Tuesday, September 10, 2019

LOLA IGNA


Ang LOLA IGNA ay kasing charming ng MAGNIFICO na merong poignancy ng BWAKAW.

Cute 'yung juxtaposition ng matanda at binatilyo. Na kahit na magkaiba sila ng henerasyon, halos pareho lang sila ng struggle sa buhay: may gustong takasan. Si Lola Igna, gusto nang mamatay. At si Yves naman, gustong lumayo sa ina at bagong pamilya nito.

Pero dahil sa pagtatagpo nila, nagkaroon ng kahulugan ang mga buhay nila. Naresolve ng bonding ng maglola ang mga dilemmang kinakaharap nila.

It's a heartwarming tale about forgiveness and reconciliation.

Kapag di nanalo si Angie Ferro ditong Best Actress, ewan ko na lang. She played the title role immaculately. Wala na akong ibang makitang lola na gaganap pa sa role niya sa pelikula tulad ng pagganap niya dito.

Tingin ko, mag-uuwi ito ng maraming awards from international film festivals. Can't wait.

Kapag close ka sa lola mo, kailangan mo 'tong mapanood! Sobrang makakarelate ka.

It's an ode to your lola.

Para sa akin, it's Eduardo Roy Jr.'s best concept.

VERDICT:

Apat na banga at ang arinola ni Lola Igna na puwedeng iregalo kay Gretchen Diez nang makaihi na si bakla. 

Monday, September 9, 2019

FORENSIC FILES


Done with 40 episodes of FORENSIC FILES on Netflix.

Ito ang apat na bago kong natutunan  after binge-watching the program:

1. Na ang mga serial killers ay merong kinukuhang isang gamit ng mga binibiktima nila at ang tawag nila  dito ay "Trophy".

2. Na ang mga forensics e mayroong Rape Kit ng bawat rape cases, kung saan nakapaloob ang DNA profiles ng victim at suspect na puwede nilang balikan kapag naging cold case na ito.

3. Na halos lahat ng kasong pagpatay, ang may kagagawan  e mga mahal sa buhay o 'yung mga taong malapit sa biktima (kapamilya, kaibigan, kasamahan sa work, etc).

4. Na lahat halos ng mga kriminal (murderer, rapists, etc) e may history ng drug addiction or mental illness.

5. Na sa programang ito kinopya ng SOCO at IMBESTIGADOR ang mga format nila.

Taena, kakaadik siya!

Sana magkaroon na ng mga bagong episodes! Can't wait.

Friday, August 30, 2019

WEATHERING WITH YOU


Nagustuhan ko naman 'yung mga tagalized anime noong 90s like Princess Sara, A Dog Of Flanders at Remi Nobody's Girl. Pero hindi ako gaanong familiar sa Japanese movies, much more sa animated films nila.

Never pa akong nakanood ng AKIRA KUROSAWA films. Alam ko, favorite siya ng mga cinephiles. Pero di lang talaga ako nagkainteres na silipin ang works niya. Not my cup of tea siguro. Ayoko namang maging pretentious na sabihing napanood ko na 'yung mga movies niya, 'di ba?

Pero some of Takashi Miike's works, napasadahan ko't nagustuhan. I dig his works. Lalung-lalo na 'yung AUDITION. Pati ni Hideo Nakata ng RINGU. Pawang horror filmmakers kasi.

Sa totoo lang, ang mga pinanood ko lang na Japanese movies e mga J-Horror noong early 2000s (Ringu, The Grudge. etc).

At isang japanese film lang ang pinakanagustuhan ko talaga, ito 'yung NOBODY KNOWS. Tumambling ako dun with kasamang acrobatics sa ere sa sobrang ganda!

In recent years, as in wala pang limang taon ang nakakaraan, natagpuan ko naman ang SPIRITED AWAY. Favorite kasi ng kakilala kong writer 'yun kaya na-curious ako't dinownload ko sa torrents.  Hindi naman ako na-blown away sa ganda.

But it caught my interest. Sabi ko, may ibubuga pala ang Japan sa paggawa ng animated films. In terms of narrative at visual storytelling, unique sila. Malamig sa mata. Dama mo 'yung lugar e. May magic.

Next to that, na-encountered ko ang THE GRAVE OF THE FIREFLIES. Niyeta, sumikip ang dibdib ko sa pelikulang 'yan. Nadurog ang puso ko sa sinapit ng magkakapatid sa panahon ng giyera. Torture 'yung movie na 'yan sa mga mabababaw ang luha. Paiiyakin ka talaga ng swarovski.

Pangatlong Japanese animated movie na napanood ko, WOLF CHILDREN . Split din ako sa pelikulang 'yun sa ganda. Tungkol sa single mom na merong dalawang anak na nagiging wolf. Simple, pero may kagat rin sa puso.

Guess kung ano ang pang-apat?

Itong WEATHERING WITH YOU na.

Wala talaga akong balak panoorin 'to kanina sa Robinsons Forum. Nasira kasi ang knob ng bagong aircon ko (Oo, ke bago-bago, nasira! Wag kayong bibili ng EUREKA aircon! Mahinang klase gawa nang siya ang pinakamura).

Pumunta ako ng Forum to buy a replacement knob sa ACE Hardware dun sana. Alam ko, bukas ng tanghali, sa sobrang init, hihiwalay na naman ang betlog ko sa katawan. Ayoko nang maulit 'yun. Nangyari sa akin 'yun noong nakaraang summer e.

E kaso, hindi available sa ACE. So sabi ko, instead na umuwi akong walang ganap at masayang lang ang punta ko dun, manonood na lang ako ng sine.

Kaya ito ngang Japanese animated film na 'to ang pinanood ko.

(SPOILER ALERT)

Kuwento ito ng isang binatilyo na istokwa (stowaway) sa mga magulang na napadpad ng Tokyo. Namulubi dun, walang makain at matirhan. Until nakahanap siya ng trabaho, bilang assistant sa maliit na publishing company. Stay-in siya at libre meals.

Ang una niyang assignment e tungkol sa mga Urban Legends na nakapaloob sa hindi matapos-tapos na maulang weather sa Tokyo. Unlimited  rainy season ang peg.

At nagresearch siya tungkol sa isang babaeng may kakayahang magpaaraw sa gitna ng ulan. Tinagurian nila itong si 'Sunshine Girl".  Mutant? Hindi, gifted lang.

Along the way, mae-encounter niya si Sunshine Girl sa isang unexpected turn. Kinuha niya itong partner sa online business niyang itatayo, ang serbisyo nila ay ang magpaaraw ng isang lugar sa gitna ng ulan sa pamamagitan ng power ni Sunshine Girl. Mga customer nila, mostly mga event organizers.

Maganda ang takbo ng negosyo. Malaki ang kita.

Kaso, na-inlove si binatilyo kay girl.

Ito ang twist: Para palang sumpa ang gift ni Sunshine Girl. Sa kada paaraw niya, unti-unti siyang mawawala na parang bula. Sacrifice ng sarili niya para sa kasiyahan ng iba? Parang ganun na nga.

Paano na ang love story ni binatilyo? Kakayanin kaya niya itong ipaglaban kahit na lamunin na si Sunshine Girl ng mga ulap sa kalangitan?

Yan ang tatakbuhin ng pelikula.

Romantic fantasy!

Naalala ko 'yung 90s movie na nagustuhan ko noon dito, 'yung POWDER at WHAT DREAMS MAY COME. May elements siya nun. Meron siyang katiting na magic realism.

Maganda rin ang concept, 'di ba? Panahon yata ngayon ng mga weird concepts like RADIUS, LOVE ALARM at ANG BABAENG ALLERGIC SA WI-FI.

Nakakakilig? Check.

Cute? Check.

Kakaibang concept? Check na check. Very original siya. Walang katulad.

WEATHERING WITH YOU is a beautiful Japanese animated film. Napangiti ako ng pelikulang ito.

Worth a check.

VERDICT:

Apat na banga.

Monday, August 5, 2019

FUCCBOIS


Just came from FUCCBOIS Gala Night.

Here's my take on Direk Eduardo Roy Jr. Cinemalaya entry this year:

Iiwasan kong maging biased dahil friendship ko si Direk Edong at isa ako sa nag-extra sa pelikula.

Oo, apat na beses nag-flash at lumabas sa fillers ng eksena ang mukha ko. Mapapansin 'yan ng mga friends at kakilala kong makakanood nito.

Truth is, i had the privilege of reading the earlier draft of FUCCBOIS. Pinabasa sa akin ni Edong. Kaya alam ko ang mga nabago at nadagdag na eksena sa shooting script.

Napakasimple lang ng script. Wala itong dramatic highlights aside sa ending part. Paano naman kasi, isang araw lang nangyari ang kuwento. Di na kinailangan ng mga inciting incidents o ng significant subplots. Sa loob lamang ng 50 or more sequences, tapos na ang script.

Pero may deeper implications ang kuwento.

Substantial ang script.

It's about social media fame. Dreams. Corruption. Politics. Sex. Murder.

Knowing Edong naman, hindi 'yan gagawa ng pelikula na wala kang mapupulot. Hindi moral lessons, gagah. Insights.

At dahil sa ganda ng direction ni Edong, napaganda na naman niya ang isang simpleng kuwento.

Nasalsal niya ang bawat detalye sa script. Nag-bleed sa cinematic merit ang pelikula.

At nanganak na naman siya ng dalawang baguhan na mukhang kikilalaning aktor sa industriya sa ipinamalas na galing sa pag-arte. (Remember Mimi Juareza of Quick Change at Hiyasmine Kilip of Pamilya Ordinaryo)

Ayan ang magic niya. Tatak Edong 'yan.

Turning a simple script into a powerful movie.

Pero hindi ito para sa mga conservative moviegoers. You're in for a shock sa crime scene! Intense 'yun. Shocking asia siya!

Para sa akin, hindi ito ang best film ni Edong. Hawak pa rin ng Pamilya Ordinaryo 'yun.

Pero ito ang pinakamatapang niyang pelikula in terms of nudity and material, so far.

Nakakawindang ang chupchapan ni Yayo Aguila sa lead actor na si Royce Cabrera at ang pagsubo ni Ricky Davao sa hinlalaki sa paa ng bida sa sex scene. Nalukret ako dun.

Malamang kung may madre lang na manonood, tiyak akong mapapaihi sa loob ng sinehan.

Binigyan ng pelikula ng unsettling feel ang tanong na "Who's your mommy?".

WATCH.

VERDICT:

Apat na banga para sa apat na kuha ko sa pag-eextra sa pelikula.

#Fuccbois #Cinemalaya2019

Ito ang schedule of screenings:




Thursday, August 1, 2019

HELLO, LOVE, GOODBYE


Sa tatlong pelikula ni Kathryn Bernardo na napanood ko, dito ko lang siya nagustuhan sa HELLO, LOVE, GOODBYE.

Gumradweyt na rin siya sa wakas sa pabebe roles. Naunahan nga lang siya ni Nadine Lustre sa NEVER NOT LOVE YOU.

Up one level siya sa movie na 'to.

Puwede nang ibigay sa kanya ang TAGOS NG DUGO remake. Chos.

Kidding aside, nagustuhan ko ang pelikula. Totoo ang bulung-bulungan at mga hanash ng mga baklang hopeless romantic na nakanood sa first day of showing kahapon. Maganda siya!

Here's my take sa movie:

Tungkol ito sa isang DH sa Hongkong na naghihintay na lang ng visa niya papuntang Canada  nang makilala ang lalaking may unresolved issues sa pamilya at sa ex-girlfriend nito.

Nagkamabutihan at nagka-inlaban ang dalawa.

Ngayon ito ang tanong, tutuloy pa ba si girl na pumunta ng Canada if ever na dumating na ang kanyang visa?

Tanong ulit, pakakawalan pa ba siya ni boy?

Isang babaeng may pangarap. Isang lalaking may unresolved issue sa past. Mga pamilyang pasakit sa bangs ng mga bida. Mga nakapalibot nilang mga kaibigang ogag boys at bubbly chaka girls. Mga pang-comic relief na pampakapal ng kuwento. Typical Star Cinema romantic movie.

But the two lead characters, just like Popoy and Basha of ONE MORE CHANCE...  lovable. Mararamdaman mo sila. Kakapitan mo sila sa pinagdaraanan nila. Gustuhin ng masa 'yung ganung mga characters e. Yung merong mga aspirations sa buhay na kasing equal ng mga problema nila.

Yun ang magic ng script, 'yung two lead characters.

Ibang-iba sa mga millennial characters ng romantic movies nowadays na kapag na-meet na ang inaakala nilang soulmate nila, finish na. Dapat maiaksal na ora-orada. Si Girl, parang nakakita ng susi na magbubukas ng nakakadena niyang keps. At si Boy, kulang na lang e ipa-tattoo sa mga mata niya ang pangalan ni Girl para patunayang mahal na mahal niya ito.

Nag-iisip ang mga characters nina Kathryn at Alden dito. Kahit natagpuan na nila ang isa't isa't nagkainlaban, hindi pa rin sila nagpaulol sa pag-ibig at sinunod pa rin nila ang mga priorities nila, aside from pamilya nila, ang mga sarili nilang pangarap.

Nagustuhan ko 'yun. Yung nag-iisip. Hindi 'yung parang mga timawang merong mottong "Love is all that matters" kineso.

Para akong nagbabasa ng romance novels nina Gilda Olvidado at Helen Meriz noong araw. Yung sinusubaybayan ko talaga ang pupuntahan ng kuwento sa sobrang ganda ng linyahan nila. No, hindi hugot. Para silang nagbabasa ng tula. Mga dialogue na ninanamnam, galing sa puso.

While watching this, maaalala mo ang mga past relationships mo kasi 'yung mga sitwasyon at eksena nila, sigurado akong napagdaan mo rin. Sobrang relatable ang story kahit kanino na nagmahal at nasaktan. Yun ang kaibahan niya sa ibang romantic dramas in recent years. Organic ang pagkakalahad ng kuwento. Though tahing-tahi ang mga scenarios, hindi pilit. Hindi pretentious. Para ka lang nagmamasid sa kaibigan mong magjowa habang nag-a-unfold sa harapan mo ang love story nila.   

Ganyang feels.

Kung ano man ang pinaka-favorite kong eksena dito (SPOILER ALERT), ito ay ang usapan nila sa tuktok ng burol bago mag-ending. Yung habang pinagmamasdan nila ang mga building at kalawakan, sasabihin ni Kathryn ang "Ang lawak ng mundo. Natatakot ako."

Sagot ni Alden: "Kaya mo 'yan."

Yun ang tunay na pag-ibig. Hindi sakim. Encouragement sa life's decision ng partner mo to grow. That is pure love.

Ang ONE MORE CHANCE pa rin ang may hawak ng pinakamagandang Romantic Drama na pinroduced ng Star Cinema.

At ang pinakafavorite ko pa ring romantic film in recent years e ang KITA KITA.

Pangalawa ang EXES BAGGAGE.

Pero itong HELLO, LOVE, GOODBYE... Lumaban!

Better than NEVER NOT LOVE YOU at SID AND AYA pa nga. Though medyo pareho sila ng tone. Yung pang adult relationship kind of love story at mag-iiwan ng hapdi sa puso mong nasugatan.

Deserve nitong magkaroon ng part 2. Interesado pa rin akong malaman ang next chapter ng love story nila. May room pa para dun.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga kasama ng mga audience na humihikbi at ayaw pa ring magsitayuan sa sinehan nang mag-roll na ang credits ng pelikula. Hinihintay pa yatang magjakol ni Alden sa post-credits scene.
     

Monday, July 29, 2019

FUCCBOIS (Cinemalaya 2019) Screening Schedule


Mga tol!!! Malapit niyo na kami makilala!

Check out our schedules and venues!

Cinemalaya Independent Film Festival Schedule:
• CCP: bit.ly/Cinemalaya2019CCP
• Ayala & Vista: bit.ly/Cinemalaya2019AyalaVista

Tickets available at:
• CCP Box Office (open Tuesdays to Fridays, 9 AM to 6 PM)
• CCP Website (culturalcenter.gov.ph)
• CCP App (available on Google Play and App Store)
• TicketWorld Outlets & Website
• Ticket2Me Website & App

For inquiries, please call the CCP Box Office at (832) 3704.

#FUCCBOIS
#Cinemalaya2019

Friday, July 12, 2019

MOMOL NIGHTS


After kong mapanood ang malungkot na episode ng POSE kagabi, kung saan namatay ang isang character ng series, alam ko kailangan ko ng romcom movie para pambarag sa gloomy night.

Sinilip ko ang nasa watchlist ko sa Notepad ng cellphone.

Next in line na 'tong MOMOL NIGHTS Directed by Benedict Mique.

Here's my take sa pelikula...

Yung treatment niya e parang Hollywood  Romcom movies noong early 2000s, kung saan nakabase ang ang pag-usad ng kuwento sa enumerated topics ng subject, which is the art of Momol-ing. Kamolda ito ng HOW TO LOSE A GUY IN 10 DAYS ni Kate Hudson at katimpla ng romantic movies ni Drew Barrymoore noon.

Yung ibang mga punchlines sa dialogue, familiar at nababasa na natin sa mga memes at viral hugot posts sa social media. Though, may mga nakalusot na ganun, mas maraming bagong linyahan.

Tingin ko, overused lang 'yung gamit ng millennial terms sa dialogue na parang sinisigaw ng pelikula ang katagang "millennial movie ito, huwag tanga!". Nakaka-slight irrirating lang. Kasi, hindi naman kailangan na merong millennial terms kada convo with tropa o someone e para masabing millennials ang mga character. Lahat ba ng baklang characters, dapat marunong ng gay lingo? At saka 'yang millennial terms na 'yan, talamak lang ang gamit dyan online at hindi sa usapan ng mga bagets sa totoong buhay. Yung isang gamit lang ng word na "triggered" alam na ng audience na millennials ang mga bida. Kaya even without those millennial terms, tatawid namang maganda pa rin 'tong romcom movie na 'to e.

Yung malanding character ng lead na babae (Kim Molina, 'yung bitchesang assistant ni Daniela Mondragon sa Kadenang Ginto) na sume-semi bakla sa kapokpokan, aliw ako. havs na havs sa akin.

May katotohanan 'yung ganung character ng mga babae sa panahon ngayon e. Authentic siya. Based siya sa reyalidad. Mas agressive na talaga ang mga babae ngayon. Yung tipong gagawa sila ng paraan para matikman lang ang lalaking gusto nila to the point na halos ligawan or vetsin-in na nila ito.

Desperada? Nope. Cheap? Nope.

Mas liberated lang.

At gusto ko 'yung ganung mga klaseng babae. Yung hindi maaarte at nagpapaka-virgin.

Kaya likable para sa akin 'yung character ng lead actress dito. Charming 'yung persoanality niya.

And she's really funny! Tawang-tawa ako sa kanya sa isang eksena kung paano niya itinaboy ang isang babaeng nagpi-flirt sa leading man niya sa art gallery scene. Galawang baks 'yun e. Panalo 'yun! That's hilarious!

Hindi lang 'yan, ang treat ng pelikula para sa mga pechay at baks, tsaran.... si KIT THOMPSON! Ang sheref sheref ni kuya. Mapapahawak ka sa vibrator mo na nakatago sa ilalim ng kutson sa mga sex scenes nila!

Kung gusto mong magbalik-tanaw sa  una mong sex encounter or sa naka-one night stand mong perfect guy na konting push na lang sana e kamuntikan mo nang maging forever, watch this. Ito 'yung fairy tale na 'yun. Mapapa-reminisce ka sa moments na 'yun. Mapapa-#RelateMuch.

Kilig overload! Baklang-bakla ang pelikula. Ang kikay-kikay!

Though, maikli lang 'yung running time ng movie e. Parang kasinghaba lang siya ng anniversary special ng WAGAS. One and a half hour? Parang ganun. Basta, hindi siya lalagpas ng 2 hours. Kaya medyo nabitin ako. Pinang-fingger ko na lang 'yung sumunod na kalahating oras.

Over-all, ang masasabi ko lang sa pelikula, para siyang 'yung character ng lead actress... Cute and funny.

It's very entertaining. Watch mo ito sa I Want TV. Streaming siya! Libre lang 'yun.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang lead actress na naglalaro kina Jodi Sta. Maria at Cynthia Patag ang fez at charm.