friendship or lovelife?" Ang mas gasgas pa sa kawaling sunog na subplot ng mga romantic themed movies.
Ganun kababaw. Kingkingan. Parang episode ng Flames sa ABS-CBN noon or istorya sa Wattpad.
Walang bagahe.
Kung matanda ka na at napagdaanan mo na ang mga pelikulang CLUELESS, MEAN GIRLS, SOME KIND OF WONDERFUL at PRETTY IN PINK, wala kang mapupulot ditong bago. Wala itong pinresent na bago. Nandyan pa rin ang walang kasawa-sawang mean girls at Prom scene!
Pang-high school ito.
Nakakabata? Nope. Nakakatanga. Hindi na 'to para sa'yo. I'm sure upgraded ka na.
Havey na havey 'to sa mga kikay millennials or high school.
I'm sure, kikiligin sila ng bongga kahit na ang OA sa kababawan 'yung kuwento. Kaartehan ng isang high school girl na ang tanging hangad sa buhay e mahalikan o madevirginized. Na hinaluan ng konting subplot about friendship. Ganyan.
Kapikon, di ba? Ang sarap itakin 'yung dede ng lead actress at ilagay sa garapon. Tapos tatadtarin ko ng pinung-pino saka ko gagawing bopis.
Pero ma-appreciate 'to ng mga nasa high school at Wattpad fans. Or ng mga hindi pa rin nakaka-moved on kina Jolina at Marvin.
Tulad ko noon, super havey sa akin ang CASPER THE MOVIE. Yung naiihi ako sa kilig sa eksenang sinasayaw ni Casper si manoong Cristina Ricci. Paanong hindi? E high school lang ako noon nang panoorin ko 'yun sa sinehan. Virgin na virgin pa ako noon. Super babaw pero 'yun ang first time kong kiligin sa panonood ng pelikula. Kaya din hindi ko makalimutan si Devon Sawa.
Kung ano man ang pinaka-nagustuhan ko sa movie, ito ay ang leading man dito na maiko-consider kong "Hottest leading man ng teen movie of this generation". Pagkasarap-sarap. Parang si Tom Cruise noong Top Gun era. Ulam. Magwa-water-water ka sa kapogian!
Nabasa ko rin online na naging mag-on ang dalawang lead ng movie sa totoong buhay. Nagka-developan silang dalawa while doing the film.
As if may care ang tao sa lovelife ng dalawang starlet na ito.
VERDICT:
Dalawang banga at isang pasador sa kare-regla lang na dalagita na makaka-appreciate nito.
Sunday, June 3, 2018
SID AND AYA
Kahapon, pinanood namin ng mga kapwa ko starlets ang SID & AYA. Nirekomenda kasi ito sa akin ng co-writer ko sa Maynila. E, sa aming kasalukuyang tatlong writers ng Maynila, siya (sa tingin ko) ang pinakamagaling sa pagsusulat ng Rom-Com so mataas ang kumpiyansa kong kapag sinabi niyang maganda ang isang romantic movie, maganda talaga.
Nakumbinse tuloy akong effortan at dayuin sa sinehan.
Sinabay ko na lang sa araw ng “catching-up with my long lost friends” movement ko ‘yung movie. Paminsan-minsan ko ‘tong ginagawa at kahapon ang araw nun gawa ng isa sa mga long lost friends ko e nanggaling pa ng Ilocos Norte at nandito lang sa Manila for a short vacation. Plus kasama pa niya ang dalawa niyang chikiting na inaanak ko pang pareho.
Ito na… (Spoiler Alert)
Dalawang beses akong nakatulog sa sinehan.
Valid reason ba ang puyat? Kasi tatlong oras lang ang tulog ko nung gabi bago kahapon. Tapos medyo na-haggard pa ako sa pag-aasikaso ng mga guest (as if naman pag-aari namin ang venue kung saan ginanap ang mini-reunion with my friends).
Or talagang hindi lang ako na-hooked sa lead character dito na isang lalaking broker na feeling empty?
Ginigising na lang ako ng friend ko sa sinehan at may hanash na “Bakit ka natutulog, Joyce? Akala ko ba sabi ng katrabaho mo, maganda ito?”.
So pinilit kong gisingin ang diwa ko.
Until, ‘yun na nga, nakatulog ulit ako!
Nang magising ako, patapos na.
Here’s my take: Di ko siya gaanong bet.
Well, it’s a pretty decent romantic movie. Medyo slow-burn or passive lang ‘yung kuwento. Yung walang gaanong dramatic highlights, ‘yung hindi ka matutulig sa kaganapan. Yung tipong sumugod ka sa squatters area pero walang sumampal o humablot sa‘yo. Walang altercation. Ganun.
Di ko rin naman naramdaman ang magic. Walang fairy na nagwisik ng glitters sa ending!
Kasi sa LA LA LAND noon, naalala ko, nakatulog din ako sa loob ng sinehan. Pero punyeta naman ‘yung ending nun, halimaw. Bumawi sa ‘what if ganito ang nangyari’ montage. Gabalde ang iniyak ko dun sa sinehan. Hagulgol talaga.
Pero dito sa SID & AYA, kulang na lang sabihin kong na-bored ako.
Medyo hype ‘yung nagsasabing pasabog ‘yung ending kasi kung iku-compare ‘yun sa twist ng KITA KITA, walang-wala ‘yun. Napaka-simpleng lusis lang ‘yun. Isdang fountain na hindi sumabog.
At parang hindi naman nila nabigyan ng justice ‘yung tagline na “ Not A Love Story” kasi love story pa rin naman siya. Medyo sad nga lang. Mas akma sana ang tagline ditong “Not A Typical Love Story”.
After NOT ME LOVE YOU and SID & AYA, sa tingin ko, ito ang nagiging molda ng Viva Films: kakaibang love story na pa-deep.
At least, lumalayo sila sa putahe ng STAR CINEMA kasi, aminin natin, pinag-Reynahan na nila ‘yung ganitong formulaic romantic movies na kumo-Korean.
Ewan ko ba pero hindi ko talaga nagustuhan ‘yung kuwento. Pero ‘yung pagkakagawa, polished ang technical aspects (design, cinematography, direction).
Siguro kasi, di ko nakita si Anne Curtis sa AYA character na pino-portray niya. Mas si Bela Padilla ang bagay sa role. Yung feisty ang personality. Yung tipong sasama sa isang stranger na mayaman kahit di naman siya prostitute.
Baka magalit naman sa akin ang fans ni Anne Curtis na ka-FB ko. Ganito na lang, bagay din naman kay Anne ‘yung role pero hindi siya ang perfect cast para dito.
Kung nasanay ka’t nagustuhan ang panonood ng Star Cinema movies, slightly madi-disappoint ka dito.
Pero kung gusto mo ng pa-deep na romantic drama, mada-digest mo ito. Ayun ay kung may utak din ang puso mo.
Pinaka-nagustuhan ko dito ‘yung linya ni Dingdong sa bandang ending na “Kahit na hindi kayo nagkatuluyan ng isang tao, ang mahalaga e nakuha mo siya.” Or words to that effect. In English kasi kaya ‘di ko na maalala ‘yung exact words e.
Kung ‘yun ang mensahe ng movie, pasok na pasok sa mga beking may boylet. Hugot na hugot sa mga nabuking nilang eventually e naging karelasyon nila at eventually ulit, iniwanan sila’t pinagpalit sa babae.
Sad lang kasi di kami magkakasundo ng nagrekomenda nito na puring-puri sa pelikula.
Different strokes for different folks. ☹
VERDICT: Dalawa’t kalahating banga at isang nagseselos na Marian Rivera sa love scenes nila Dingdong at Anne.
Subscribe to:
Posts (Atom)