Monday, November 19, 2018

SEARCHING

Katatapos ko lang makanood ng very satisfying na mystery/thriller.

Itong SEARCHING.                      

Nang makita ko ang trailer nito noon, very promising na. Tapos, nung pinalabas 'to dito sa Pinas early part of this year, may isa akong friend na nagrekomenda sa aking panoorin ko daw at maganda nga daw. E, minsan kasi sumasablay din sa pagrerekomenda ng pelikula 'yung friend kong 'yun. Saka, ewan ko ba, busy din siguro ako that time kaya hindi ko ito pinag-effortan.

Until, makita ko nga sa Rotten Tomatoes na 93% ang tomatometer ratings niya. Kaya ako nagkainteres at dinownload ko sa torrents kamakailan lang.

Pambarag ko sa GLORIOUS kaya ko pinanood kani-kanina lang

Ito 'yung mga pelikulang iiwasan mong maihi sa sinehan para wala kang ma-missed out na detalye sa kuwento. Yung pelikulang magpapataas ng balahibo mo sa pa-Big Reveal. At yung klase ng pelikulang lalabasan mo sa sinehan nang nakangiti kasi satisfying 'yung ending. Sulit ka sa pinanood mo.

Kasi matapos ka nitong kurtahin at pakabahin sa umpisa hanggang gitna, hahandugan ka ng resolution na nakakaluwag ng dibdib. Nag-e-escalate 'yung tension e hanggang matapos. Tapos, flang! Isang rewarding na closing.

Ewan ko ba kung bakit di ito gumawa ng ingay sa social media nang mag-showing ito this year sa atin. Ganitong mga pelikula 'yung deserve na ma-hype e at pag-usapan.

Simple lang ang kuwento:                                             

Isang Asian American na Tatay ang nawawalan ng dalagitang anak  sa US kaya pinakialaman ang naiwang laptop nito para makakuha ng ebidensiya sa ikalulutas ng pagkawala ng anak. Sasamahan mo ang journey niya.

Mystery/Thriller? Check. Detective story? Check. Abduction? Check. Whodunit? Check. Father-Daughter movie? Check na check.

Lahat 'yan natutukan ng pelikula.

At ang pelikula ay pinresent sa screen recording ng laptop. Halos lahat. Screencast movie siya.

Yung pinakahuling pinanood kong ganito e 'yung UNFRIENDED noong 2015 sa sinehan. Puring-puri 'yung ka-FB kong director sa pelikula. Bago daw kasi 'yung filmmaking technique. Kaya sinama ko pa 'yung mommy kong nagbabakasyon sa Pilipinas noon sa sinehan. Ang ending,  very disappointed kami pareho. Ang simple-simple lang naman ng kuwento pero naguluhan kami. Bago pa lang kasi siguro sa akin 'yung ganung format ng pelikula. Ewan ko ba, pero nung pinauso ng BLAIRWITCH PROJECT ang Found Footage movie, nasakyan ko naman kaagad.

Kaya hindi rin ako naging fan ng mangilan-ngilang screencast movies e.

Pero itong SEARCHING, panalo!

Madali mo lang maiintindihan. Malinaw ang pagkakalahad. Parang kaharap mo lang ang laptop at nagmo-monitor ka lang ng mga ganap sa screen. Ganun siya ka-engaging.

Sa mga kaibigan mong MEMA, ito 'yung mga pelikulang ibibida nila sa'yo at pagkatapos mong mapanood,  pagkukwentuhan niyo ng tropa at sasabihan niya sa'yong "Sabi ko na e, siya 'yung may pakana. Sa umpisa pa lang, kinutuban na ako e." Yung kasama niyo si Jollibee sa kuwentuhan sa pagmamabida. Ganito 'yung pelikulang 'to.

Ako, aral ako sa whodunit na mga kuwento e. High school pa lang ako, naubos ko na ang Hardy Boys at  Nancy Drew mysteries. Pati Perry Mason mysteries ni Erle Stanley Gardner, natapos ko. Nung tumanda-tanda na ako, siyempre upgraded na. Nag-Jonathan Kellerman ako. Kaya kapag may hint ako kung sino ang may gawa ng krimen sa pelikula or sa nobela, tapos sa ending, tumama ang kutob ko, hindi ako natutuwa. Tulad ng GONE GIRL at THE GIRL IN THE TRAIN. Disappointed ako sa mga 'yun. Hindi ko inikutan ng upuan 'yun.

Kaya sa whodunit movies, kung minsan, nalalaman ko na kung sino ang salarin pero hindi ko alam kung ano ang kanyang motibo, nagugustuhan ko siya. Kapag clueless ako sa kung sino ang killer at kung ano ang motibo niya, pinapalakpakan ko ang writer. Kasi naligaw niya ako. Meaning, na-entertained niya ako sa paandar niyang liko sa kuwento kaya di ko namalayan na siya ang may gawa ng krimen.

Ang nasatisfied lang akong mystery/whodunit movie in recent years, e PRISONERS ni Dennis Villeneuve. Or mas earlier than that (2000s), pumantay 'yung IDENTITY ni  James Mangold, 'yung Korean film na MEMORIES OF MURDER at 'yung under-appreciated na pelikula ni Sylvester Stallone noon, D-TOX (EYE SEE YOU).

Tinumblingan ko 'yang mga 'yan.

Tapos ito na ngang SEARCHING 'yung pinaka-latest.

Winner siya!

Para sa mga naghahanap ng magandang late-night movie viewing, panoorin niyo ito at siguradong mag-eenjoy kayo.

Para sa mga Tatay na merong anak na dalagita diyan, watch this, ito ang bangungot niyo na dapat niyong matutukan para magkaroon kayo ng sense of parental control sa mga anak niyong menor-de-edad na very active sa social media.

At para sa mga whodunit at mystery/thriller fans, highly-recommended ko 'to sa inyo.

VERDICT:

Apat at kalahating banga sa pelikula at para sa TV actress na si Debra Messing na nagbalik-pelikula pero hindi gumawa ng ingay ang comeback.   

Friday, November 16, 2018

MANIFEST


Pinaka-recent TV series na nagpaiyak sa akin e ang POSE.

Prior to that, 'yung FEUD.

Bago ang FEUD, ang THE WALKING DEAD ('yung episode na namatay si Glenn Rhee).

Pero humagulgol ako sa LOST. Gabalde ang luha ko dun nang mag-final episode na 'yun.

Bakit may ganun akong pag-iinaso?             

Simple lang ang sagot: napamahal ako sa mga characters.

Kaya nga huminto na ako sa panonood ng THE WALKING DEAD after ng Season 6 e. Kasi 'yung mga writers at creative people behind the series e mga walang puso. Pumapatay na lang sila nang walang habas ng character(s) sa kuwento kada season. Naging bisyo na nila 'yun alang-alang sa ratings. Wala silang pagpapahalaga sa mga damdamin ng audience. Naging torture porn series na 'yung show.

Kaya kung may kutob ako na walang pagpapahalaga 'yung writers ng isang series sa audience at mas mahal nila ang ratings, dina-drop ko kaagad 'yung panonood. Lalo pa, kung nararamdaman kong pinakakapal na lang nila 'yung kuwento para ma-stretched pa 'yung show upang mas pagkakitaan pa kahit na puwede namang tapusin sa iisang season ito. Like 13 REASONS WHY at LOST IN SPACE, na pareho kong binitawan.

Buti na lang dito sa MANIFEST, wala akong ganung vibes na naramdaman.

Nakakaisang episode pa lang ako. Ito 'yung pilot episode, anufangavah?

At na-hooked na kaagad ako.

Ito ang concept:

Noong 2013, isang eroplano from Jamaica patungong America, lulan ang mahigit isandaang pasahero ang nakaranas ng matinding turbulence pero naka-land pa rin nang matiwasay sa kanilang destinasyon. Paglapag nila, nalaman nilang year 2018 na. Lagpas limang taon na ang nagdaan at hindi man lamang sila nagsitandaan.

Kung ano ang misteryong bumabalot sa flight nilang 'yun ang aalamin natin sa pagsunod sa mga characters (mga pasahero ng eroplano) sa mga susunod na episodes ng series.

Ito pa, lahat sila ay nakakarinig na ng boses para makapang-save ng ibang tao. Superpower?!

Supernatural/Mystery. Very interesting, 'di ba? My cup of tea.   

Ilang characters pa lang ang natututukan pero hitik na hitik na ito sa human drama.

Pilot pa lang, glued na ako.

Mukhang may iiyakan na naman akong series nito.

Friday, November 2, 2018

BOHEMIAN RHAPSODY


Nung bata ako, nagkaroon ng anniversary party ng prayer meeting dito sa tapat ng compound namin. Natural, aside from allelujiah/amen na ganapan, merong programa. At isang part ng programa, mini-play.



E gawa nang naghihintay ako ng distribution ng handa sa dulo ng event, no choice ako kung hindi tapusin ang programa at panoorin ang play.



Yung play e tungkol sa prodigal son. Tapos, may part dun kung saan nagmamakaawa 'yung Nanay niya (played by my auntie) sa anak para magbago at magbalik-loob na sa Panginoon.



Then pinlay sa sound system 'yung Bohemian Rhapsody.



Nabuhayan ako ng dugo. Nag-escalate ang lahat ng dapat mag-escalate sa katawan ko, including balahibo sa tumbong! Booster 'yung kanta!



Dun ko unang narinig 'yung Queen at na-appreciate ang music nila.



Tumatak sa akin 'yung memory na 'yun. Not because of the play, but because of the song.



Since then, pumasok na sa radar ko si Freddy Mercury at Queen. Na-rediscover ko siya sa cassette tape collections ng Uncle kong galing Saudi at hinihiram ko 'yung album niya ng QUEEN from time to time kapag hinahanap ng tenga ko ang bismillah.



Until, mag-high school ako at nakabili na ng CD ng Greatest Hits nila. Rape na ng play button sa player ang kasunod for years.



So, you see... familiar ako sa music ng Queen. Favorite rock band ko ito aside from Aerosmith. Come on, sino bang hindi nakakakailala sa kanila? May tao bang hindi nakaka-appreciate ng music nila aside from millennials?



Kaya na-excite ako nang malaman ko few months ago na may biopic about them. Hinintay ko ang release sate nito.



Kahapon, sinadya ko talagang panoorin ito sa sinehan sa gitna ng pagsusulat ng script.



Bakit?



Gusto ko kasing malaman kung totoo ang rumors na bakla at kung namatay nga ba sa AIDS si Freddy Mercury. 



Kung 'yun ba ang ending? Kasi alam ko naman ang tatakbuhin ng kuwento: origin ng banda, rise to fame, struggles, lovelife ng mga members, disbandment nila at 'yun nga... kamatayan ni Freddy.



(Drum rolls... Spoiler Alert)                                       



Lahat 'yan, nakita ko sa pelikula. Sobra akong satisfied kaya sa ending halos tumulo ang luha sa mga mata ko sa saya. Para akong nanood ng concert nila sa big screen.



Binuhay ni Rami Malek si Freddy!



Opening sequence pa lang, kinilabutan na ako. Yung eksenang papunta sa stage si Freddy para harapin ang libu-libong audience. Taena, likod pa lang, Freddy Mercury na. What more, kung humarap na at nagde=deliver na ng lines?



Sa isip-isip ko, tinapos na ni Rami ang race for best actor ng Oscars. Mukhang lulupain nito si Bradley Cooper sa A Star Is Born, na siyang niru-root ko for best actor sa next Oscars.



Until halfway through, hindi ko pa rin maramdaman 'yung character ni Freddy. Hindi ako maantig-antig sa pinaggagawa niya sa istorya. Hindi ako maka-relate.



Naghihintay ako ng moment niya na pang video clips kapag in-announce na 'yung name niya as nominees sa mismong awards night.



Wala.

Until 'yun nga, na-diagnosed siya ng duktor at sinupalpal sa kanya ang balitang may Aida siya. Dun ko lang siya naramdaman. Dun lang niya nakuha ang simpatya ko.



Mas naramdaman ko si Bradley Cooper sa A Star Is Born. Mas naramdaman ko ang struggle niya: Isang wasted na country singer na natagpuan ang love of his life, eventually nakaramdam siya na nauungusan na siya nito sa kasikatan at naging threat pa sa singing career nito kaya para hindi maging hadlang dito, nagpakamatay. Nagpaubaya siya para sa babaeng minamahal.



Mas iniyakan ko ang inenr struggle niya. Mas kinapitan ko 'yun.



Sabi nga ng Bee Gees... Emotions!



Yun ang wala at hindi ko naramdaman kay Rami Malek sa pelikula.



Bakit?



Kasi inintroduce siya sa kuwento bilang matapang na tao. Sinusuway ang mga magulang, pala-gimik at buo ang loob. Di ba, siya mismo ang nag-offer ng sarili sa banda na maging lead vocalist? So malakas ang loob niya. Until, sa kalagitnaan, pasaway sa producer. Mapagmataas. May attitude. Tapos, makasarili pa nang magdesisyong humiwalay sa banda. Sino ba naman ang matutuwa sa ganung character?



Si Bradley cooper, nagmahal ngunit hindi nga lang naging mabuti sa kanya ang mga consequences. Pero itong bratinellang si Freddy, gusto lang maging band vocalist tapos ang ending nagkasakit dahil sa kapokpokan?



Oo, may remorse siya pero hindi nabigyan ng emphasis 'yun. Single scene lang pinakita 'yun sa opisina ng bago nilang manager. At ang easy lang ng device, dinaan lang sa conversation with the band members. Tapos, nagkaayos na. Sigalot lang ng magkakaaway na bata sa kalsada ang peg?



Tsaka aminin mo, hindi gaanong natutukan ang love story nila ni Mary. Mas nag-focus sa kuwento ng banda, 'di ba? Well, biopic nga ng Queen at subplot lang ang love story ni Freddy. Pero dapat tumatak at nag-iwan ng marka. Mas gumawa pa ng eksena 'yung assistant niyang si Paul o ang ka-fling niyang si Jim e.



Kasi, 'yung break-up kay Mary ang dahilan kung bakit niya napabayaan ang sarili 'di ba?



Tapos ito pa, hindi ko pa naramdaman ang deterioration process ni Freddy. May AIDS na daw siya, not HIV ha, dapat papuntang levels na 'yan ni Ed Harris sa THE HOURS.



Nung umubo siya nang may dugo, hindi rin ako naalarma. May TB lang ba? Dahil sa stress sa tour at album preparation?



Yung conflict niya with his family, di ko rin naramdaman. Kaya balewala sa akin 'yung sana e powerful scene na nanood sa TV 'yung buong family ng concert niya sa ending. Yung eksenang 'yun pa naman ang isa sa pinakaimportante sa lahat e. Kasi in-embrace na ng tatay niya ang idea ng kasikatan ng anak at tinanggap na niya na may magandang naidulot ang pagiging pasaway nito.



Ang natutukan ng pelikula e 'yung authenticity ng pagiging Freddy Mercury. Yung galaw, pananalita, etc.



Pero wala itong emotions. Wala itong compassion na meron ang Forrest Gump at A Star Is Born.



Kung pulubi lang si Rami, hindi ko siya kakaawaan.



So, i'm still rooting for Bradley Cooper sa Oscars.



Pero palagay ko, ibibigay nila 'yan kay Rami e. Pinag-drag siya, pinakanta, binigyan ng choreography (halos sumirku-sirko na), pinahalik sa kapwa-lalaki.  Nagperform siya at nabigyan niya ng hustisya ang pagiging Freddy Mercury.



For me, it's a close fight between Bradley and Rami.



Sa lahat ng fans ng QUEEN, hindi niyo 'to dapat palampasin. Magsisisi kayo kung sa DVD niyo lang 'to pinanood. Movie viewing treat siya. Malalaman niyo ang origin ng halos lahat ng mga sikat nilang kanta. Kung may time nga lang ako, sana sa IMAX ko na lang pinanood 'to e.



Isa sa pinakasatisfying na biopic na napanood ko. Hindi ako umihi kahit isang beses at baka may ma-miss akong detalye.



VERDICT:                               



Apat na banga at ang buong pamilya ni Freddy Mercury naging props lang sa pelikula. 

Thursday, October 18, 2018

MAMU AND A MOTHER TOO


Nakaisa na ako sa Cinema One Originals 2018.



MAMU AND A MOTHER TOO.



Tungkol ito sa isang transexual prostitute na may short-term goal na magpalagay ng boobs para mas bumenta sa pagpuputa at may maipangbuhay sa karelasyon niyang boylet. Namatay ang kanyang kapatid at napunta sa kanya ang pangangalaga ng pamangking beki na nagdadalaga na. Kung paano siya nagpaka-clean "nanay" dito ang core ng pelikula.



Sa simula hanggang gitna, hirap akong kapitan ang karakter ni Mamu, 'yung baklang prostitute. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinaglalaban niya, kung ano ang kuwento (o kuwento ba niya ito o ng anak-anakan niyang beki at tungkol saan ang istorya?



Oo, sa first 10 sequences, lumabas ang main objective ng bida:  ang magpalagay ng suso.



Pero hindi matatag ang posteng ito para kapitan mo siya.



Bakit?



Kasi mas naging interesting ang subplot ng anak-anakan niyang beki. Ang mga eksena nito ang hiniyawan, tinawanan at pinalakpakan ng audience. Alam ko, hindi siya ang main character pero mas sa coming-of-age story niya nagfocus ang attention ng moviegoers. Nakakakilig at nakakatawa ito!



Tatlo ang gustong i-tackle ng pelikula:



Una, just like any other relationships, may mapupuntahan ang gay-straight relationship.



Pangalawa,  na ang sang puta ay may moralidad din .



At pangatlo, puwedeng magpalaki ang isang bakla ng isang anak na malinis kahit ang trabaho niya'y marumi.



Kaya naligaw ako nang slight.



Annoying din ang pagbigkas ng "TRUE?" ng mga characters. Multiple times at binibigkas ng lahat halos ng characters! Yung totoo, pare-pareho ng catchword ang nasa community?



Isang malaking CHAROT!



Though, solved naman ako sa characterization ni Mamu (played  spotless by Iyah Mina). Ganitong-ganito ang kakilala kong baklang prosti e. Siyang-siya! Kung paano magsalita, magbitaw ng dialogue pati 'yung mga eksena sa customer niya, convincing. Malapit sa reyalidad. Sobrang lapit.  Well-researched ang material.



Ang humor din dito, makatotohanan. Kung may gay crowd ka na loud, makakarelate ka dito sa punchlines ng mga beki characters. Familiar sa'yo 'to. Yung ibang bitaw ng jokes, probably, narinig mo na rin kaya hindi ka na matatawa. Hindi ka mao-awkwardan. Para ka lang nanonood ng comedy sketch ng stand-up comedy bar.  Pero sa iba, 'yung walang gaanong kaibigang beki, bago sa kanila 'to. Maaaliw sila panigurado sa mga eksena. 



Gusto ko dito 'yung linya ni Mamu na "Pera lang 'yan, kikitain ko rin 'yan". Nagpapakita ang kanyang karakter ng positibong disposisyon kahit na nasa maruming trabaho at nasasadlak sa kahirapan. May resilience.



Magaling si Iyah Mina dito. Nasurpresa ako sa kanya. Magagaling talaga magdrama ang mga magagaling magpatawa (Roderick Paulate, Pokwang, etc).



Ganun din kay Ahron Villaflor. Hindi ko akalaing kakayanin niya ang role. Doubtful ako sa umpisa na babagay sa kanya 'yung role ng karelasyon ng beki. Hindi ko akalaing nakakaarte pala si koyah aside from pagiging pogi lang niya, Hindi lang siya naging dekorasyon sa pelikula. Nag-perform din siya! Yung confrontation scene niya with Mamu ang magpapatunay dito.



Pero sa lahat ng nagsipagganap sa movie, 'yung gumanap na anak-anakan niyang beki ako sumaludo, si EJ Jallorina. Napakahusay! Kasing-level ni Nathan Lopez sa Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros! Effortless na beki! Alam ko, straight siya sa totoong buhay pero napaka-compelling ng pagkakaganap niya bilang beking teenager. 



Naligaw man ako nang slight sa gustong ipunto ng movie, sa pagtatapos naman ng pelikula, naitahi ito ng direktor at nakapagpresent siya ng makabuluhan at entertaining na pambaklang pelikula.



Pink movie ito, mga maam/ser. Meaning,  mas maa-appreciate ng sangkabekihan. Puwede rin naman sa mga taong open-minded. O sa mga cinephiles dahil sa polished na cinematography.



Satisfactory ang movie.



Lalung-lalo na ang fairy tale ending. Tusok na tusok sa mga pantasya ng mga bakla.



Warning: Meron ditong simulated blowjob scenes at baka maka-offend ng mga konserbatibong ipokrito.



VERDICT:



Tatlo't kalahating banga at ang nakakapanlaway/nakakapanginig na butt exposure ni Ahron Villaflor.

Monday, October 15, 2018

A STAR IS BORN


Kauuwi lang from watching A STAR IS BORN.

SPOILER ALERT!

First off, sobrang gasgas na ng kuwentong ganito.

Isang sikat na lalaki, na-in love sa isang regular girl na may talent. Tapos siya ang naging susi ng kasikatan nito at ang ending, mas naungusan pa siya sa kasikatan.  Makakamit ni regular girl ang tugatog ng kasikatan ngunit kasabay nito,  masisira ang relasyon nila.

Sounds familiar?

Kuwentong komiks, pinoy romantic novels, isang plotline sa teleserye sa hapon o pelikulang romantic drama ng Viva Films noon, 'di ba? Bagay kay Alice Dixon or Agot Isidro.

Pero ang ganitong paandar e click na click sa pinoy audience. So, kebs na sa kalumaan ng material.

Alam ko, pang apat na 'tong reboot ng 1937 original. At ang pinakahuling nagbida dito bago si Lady Gaga e si Barbra Streisand pa noong 1972, kung saan pinasikat niya ang kantang Evergreen.

May problema sa character ni Lady Gaga dito. In-introduced siyang lady performer sa isang drag/gay bar sa umpisa na puma-part time bilang waitress. As the story progresses, uneasy na siya sa idea ng pagiging pop star.

Awkward.

Parang 'yung treatment ng pelikula mismo, hilaw na mainstream na uma-art sa ganda ng cinematography ni Matthew Libatique (na abusado sa paggamit ng specular orb lighting effects na anlakas maka-cinematic). Idagdag mo pa diyan ang humahapyaw na psychedelic color tone ng ibang eksena. Konting-konti na lang kumi-Christopher Doyle na siya sa mga pelikula ni Wong Kar Wai.

Tapos, ramdam mong hindi niya sinagad ang mainstream formula, kung saan hindi tumodo sa ibang eksena 'yung pelikula. E Diyos ko naman, 'yung material na ganito e pang-melodrama at mainstream, ibigay na sa audience. Anuvah.

Examples:

#1. Yung relasyon ni Lady Gaga sa tatay niya, parang may something sa kuwento. Pero hindi na-explore. Alam ko, napahagingan sa isang eksena 'to. Dun sa pag-uusap nina Lady Gaga at tatay niya. Pero kulang sa pag-bleed. Napag-iwanan. Sayang, dramatic angle sana. Well, hindi naman sa nagpapaka-Star Cinema, pero sana napiga para mas nag-escalate 'yung dilemma ni Lady Gaga sa pag-abot ng stardom at nakadagdag ng tension sa relationship nila ni Bradley Cooper.

#2. Yung ending, hindi malinaw kung ano ang ikinamatay ni Bradley Cooper. Nagbigti ba? Naglaslas ng pulso? O nag-drive at inihulog ang kotse sa bangin? Ito ay hindi malinaw sa sambayahan. Pero sa mga writers, 'yung eksena bago madiskober ni Bradley 'yung drag bar na pinagpe-performing-an ni Lady Gaga at napahinto sila sa tapat ng billboard kung saan makikita ang mga lubid na na naka-hang, foreshadowing 'yun na may magpapatiwakal sa ending. Pero malinaw 'yun sa mga writers. E sa ibang tao? Hindi 'yun mage-gets ni Aling Tasing sa talipapa, noh! Guessing game ba ito kung ano ang nangyari kay Bradley sa ending? Ite-text sa 2366 ang sagot, ganun?

Palagay ko, gusto nilang humiwalay sa tropes na nagawa ng original at previous versions. Yun ang haka-haka ng legit na starlet.

Pero kung ano man ang pinakanagustuhan ko sa pelikula, ito ang very convincing portrayal ni Bradley Cooper bilang isang country singer na nakikipaglaban sa alcohol at drug addiction. Unang frame pa lang niya, naramdaman ko na ang isang wasted na pagkatao kaya kinapitan ko na siya. Mas lalo pa nang ma-inlove siya kay Lady Gaga. May kahihinatnan kayang maganda 'yung relasyon nila? Drama version ba ito ng Notting Hill? Yun ang inantabayanan ko hanggang matapos ang movie. Oscar-worthy ang kanyang performance dito. Sana ma-nominate man lang siya.

Damang-dama ko na inaral talaga ni Bradley Cooper ang kanyang role. Very prepared siya. From his looks to sa pagbitaw ng dialogue hanggang sa pagkanta, country singer na country singer siya!

To think na siya rin ang nagdirek nito.

Aside sa mga munting flaws sa characterization at treatment, disente naman ang directorial debut ni koyah. At least, hindi epic fail.

Ang pinaka-praiseworthy ng pelikula ay ang soundtrack nito. Walang tapon! Yung mga kanta dito e uma-Adele. Yung tipong nangho-haunt sa'yo hanggang sa pagtulog. Yung tipong bibili ka ng CD ng pelikula after mong mapanood ito. What to expect? It's Lady Gaga.

Sorry sa Lady Gaga fans. Nope, hindi ito pang-Oscar. Mag-expect na kayo ng Beyonce 2.0 sa Dreamgirls. Kahit nomination, hindi niya makukuha. Hindi ko siya naramdaman sa pelikula. Pero don't be sad, hindi naman pangit ang performance niya dito. Mediocre. Hindi naman ako nautot sa pagkamangha.

Ganunpaman, kung naghahanap ka ng decent romantic drama na may kantahan at magpapakirot ng puso mo, watch this.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang pasilip ng nipples ni Lady Gaga na parang utong ng Nanay mong kapapanganak lang.

Sunday, October 7, 2018

EXES BAGGAGE


So, ayun na nga.

May karapatan naman palang mag-3rd week sa moviehouses itong EXES BAGGAGE e.

Humiwalay talaga nang slight ang kaluluwa sa katawan ko sa ganda ng pelikula!

Compelling script + Powerful casting = Explosive movie.

Dalawang tao na may isyu sa exes nila ang pinagsama sa isang relasyon. Ganun lang kasimple ang capsule ng pelikula. Pero sa ganda ng script at galing ng mga actors, nanganak ito ng (para sa akin) one of the best pinoy romantic drama movies in history.

Hindi nag-rely sa hugot dialogues ang writer. Makatotohanan ang linyahan. To be honest, ilan sa mga linya sa movie e na-experience ko na sa totoong buhay at narinig ko na sa ibang kakilalang magkarelasyon. Very relatable sa mga may karelasyon ang mga dialogue ng dalawang main characters. From lambingan to quarrels to bedtime conversations, makatotohanan.

Kung minsan talaga, hindi mo kailangan ng kumplikadong storyline, sandamakmak na characters na nagbabatuhan ng hugot dialogue to create a fine romantic drama movie. Nasa scripting din talaga ang technique e (believable dialogue, plant-offs, use of devices, pay-offs). Dun ka lang mag-focus, magbi-bleed na 'yung kuwento. Magta-transalte 'yun sa audience at nanamnamin nila 'yun. Tulad nitong EXES BAGGAGE, most of the time sa film e nakapaloob lang silang dalawa (Angelica and Carlo) sa interior tapos kudaan lang nang kudaan. Kingkingan, selosan, sumbatan, etc. Pero napaka-effective ng dialogue-driven script ha. Sa totoo lang, parang nanonood ng A QUIET PLACE 'yung audience sa loob ng sinehan, ang tatahimik. Parang mga tsismosang kapitbahay na nakikinig ng away ng mag-asawa sa kabilang bahay! Ninanamnam bawat dialogue.

Minsan, mga artista ang bumubuhay sa pelikula lalo na't kung chaka ang kuwento. Pero dito sa EXES BAGGAGE, nagsagutan ang mga artista, writer at lahat ng bumubuo ng production sa pag-present ng isang magandang romantic drama. Lahat nag-ambag.

Ang perfect ng casting! Yung tipong habang nanonood ka, wala ka nang ibang makitang artista na babagay sa role ng dalawa. Tailor-made roles ba ito? Kung ibang mahusay na artista ang gumanap sa dalawa, ibang atake lang 'yung magagawa nila. Pero hindi mo masasabing mas babagay 'yung mga roles kesa kina Angelica at Carlo. Sila ang mga karakters. Binuhay nila.

Nainis lang ako sa katabi kong babae, after ba naman mag-end ng movie, napa-gasp for air pa, sabay sabing: "Anyareh? Bakit bitin?" Sarap tuktukan sa bumbunan e.

Abrupt ending, hindi mo ba na-gets, teh? Subjective ending 'yun, kung ano sa tingin mo ang kinahinatnan ng dalawa, choice mo na.

For me, self-explanatory na nagkabalikan sila. Ni-reject ni Angelica 'yung call ng present boyfriend niya tapos nag-effort siyang lumabas ng kotse para habulin si Carlo.

Mas madaling maintindihan 'yun kesa sa pagmamahal ng siling labuyo sa merkado, anuveh.

Sa mga tulad kong na-late na sa panonood nito at gustong makanood ng isang pretty decent pinoy romantic drama, habulin niyo sa mga sinehan. Mas maa-appreciate niyo siya sa big screen kesa sa DVD. Promise. It's a movie viewing experience. Perfect date movie niyo ng karelasyon mo. #Relate.

It's a Star Cinema movie minus the nakakalunod na hugot dialogues, issue sa pamilya at connect-the-dots storyline.

VERDICT:

Apat na banga at isang nakaka-insecure sa gandang si Coleen Garcia sa pelikula (sarap ihambalos 'yung mga defective na silya sa kanya e).

PARA SA BROKEN HEARTED


Sa sobrang satisfied ko sa panonood ng VENOM kagabi, umabuso ako nang slight sa panonood ng two movies today: PARA SA BROKEN HEARTED at EXES BAGGAGE.

Dalawang romantic movies sa isang araw. Nalunod ako sa love stories!

Kahit tinatamad pa akong kumilos earlier, dahil gusto kong suportahan si Marco Gumabao sa kanyang pelikula (kung saan isa siya sa lead stars - oo, nasa poster siya, mga baks!), pinanood ko ang PARA SA BROKEN HEARTED at dahil sa pangungumbinse ng aking madir (na mukhang susulat yata ng biography book ni Angelica Panganiban gawa nang alam na yata ang lahat ng chika sa kanya) at ng partner kong si Edwin sa US, sinide-trip ko na rin ang EXES BAGGAGE.

Yung PARA SA BROKEN HEARTED, napapalakpak ako nang slight, decent romantic flick siya.

Pero sa EXES BAGGAGE, humiwalay nang slight 'yung kaluluwa sa katawan ko sa ganda!

Yung PARA SA BROKEN HEARTED, siguro hindi ako nag-expect na magugustuhan ko 'yung movie. Hindi ko inexpect na meron akong mapapanood na magandang pelikula. Yung may magandang kuwento, believable characters, malinis ang pagkakagawa, solid casting, etc. Yung less expectations ko ang dahilan kung bakit ko na-appreciate 'yung movie.

Truth is, hindi ako gaanong familiar sa mga main lead except for Yassi Pressman at Marco Gumabao (the main reason kung bakit ko ineffortan 'tong movie na 'to). So na-surprised ako sa napanood ko: nakadeliver sila sa mga roles/characters nila. Hindi OA o nagpapaka-millennials lang. Hindi nagsusumigaw na "nasa teen movie kami kaya may karapatan kaming magpabebe" acting. Yung mga ganung timpla kasi annoying na 'yung mga ganung pagpapa-cute. E sa panahon ngayon, 'yung baklang Thai na headbanger na si Mader Sitang na lang ang cute na hindi annoying.

Naka-relate pa ako dito sa character ni Sam Concepcion: 'yung for a time, agnostic ako until ma-discovered ko ang pantheism. Tapos introvert pa siya like me, to the point na ang sounding board niya sa movie e ang kisame ng kuwarto niya! Tapos, may eksena pang nakapang-cosplayer sila ni Yassi Pressman bilang alien at astronaut. Para sa tulad kong Ancient Astronaut/Alien Theory believer, havs 'yun!

Nagustuhan ko rin 'yung kuwento nina Shy Carlos at Marco Gumabao. Nakakakilig! Yung pa-shirtless scene ni Marco, amputa... lahat ng parte ng katawan ko, um-embossed (mane, utong, pati buni!). Yun ang kalahati ng pelikula! Kung wala 'yung eksenang 'yun, kulang ang pelikula. Ipapa-refund ko talaga ang 50%!

Napansin ko lang kay Marco Gumabao, may tendency siyang um-over acting. Kasi sa last three lines niya sa pelikula, medyo lumoydie siya ng pagkaka-deliver ng dialogue e. Yung pumopoy sa pasigaw acting. Pero, huwag ka... 'yun ang pinakamagandang linya na naalala ko sa movie. "Masyado kang in love! Nakakasakal na!" or words to that effect, sabi niya kay Shy. Yun lang ang dramatic highlights ni Marco sa pelikula kaya siguro binigay na niya doon. Nagpanic lang siguro 'yung panga niya kaya napasigaw 'yung pagbitaw niya ng dialogue..

Nagustuhan ko rin 'yung locations ng ilang scenes sa movie, gawa nang very familiar sa akin ang mga ito. Yung perya, Hidalgo St. sa Quiapo, Tagaytay, Breakwater sa Manila Bay. Naramdaman ko ang feels sa lugar na mga 'yun kasi nareminisced ko 'yung past ko, kung saan may significant memories ako sa mga lugar na 'yun.    

Ang pinaka-highly commendable dito sa movie ay ang cinematography (snappy ng camera works with abusadong gamit ng drone - favorite ito ni Direk, malamang at napaka-glossy ng pelikula).

Mas nag-center 'yung kuwento sa first phase ng relationships ng mga bida, 'yung 'getting to know each other' stage at hindi dun sa paghihiwalay. Kaya misleading ang title, nakakatakot panoorin ng mga broken hearted at baka manariwa ang sakit sa failed relationships nila.

Pero somehow, akma pa rin naman ang title nito sa movie. Para sa broken hearted, panoorin niyo 'to at baka manumbalik ang tiwala niyo sa pag-ibig at muli kayong magmahal. Yun naman ang mensahe ng movie. Just believe in fairy tales. Believe in love. Life-affirming siya.

Watpaddish millennial movie.
    
Kung gusto mong bumata nang ilang taon at magpaka-feelennials, watch it!

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at mga nagsitandaang Viva Hotbabes na napilitang tumanggap ng mother roles sa pelikula.