Friday, January 4, 2019

AURORA


Pumasok sa signal ko ang pangalang Yam Laranas noong early 2000 nang mapanood ko ang BALAHIBONG PUSA, one of my favorite pinoy erotic films. Dito yata unang nag-breast exposure si Rica Peralejo at ang hindi ko malilimutang linya niya sa pelikulang “Yung cheeseburger daw nila, walang cheese.” Sa sinehan ko ito napanood, tawang-tawa ako sa dialogue na ‘yun.

Ang next project ni Yam Laranas na napanood ko at sobrang nagustuhan e ang HIBLA. Sino’ng batang 90s ang makakalimot sa “Rica na, Maui pa”, ‘di ba?

Tapos, SIGAW came. Sobra kong nagustuhan ‘yun. Ito at ang FENG SHUI ang dalawang ambag ng Pilipinas sa Asian Horror bandwagon nung panahong ‘yun.

Then, natagpuan ko ang blog ni Yam Laranas. At nabalitaan kong iri-remake sa Hollywood ang Sigaw at magiging The Echo. Ang crushie ko pa namang si Jesse Bradford of SWIMFAN ang magbibida kaya from time to time e chine-check ko talaga ang blogsite niya. For a year, updated ako sa mga news at blog entries niya. From pre-prod pictures ng THE ECHO hanggang sa matapos na niya ang pelikula, nasubaybayan ko talaga. Isang taon pa ang nagdaan bago tuluyang naipalabas sa mga sinehan dito ‘yun na unfortunately, VOD (Video On-Demand) lang ang naging distribution sa States noon. Parang pang-digital lang, pang-Netflix. Ganyan.

Maganda naman ‘yung Hollywood version pero mas nakakatakot pa rin ‘yung SIGAW.  

Tapos, pumasok na nga itong napaka-chakang PATIENT X. Nagtae ang pelikulang ito. Nagmamaka-something! Pretentious ito. Di ko maintindihan kung bampira ba sila o manananggal? Kung mental patient ba si Christine Reyes o naglulukaret-lukaretan lang. May social commentary ba ito? Nagsusumigaw ang pelikula na “Kakaibang horror ito!”. Daming pinaglalaban!

Feeling ko, rumaket lang si Direk sa pelikulang PATIENT X.

Then came, ‘yung GMA films na THE ROAD. Para sa akin, isa ito sa TOP 3 pinakamagandang pinoy horror movie of 2000s, kasama ng SIGAW at FENG SHUI (na pareho pa ng taon ipinalabas, 2004). Nawindang ako sa eksena ni Alden Richards dun nang pukpukin niya sa ulo si Rhian Ramos o (si Barbie Forteza ba?) from behind. Anlakas maka-Norman Bates of Psycho! Napaangat ang puwet ko sa kinauupuan. To think, na sa pirated DVD ko lang ito napanood noon. So much more kung sa sinehan pa. Mapapatili siguro ako dun nang mahaba. Oo, kasing haba ng pelikula ni Lav Diaz.

Dahil sa THE ROAD, Yam Laranas is back in the game!

After that, wala na akong nabalitaang film project niya. Tama nga ako, kasi upon checking his IMDB, isang indie film lang ang pagitan ng THE ROAD at itong latest movie niya.

After a long time, ngayon lang yata nagbalik sa mainstream horror si Yam Laranas via this MMFF entry, AURORA. Na-excite ako nang mapanood ko ‘yung trailer nito. Mukhang special ito.

I decided na ito ang nasa Top 1 kong ipa-prioritize panoorin sa MMFF 2018. Aside kasi sa horror fanatic ako, isa sa mga Direktor na kagrupo ko e ‘yung AD nila dito. So, Top 2 ko e ang JACK EM POPOY. Top 3, ONE GREAT LOVE. Top 4, RAINBOW’S SUNSET. At siyempre, hindi mawawala ang FANTASTIKA. Naging tradition na kasi namin ng family ng Dad ko ang panonood ng Vice Ganda movie every MMFF. Yung Top 1-4, meron akong kakilala/friend sa industriya na kasama sa creative at production staff ng mga pelikulang ‘yan kaya napasok sa watchlist. I’m interested to see kasi kung ano ang maio-offer nila kaya I need to check their films.
    
Kaso, FANTASTIKA at JACK EM POPOY lang ang meron sa SM Baguio nung first week. Second week, nagkaroon na ng AURORA, na pinanood ko nga kagabi kaya may hanash ako ngayon. Pagbalik ko ng Manila, sana maabutan ko pa sa sinehan ‘yung ONE GREAT LOVE at RAINBOW’S SUNSET.

Ito na nga, after ng mahabang pasakalye… my take on AURORA:

(SPOILER ALERT)

Para siyang Japanese o European horror film na napanood ko noon (hindi ko lang matandaan ‘yung title). Yung nagsimula ng tahimik, tapos unti-unti kang hihilahin para sa isang pasabog na last quarter. Semi-lethargic siya. Slow burn. Na-hooked lang ako nang lumabas sa screen si Marco Gumabao at pumintig ang kaliwang utong ko.

Napaka-unsettling ng atmosphere. Yung feeling mo, hindi ka safe sa pelikula. Ang eerie. Nakatulong ang color grade na tulad ng sa pelikula ni Taylord Hackford na favorite ko, DOLORES CLAIBORNE (based from Stephen King novel). Ang hazy ng texture! (Hello, horror nga, divah? Mema lang. Pampadagdag ng words).

At ang bumanggang barko, buhay na buhay! Hanep ng visual effects. Ginastusan!

Deserved nito ang Best Cinematography award! Hands down.

Commendable din ang production design. Mamahalin. Halatang hindi tinipid. Pulido ang detalye. Impressive ang Seaside Inn. Napaka-vivid! Na kung hindi ka maalam sa filmmaking o isa ka lang regular viewer, aakalain mong totoo ang bahay at hindi isang studio o mocked-up ‘yung location.

Pagdating sa script, medyo sumablay lang nang slight.

Kasi ‘yung linya ni Anne Curtis na “Ayokong makinabang sa mga patay” very contradictory sa actions niya sa buong pelikula. Nagpapahanap siya ng mga bangkay sa laot pero ibabagsak niya with conviction ‘yung dialogue na ‘yun? Na alam naman ng lahat ng manonood na merong nakalaang reward na 50,000 pesos sa kung sino man ang makakakita ng bangkay. Ano ‘yun, trip-trip lang niya?

I was waiting for a pay-off e. Akala ko may kinalaman ‘yung pagkaaksidente at paglubog ng sasakyan ng mga magulang ni Anne sa motibo niya. Maganda sanang angklahan ng intention ‘yun ng karakter ni Anne e. Pero wala e.

Meron ba? Kasi tatlong beses akong umihi sa CR e. Baka nakaligtaan ko lang. Itama niyo na lang ako, if ever.

Nakadagdag pa sa confusion ‘yung desisyon ni Anne nang sabihin niyang “Sayo na ‘yan” or words to that effect nung ibrought-up ni Allan Paule kung paano ang hatian nilang tatlo sa pagkakahanap ng bangkay ni Giant. To justify lang ‘yung una niyang nakalilitong dialogue. Pero ang tanong ng bayan: Bakit niya pinahahanap sa dalawa ‘yung mga bangkay?!

Dun nagkaproblema sa characterization ni Anne. Yung conflicting statement niya sa actions niya.

Actually, puwede pa ngang hatiin sa dalawang pelikula ang kuwento. Una, tungkol sa bangkay na ayaw magpauwi sa hometown (kuwento ng Giant). At pangalawa, ‘yung tungkol sa owner ng Seaside Inn kung saan lumubog ang barko sa harap nito (ito ‘yung kuwento ni Anne). Kaya dama ko nahirapan ‘yung writer na tapusin nang sabay ‘yung kuwento nito sa ending pelikula.

Ngayong, natagpuan na ang mga bangkay… ano na? May resolution or closure ba kina Anne at Giant?

I heard pa nga sa isang moviegoer sa loob ng sinehan: “Ano na nangyari dun kay Benjamin (Giant)?” na biglang nag-aparisyon sa ending ang multo. Para sabihin ba sa audience na “matatahimik na rin ang kaluluwa ko” trope ng isang Pinoy Ghost movie?

Ganun-ganun na lang ba kadali ‘yun?

Tapos, ‘yung character ni Marco Gumabao, tingin ko may room for improvement pa sana. It could have been better kung meron siyang koneksiyon sa barko. Hindi sapat ‘yung dark past nila ni Anne e kung bakit niya gustong i-save ang magkapatid, na hindi rin naman pala nangyari. Parang nagging props lang si Papa Marco sa pelikula. Tulad ng dati, pampadagdag sa isang Viva movie para magka-project.

Alam mo kung sino ang perfect sa role ni Anne dito?

Si Alessandra de Rossi. Siyang-siya ‘yung character. Hindi mo na paaartehin. Yung nuances, yung look at acting, bagay na bagay sa kanya ito.

Pero hindi rin naman failure si Anne. Ginawa naman niya ang kanyang assignment.

Tingin ko, apat sa cast ang perfectly-casted: Si Arnold Reyes, Ruby Ruiz, Sue Prado at Raul Dillo (‘yung Giant). Wala na akong makitang ibang artista na mas babagay pa sa mga roles nila.
  
Meron pa pala, ‘yung pinakanakakatakot na multo sa buong pelikula… ‘yung Barko!

Naisip ko rin na bagay din ‘tong material kay Chito Roño. Pero tingin ko, ibang atake ang gagawin niya dito. Sandamakmak na gulat factor ‘yan. Mas mainstream ang approach. At baka si Kris Aquino ang ibida niya ulit dito.

So it’s better na si Yam Laranas ang nag-helm. Nakakakilabot ang pelikula. Kung matatakutin ka sa Ghost Story, panoorin mo ‘to para magkaroon ka ng sleepless nights sa loob ng kuwarto mo. Tumaas ang balahibo ko sa ilang eksena!

Yung pugot na ulo na lalaki na pumasok sa bintana. Siyet na malagket!

AURORA is a pretty decent horror film. Puwedeng i-remake ito ulit ng Hollywood. This time, pang-Netflix na. Ang bida e si Hillary Duff.

VERDICT:

Apat na banga at ang nakakainis na eksena ni Marco Gumabao sa ilalim ng dagat. Hindi makatotohanan, dapat nakahubad!

Thursday, January 3, 2019

JACK EM POPOY


Last Vic Sotto na napanood ko sa sinehan e ‘yung kasama niyang bida sina Ryza Mae Dizon at Bimby Aquino. Nandun din si Aiza Seguerra, Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Tapos, kontrabida si Jaclyn Jose. Kung hindi ako nagkakamali, ito ‘yung MY LITTLE BOSSINGS.

Super nasuka ako sa ka-chopsueyan ng pelikulang ‘yun!

Sa story, pagkakalatag at comedy, nagkulang. At sobrang sabog sa ka-cliché-yan at ka-cornyhan ang movie. MMFF entry pa man din.

Nakakapanghinayang ‘yung binayad, effort at oras ko sa panonood.

Gusto kong magbuhos ng gas at magsindi ng apoy sa loob ng sinehan sa inis!

To think na mahusay ‘yung director nito, na siya ring nagdirek ng indie film na nagpahalakhak sa akin ng todo noon sa Cinemalaya.

For a time, naging faney din naman ako ng Vic Sotto movies. Yang mga TVJ 80s comedy films na ‘yan, pinanonood ko pa ang replays sa TV noon. Favorite ko nga ‘yung BILIBID GAYS nila. Super havs sa akin ‘yun!

Wala rin akong pinalamapas na OKAY KA FAIRY KO movies. Natapos ko ‘yan. Napahinto lang nung naging ENTENG KABISOTE na ito. Bakit? Kasi hindi ko na henerasyon ‘yun. Hindi na ako bata nang magsimula ‘yun.

So you see, ang ilan sa Vic Sotto movies e childhood movie ko. Batang 90s yata ito.

Pero since MY LITTLE BOSSINGS, pinangako ko na sa sarili ko na never na akong manonood ng Vic Sotto movies. Nakakainsulto sa natitirang katalinuhan sa kukote ko e.

Kaso mahal daw nila dito sa Baguio si Coco Martin sabi ng younger sister ko e. So tinreat ko siya manood ng JACK EM POPOY kanina.

Vic Sotto formula: slapstick humor, cheesy melodrama, salpakan mo ng EAT BULAGA hosts at community characters. Isama mo pa ang walang kamatayan niyang catchphrase na “Hi, fans!”. Lahat ‘yan present.

Ang wala lang sa JACK EM POPOY e ang sexy leading actress niya.

Predictable ang kuwento. Magbilang ka lang ng 1, 2, 3… alam mo na ang plot at mga twist.

Pero dahil affected ako sa mga pelikulang may temang Father-Son/Reunion/Forgiveness, sapul ako ng pelikula. Yung sumikip nang slight ang dibdib ko sa hapdi. Oo, naantig ang puso ko ng isang comedy film.
Nubayan, nakakahiya.

To add, forgivable ang formula, timplado.

Plus napakalinis ng pelikula (editing, cinematography, directing, acting, sound, etc).

Hindi nakakaumay.

Ang treat ng movie, anufangavah, Coco and Vic in drag!

I was entertained. Pati ‘yung sister ko, nag-enjoy. Kaya naibalik ang kumpiyansa ko kay Vic Sotto.

JACK EM POPOY is a Vic Sotto movie done right.  

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang ipinilit na eksena ng inakala kong pandak na extra pero si Ryza Mae Dizon pala.   

Saturday, December 29, 2018

BIRD BOX


Di pa rin ako maka-get over sa BIRD BOX kaya ito kukuda ako nang slight.

Taena, ang ganda ng pelikula! Napakaganda, actually!

Pinaghalu-halong THE MIST, THE RIVER WILD, A QUIET PLACE at THE WALKING DEAD!

Walang tapong eksena. Walang room para kumalma ka. Nonstop ang suspense!

Yung pang widescreen siya at hindi ka dapat maihi kundi you'll miss out something!

(SPOILER ALERT)

Ang pinakanagustuhan kong eksena sa BIRD BOX aside sa ending e ‘yung eksena sa river bago ‘yung raging rapids (na ang rinig ko nung unang sabihin ni Sandra e rabbits), kung saan, ini-instruct ni Sandra ang dalawang bata sa gagawin. Na isa sa kanilang dalawa ang dapat magtanggal ng blindfold para ituro ‘yung tamang path patungo sa safe community na tinatahak nila. Tapos, super volunteer si Boy na siya na lang daw ang magtatanggal ng blindfold. Nireject ni Sandra ‘yung pagvo-volunteer ni Boy kasi nga tunay niyang anak ito kaya sabi niya instead “Ako na ang pipili sa inyong dalawa” na may subtext na “Si Girl ang napili kong gagawa nun”. At base sa reaction ni Girl, nakuha niya ang gusto ni Sandra kaya nag-volunteer na siya. Awwww. Meaning, at an early age, naiintindihan na niya ang konsepto ng pagsasakripisyo.

Niyeta, sumikip ang dibdib ko sa eksenang ‘yun.

Mas lalo pa nang magdecide si Sandra na wala na lang magtatanggal ng blindfold sa dalawa. Patay-bahala na lang nilang haharapin ang raging rapids. Bahala na si Batman.

Powerful ‘yung eksenang ‘yun! Kasi pinakita niyang pantay ang pagmamahal niya sa dalawa, at tinupad niya rin ang pangako kay Olympia na aalagaan niya ang anak nitong si Girl.

May puso ang pelikula!


Petition for Cindy Curleto sa papel ni Sandra Bullock para sa Pinoy Remake!

VERDICT:

Limang banga para sa pivotal role ng tatlong walang dialogue na ibon sa pelikula.      

Monday, December 3, 2018

ANG PANGARAP KONG HOLDUP


Para sa akin, ang isang comedy film na hindi nagpahalakhak sa akin kahit isang beses sa isang eksena, i considered chaka. Kahit pa super sikat ng bida o maganda 'yung kuwento. Kahit si Matthew Libatique pa ang cinematographer nito.

Kasi comedy film nga 'di ba, tapos hindi ka natawa?

Balik-bayad na lang kung ganun.  

Itong ANG PANGARAP KONG HOLDUP, limang beses akong napahalakhak sa loob ng sinehan. Tawang-tawa ako!

Kuwento ito ng tatlong bobong holdupper na pangarap mag.No. 1 sa piniling karir.

Ganun lang kasimple ang concept.

Pero isang gintong titi ni Datu Puti sa probinsya ang magpapagulo pa sa bobo at saksakan ng tangang mga bida.

Anlakas makagago, 'di ba? Gintong titi!

Sa umpisa, akala ko no-brainer comedy film lang ito. Don't get me wrong, i love no-brainer films. Pambarag 'yan kapag nalulumbay ang starlet. Well, depende pa rin pala. Yung cachupoy levels na comedy, nasusuka na ako dun.

Sabi ko, 'tong concept na 'to nabuo habang ang mga creatives e nag-iinuman tapos, pinitch nang animated at nakapasa sa kainuman din nilang producer na nauto nilang makasama.

Habang tumatagal, naging intelligent comedy na siya. Organized setups, devices, plant-offs, original punchlines.

Oo, may mga nakalusot na contraptions ng setups at punchlines.

Pero nakaiwas sa spoofed conventions at parodied cliches kung saan nagtae ang Vice Ganda and Vic Sotto movies.

At hindi lang siya nag-rely sa mga jokes, kundi pati sa mga characters. Blending ng character-driven at joke-driven ito. That's intelligent humor. Yung tama 'yung timpla. Mahirap ma-achieve 'yun ng isang comedy writer.

Mukhang na-brainstorm at nabuo 'to ng writer habang kainuman niya ang mga tropa niyang tambay na nakatira sa gilid ng riles.  

Mas maappreciate 'to ng male audience.

Ito 'yung pelikulang pag-aagawan nina Adam Sandler, Jim Carrey, Ben Stiller at Sacha Baron Cohen sa Hollywood kapag nagkaroon ng remake.

If you want to be entertained and have a good laugh, watch this. Habulin niyo. Check CLICK THE CITY for cinemas and schedules.

VERDICT:

Apat na banga at ang gintong titi plot na bumarurot sa pelikula.

Monday, November 19, 2018

SEARCHING

Katatapos ko lang makanood ng very satisfying na mystery/thriller.

Itong SEARCHING.                      

Nang makita ko ang trailer nito noon, very promising na. Tapos, nung pinalabas 'to dito sa Pinas early part of this year, may isa akong friend na nagrekomenda sa aking panoorin ko daw at maganda nga daw. E, minsan kasi sumasablay din sa pagrerekomenda ng pelikula 'yung friend kong 'yun. Saka, ewan ko ba, busy din siguro ako that time kaya hindi ko ito pinag-effortan.

Until, makita ko nga sa Rotten Tomatoes na 93% ang tomatometer ratings niya. Kaya ako nagkainteres at dinownload ko sa torrents kamakailan lang.

Pambarag ko sa GLORIOUS kaya ko pinanood kani-kanina lang

Ito 'yung mga pelikulang iiwasan mong maihi sa sinehan para wala kang ma-missed out na detalye sa kuwento. Yung pelikulang magpapataas ng balahibo mo sa pa-Big Reveal. At yung klase ng pelikulang lalabasan mo sa sinehan nang nakangiti kasi satisfying 'yung ending. Sulit ka sa pinanood mo.

Kasi matapos ka nitong kurtahin at pakabahin sa umpisa hanggang gitna, hahandugan ka ng resolution na nakakaluwag ng dibdib. Nag-e-escalate 'yung tension e hanggang matapos. Tapos, flang! Isang rewarding na closing.

Ewan ko ba kung bakit di ito gumawa ng ingay sa social media nang mag-showing ito this year sa atin. Ganitong mga pelikula 'yung deserve na ma-hype e at pag-usapan.

Simple lang ang kuwento:                                             

Isang Asian American na Tatay ang nawawalan ng dalagitang anak  sa US kaya pinakialaman ang naiwang laptop nito para makakuha ng ebidensiya sa ikalulutas ng pagkawala ng anak. Sasamahan mo ang journey niya.

Mystery/Thriller? Check. Detective story? Check. Abduction? Check. Whodunit? Check. Father-Daughter movie? Check na check.

Lahat 'yan natutukan ng pelikula.

At ang pelikula ay pinresent sa screen recording ng laptop. Halos lahat. Screencast movie siya.

Yung pinakahuling pinanood kong ganito e 'yung UNFRIENDED noong 2015 sa sinehan. Puring-puri 'yung ka-FB kong director sa pelikula. Bago daw kasi 'yung filmmaking technique. Kaya sinama ko pa 'yung mommy kong nagbabakasyon sa Pilipinas noon sa sinehan. Ang ending,  very disappointed kami pareho. Ang simple-simple lang naman ng kuwento pero naguluhan kami. Bago pa lang kasi siguro sa akin 'yung ganung format ng pelikula. Ewan ko ba, pero nung pinauso ng BLAIRWITCH PROJECT ang Found Footage movie, nasakyan ko naman kaagad.

Kaya hindi rin ako naging fan ng mangilan-ngilang screencast movies e.

Pero itong SEARCHING, panalo!

Madali mo lang maiintindihan. Malinaw ang pagkakalahad. Parang kaharap mo lang ang laptop at nagmo-monitor ka lang ng mga ganap sa screen. Ganun siya ka-engaging.

Sa mga kaibigan mong MEMA, ito 'yung mga pelikulang ibibida nila sa'yo at pagkatapos mong mapanood,  pagkukwentuhan niyo ng tropa at sasabihan niya sa'yong "Sabi ko na e, siya 'yung may pakana. Sa umpisa pa lang, kinutuban na ako e." Yung kasama niyo si Jollibee sa kuwentuhan sa pagmamabida. Ganito 'yung pelikulang 'to.

Ako, aral ako sa whodunit na mga kuwento e. High school pa lang ako, naubos ko na ang Hardy Boys at  Nancy Drew mysteries. Pati Perry Mason mysteries ni Erle Stanley Gardner, natapos ko. Nung tumanda-tanda na ako, siyempre upgraded na. Nag-Jonathan Kellerman ako. Kaya kapag may hint ako kung sino ang may gawa ng krimen sa pelikula or sa nobela, tapos sa ending, tumama ang kutob ko, hindi ako natutuwa. Tulad ng GONE GIRL at THE GIRL IN THE TRAIN. Disappointed ako sa mga 'yun. Hindi ko inikutan ng upuan 'yun.

Kaya sa whodunit movies, kung minsan, nalalaman ko na kung sino ang salarin pero hindi ko alam kung ano ang kanyang motibo, nagugustuhan ko siya. Kapag clueless ako sa kung sino ang killer at kung ano ang motibo niya, pinapalakpakan ko ang writer. Kasi naligaw niya ako. Meaning, na-entertained niya ako sa paandar niyang liko sa kuwento kaya di ko namalayan na siya ang may gawa ng krimen.

Ang nasatisfied lang akong mystery/whodunit movie in recent years, e PRISONERS ni Dennis Villeneuve. Or mas earlier than that (2000s), pumantay 'yung IDENTITY ni  James Mangold, 'yung Korean film na MEMORIES OF MURDER at 'yung under-appreciated na pelikula ni Sylvester Stallone noon, D-TOX (EYE SEE YOU).

Tinumblingan ko 'yang mga 'yan.

Tapos ito na ngang SEARCHING 'yung pinaka-latest.

Winner siya!

Para sa mga naghahanap ng magandang late-night movie viewing, panoorin niyo ito at siguradong mag-eenjoy kayo.

Para sa mga Tatay na merong anak na dalagita diyan, watch this, ito ang bangungot niyo na dapat niyong matutukan para magkaroon kayo ng sense of parental control sa mga anak niyong menor-de-edad na very active sa social media.

At para sa mga whodunit at mystery/thriller fans, highly-recommended ko 'to sa inyo.

VERDICT:

Apat at kalahating banga sa pelikula at para sa TV actress na si Debra Messing na nagbalik-pelikula pero hindi gumawa ng ingay ang comeback.   

Friday, November 16, 2018

MANIFEST


Pinaka-recent TV series na nagpaiyak sa akin e ang POSE.

Prior to that, 'yung FEUD.

Bago ang FEUD, ang THE WALKING DEAD ('yung episode na namatay si Glenn Rhee).

Pero humagulgol ako sa LOST. Gabalde ang luha ko dun nang mag-final episode na 'yun.

Bakit may ganun akong pag-iinaso?             

Simple lang ang sagot: napamahal ako sa mga characters.

Kaya nga huminto na ako sa panonood ng THE WALKING DEAD after ng Season 6 e. Kasi 'yung mga writers at creative people behind the series e mga walang puso. Pumapatay na lang sila nang walang habas ng character(s) sa kuwento kada season. Naging bisyo na nila 'yun alang-alang sa ratings. Wala silang pagpapahalaga sa mga damdamin ng audience. Naging torture porn series na 'yung show.

Kaya kung may kutob ako na walang pagpapahalaga 'yung writers ng isang series sa audience at mas mahal nila ang ratings, dina-drop ko kaagad 'yung panonood. Lalo pa, kung nararamdaman kong pinakakapal na lang nila 'yung kuwento para ma-stretched pa 'yung show upang mas pagkakitaan pa kahit na puwede namang tapusin sa iisang season ito. Like 13 REASONS WHY at LOST IN SPACE, na pareho kong binitawan.

Buti na lang dito sa MANIFEST, wala akong ganung vibes na naramdaman.

Nakakaisang episode pa lang ako. Ito 'yung pilot episode, anufangavah?

At na-hooked na kaagad ako.

Ito ang concept:

Noong 2013, isang eroplano from Jamaica patungong America, lulan ang mahigit isandaang pasahero ang nakaranas ng matinding turbulence pero naka-land pa rin nang matiwasay sa kanilang destinasyon. Paglapag nila, nalaman nilang year 2018 na. Lagpas limang taon na ang nagdaan at hindi man lamang sila nagsitandaan.

Kung ano ang misteryong bumabalot sa flight nilang 'yun ang aalamin natin sa pagsunod sa mga characters (mga pasahero ng eroplano) sa mga susunod na episodes ng series.

Ito pa, lahat sila ay nakakarinig na ng boses para makapang-save ng ibang tao. Superpower?!

Supernatural/Mystery. Very interesting, 'di ba? My cup of tea.   

Ilang characters pa lang ang natututukan pero hitik na hitik na ito sa human drama.

Pilot pa lang, glued na ako.

Mukhang may iiyakan na naman akong series nito.

Friday, November 2, 2018

BOHEMIAN RHAPSODY


Nung bata ako, nagkaroon ng anniversary party ng prayer meeting dito sa tapat ng compound namin. Natural, aside from allelujiah/amen na ganapan, merong programa. At isang part ng programa, mini-play.



E gawa nang naghihintay ako ng distribution ng handa sa dulo ng event, no choice ako kung hindi tapusin ang programa at panoorin ang play.



Yung play e tungkol sa prodigal son. Tapos, may part dun kung saan nagmamakaawa 'yung Nanay niya (played by my auntie) sa anak para magbago at magbalik-loob na sa Panginoon.



Then pinlay sa sound system 'yung Bohemian Rhapsody.



Nabuhayan ako ng dugo. Nag-escalate ang lahat ng dapat mag-escalate sa katawan ko, including balahibo sa tumbong! Booster 'yung kanta!



Dun ko unang narinig 'yung Queen at na-appreciate ang music nila.



Tumatak sa akin 'yung memory na 'yun. Not because of the play, but because of the song.



Since then, pumasok na sa radar ko si Freddy Mercury at Queen. Na-rediscover ko siya sa cassette tape collections ng Uncle kong galing Saudi at hinihiram ko 'yung album niya ng QUEEN from time to time kapag hinahanap ng tenga ko ang bismillah.



Until, mag-high school ako at nakabili na ng CD ng Greatest Hits nila. Rape na ng play button sa player ang kasunod for years.



So, you see... familiar ako sa music ng Queen. Favorite rock band ko ito aside from Aerosmith. Come on, sino bang hindi nakakakailala sa kanila? May tao bang hindi nakaka-appreciate ng music nila aside from millennials?



Kaya na-excite ako nang malaman ko few months ago na may biopic about them. Hinintay ko ang release sate nito.



Kahapon, sinadya ko talagang panoorin ito sa sinehan sa gitna ng pagsusulat ng script.



Bakit?



Gusto ko kasing malaman kung totoo ang rumors na bakla at kung namatay nga ba sa AIDS si Freddy Mercury. 



Kung 'yun ba ang ending? Kasi alam ko naman ang tatakbuhin ng kuwento: origin ng banda, rise to fame, struggles, lovelife ng mga members, disbandment nila at 'yun nga... kamatayan ni Freddy.



(Drum rolls... Spoiler Alert)                                       



Lahat 'yan, nakita ko sa pelikula. Sobra akong satisfied kaya sa ending halos tumulo ang luha sa mga mata ko sa saya. Para akong nanood ng concert nila sa big screen.



Binuhay ni Rami Malek si Freddy!



Opening sequence pa lang, kinilabutan na ako. Yung eksenang papunta sa stage si Freddy para harapin ang libu-libong audience. Taena, likod pa lang, Freddy Mercury na. What more, kung humarap na at nagde=deliver na ng lines?



Sa isip-isip ko, tinapos na ni Rami ang race for best actor ng Oscars. Mukhang lulupain nito si Bradley Cooper sa A Star Is Born, na siyang niru-root ko for best actor sa next Oscars.



Until halfway through, hindi ko pa rin maramdaman 'yung character ni Freddy. Hindi ako maantig-antig sa pinaggagawa niya sa istorya. Hindi ako maka-relate.



Naghihintay ako ng moment niya na pang video clips kapag in-announce na 'yung name niya as nominees sa mismong awards night.



Wala.

Until 'yun nga, na-diagnosed siya ng duktor at sinupalpal sa kanya ang balitang may Aida siya. Dun ko lang siya naramdaman. Dun lang niya nakuha ang simpatya ko.



Mas naramdaman ko si Bradley Cooper sa A Star Is Born. Mas naramdaman ko ang struggle niya: Isang wasted na country singer na natagpuan ang love of his life, eventually nakaramdam siya na nauungusan na siya nito sa kasikatan at naging threat pa sa singing career nito kaya para hindi maging hadlang dito, nagpakamatay. Nagpaubaya siya para sa babaeng minamahal.



Mas iniyakan ko ang inenr struggle niya. Mas kinapitan ko 'yun.



Sabi nga ng Bee Gees... Emotions!



Yun ang wala at hindi ko naramdaman kay Rami Malek sa pelikula.



Bakit?



Kasi inintroduce siya sa kuwento bilang matapang na tao. Sinusuway ang mga magulang, pala-gimik at buo ang loob. Di ba, siya mismo ang nag-offer ng sarili sa banda na maging lead vocalist? So malakas ang loob niya. Until, sa kalagitnaan, pasaway sa producer. Mapagmataas. May attitude. Tapos, makasarili pa nang magdesisyong humiwalay sa banda. Sino ba naman ang matutuwa sa ganung character?



Si Bradley cooper, nagmahal ngunit hindi nga lang naging mabuti sa kanya ang mga consequences. Pero itong bratinellang si Freddy, gusto lang maging band vocalist tapos ang ending nagkasakit dahil sa kapokpokan?



Oo, may remorse siya pero hindi nabigyan ng emphasis 'yun. Single scene lang pinakita 'yun sa opisina ng bago nilang manager. At ang easy lang ng device, dinaan lang sa conversation with the band members. Tapos, nagkaayos na. Sigalot lang ng magkakaaway na bata sa kalsada ang peg?



Tsaka aminin mo, hindi gaanong natutukan ang love story nila ni Mary. Mas nag-focus sa kuwento ng banda, 'di ba? Well, biopic nga ng Queen at subplot lang ang love story ni Freddy. Pero dapat tumatak at nag-iwan ng marka. Mas gumawa pa ng eksena 'yung assistant niyang si Paul o ang ka-fling niyang si Jim e.



Kasi, 'yung break-up kay Mary ang dahilan kung bakit niya napabayaan ang sarili 'di ba?



Tapos ito pa, hindi ko pa naramdaman ang deterioration process ni Freddy. May AIDS na daw siya, not HIV ha, dapat papuntang levels na 'yan ni Ed Harris sa THE HOURS.



Nung umubo siya nang may dugo, hindi rin ako naalarma. May TB lang ba? Dahil sa stress sa tour at album preparation?



Yung conflict niya with his family, di ko rin naramdaman. Kaya balewala sa akin 'yung sana e powerful scene na nanood sa TV 'yung buong family ng concert niya sa ending. Yung eksenang 'yun pa naman ang isa sa pinakaimportante sa lahat e. Kasi in-embrace na ng tatay niya ang idea ng kasikatan ng anak at tinanggap na niya na may magandang naidulot ang pagiging pasaway nito.



Ang natutukan ng pelikula e 'yung authenticity ng pagiging Freddy Mercury. Yung galaw, pananalita, etc.



Pero wala itong emotions. Wala itong compassion na meron ang Forrest Gump at A Star Is Born.



Kung pulubi lang si Rami, hindi ko siya kakaawaan.



So, i'm still rooting for Bradley Cooper sa Oscars.



Pero palagay ko, ibibigay nila 'yan kay Rami e. Pinag-drag siya, pinakanta, binigyan ng choreography (halos sumirku-sirko na), pinahalik sa kapwa-lalaki.  Nagperform siya at nabigyan niya ng hustisya ang pagiging Freddy Mercury.



For me, it's a close fight between Bradley and Rami.



Sa lahat ng fans ng QUEEN, hindi niyo 'to dapat palampasin. Magsisisi kayo kung sa DVD niyo lang 'to pinanood. Movie viewing treat siya. Malalaman niyo ang origin ng halos lahat ng mga sikat nilang kanta. Kung may time nga lang ako, sana sa IMAX ko na lang pinanood 'to e.



Isa sa pinakasatisfying na biopic na napanood ko. Hindi ako umihi kahit isang beses at baka may ma-miss akong detalye.



VERDICT:                               



Apat na banga at ang buong pamilya ni Freddy Mercury naging props lang sa pelikula.