Nung bata ako, nagkaroon ng anniversary party ng prayer
meeting dito sa tapat ng compound namin. Natural, aside from allelujiah/amen na
ganapan, merong programa. At isang part ng programa, mini-play.
E gawa nang naghihintay ako ng distribution ng handa sa dulo
ng event, no choice ako kung hindi tapusin ang programa at panoorin ang play.
Yung play e tungkol sa prodigal son. Tapos, may part dun
kung saan nagmamakaawa 'yung Nanay niya (played by my auntie) sa anak para
magbago at magbalik-loob na sa Panginoon.
Then pinlay sa sound system 'yung Bohemian Rhapsody.
Nabuhayan ako ng dugo. Nag-escalate ang lahat ng dapat
mag-escalate sa katawan ko, including balahibo sa tumbong! Booster 'yung kanta!
Dun ko unang narinig 'yung Queen at na-appreciate ang music
nila.
Tumatak sa akin 'yung memory na 'yun. Not because of the
play, but because of the song.
Since then, pumasok na sa radar ko si Freddy Mercury at
Queen. Na-rediscover ko siya sa cassette tape collections ng Uncle kong galing
Saudi at hinihiram ko 'yung album niya ng QUEEN from time to time kapag
hinahanap ng tenga ko ang bismillah.
Until, mag-high school ako at nakabili na ng CD ng Greatest
Hits nila. Rape na ng play button sa player ang kasunod for years.
So, you see... familiar ako sa music ng Queen. Favorite rock
band ko ito aside from Aerosmith. Come on, sino bang hindi nakakakailala sa
kanila? May tao bang hindi nakaka-appreciate ng music nila aside from
millennials?
Kaya na-excite ako nang malaman ko few months ago na may
biopic about them. Hinintay ko ang release sate nito.
Kahapon, sinadya ko talagang panoorin ito sa sinehan sa
gitna ng pagsusulat ng script.
Bakit?
Gusto ko kasing malaman kung totoo ang rumors na bakla at kung
namatay nga ba sa AIDS si Freddy Mercury.
Kung 'yun ba ang ending? Kasi alam ko naman ang tatakbuhin
ng kuwento: origin ng banda, rise to fame, struggles, lovelife ng mga members,
disbandment nila at 'yun nga... kamatayan ni Freddy.
(Drum rolls... Spoiler Alert)
Lahat 'yan, nakita ko sa pelikula. Sobra akong satisfied
kaya sa ending halos tumulo ang luha sa mga mata ko sa saya. Para akong nanood
ng concert nila sa big screen.
Binuhay ni Rami Malek si Freddy!
Opening sequence pa lang, kinilabutan na ako. Yung eksenang
papunta sa stage si Freddy para harapin ang libu-libong audience. Taena, likod
pa lang, Freddy Mercury na. What more, kung humarap na at nagde=deliver na ng
lines?
Sa isip-isip ko, tinapos na ni Rami ang race for best actor
ng Oscars. Mukhang lulupain nito si Bradley Cooper sa A Star Is Born, na siyang
niru-root ko for best actor sa next Oscars.
Until halfway through, hindi ko pa rin maramdaman 'yung
character ni Freddy. Hindi ako maantig-antig sa pinaggagawa niya sa istorya.
Hindi ako maka-relate.
Naghihintay ako ng moment niya na pang video clips kapag
in-announce na 'yung name niya as nominees sa mismong awards night.
Wala.
Until 'yun nga, na-diagnosed siya ng duktor at sinupalpal sa
kanya ang balitang may Aida siya. Dun ko lang siya naramdaman. Dun lang niya
nakuha ang simpatya ko.
Mas naramdaman ko si Bradley Cooper sa A Star Is Born. Mas
naramdaman ko ang struggle niya: Isang wasted na country singer na natagpuan
ang love of his life, eventually nakaramdam siya na nauungusan na siya nito sa
kasikatan at naging threat pa sa singing career nito kaya para hindi maging
hadlang dito, nagpakamatay. Nagpaubaya siya para sa babaeng minamahal.
Mas iniyakan ko ang inenr struggle niya. Mas kinapitan ko
'yun.
Sabi nga ng Bee Gees... Emotions!
Yun ang wala at hindi ko naramdaman kay Rami Malek sa
pelikula.
Bakit?
Kasi inintroduce siya sa kuwento bilang matapang na tao. Sinusuway
ang mga magulang, pala-gimik at buo ang loob. Di ba, siya mismo ang nag-offer
ng sarili sa banda na maging lead vocalist? So malakas ang loob niya. Until, sa
kalagitnaan, pasaway sa producer. Mapagmataas. May attitude. Tapos, makasarili
pa nang magdesisyong humiwalay sa banda. Sino ba naman ang matutuwa sa ganung
character?
Si Bradley cooper, nagmahal ngunit hindi nga lang naging
mabuti sa kanya ang mga consequences. Pero itong bratinellang si Freddy, gusto
lang maging band vocalist tapos ang ending nagkasakit dahil sa kapokpokan?
Oo, may remorse siya pero hindi nabigyan ng emphasis 'yun.
Single scene lang pinakita 'yun sa opisina ng bago nilang manager. At ang easy
lang ng device, dinaan lang sa conversation with the band members. Tapos,
nagkaayos na. Sigalot lang ng magkakaaway na bata sa kalsada ang peg?
Tsaka aminin mo, hindi gaanong natutukan ang love story nila
ni Mary. Mas nag-focus sa kuwento ng banda, 'di ba? Well, biopic nga ng Queen
at subplot lang ang love story ni Freddy. Pero dapat tumatak at nag-iwan ng
marka. Mas gumawa pa ng eksena 'yung assistant niyang si Paul o ang ka-fling
niyang si Jim e.
Kasi, 'yung break-up kay Mary ang dahilan kung bakit niya
napabayaan ang sarili 'di ba?
Tapos ito pa, hindi ko pa naramdaman ang deterioration
process ni Freddy. May AIDS na daw siya, not HIV ha, dapat papuntang levels na
'yan ni Ed Harris sa THE HOURS.
Nung umubo siya nang may dugo, hindi rin ako naalarma. May
TB lang ba? Dahil sa stress sa tour at album preparation?
Yung conflict niya with his family, di ko rin naramdaman.
Kaya balewala sa akin 'yung sana e powerful scene na nanood sa TV 'yung buong
family ng concert niya sa ending. Yung eksenang 'yun pa naman ang isa sa
pinakaimportante sa lahat e. Kasi in-embrace na ng tatay niya ang idea ng
kasikatan ng anak at tinanggap na niya na may magandang naidulot ang pagiging
pasaway nito.
Ang natutukan ng pelikula e 'yung authenticity ng pagiging
Freddy Mercury. Yung galaw, pananalita, etc.
Pero wala itong emotions. Wala itong compassion na meron ang
Forrest Gump at A Star Is Born.
Kung pulubi lang si Rami, hindi ko siya kakaawaan.
So, i'm still rooting for Bradley Cooper sa Oscars.
Pero palagay ko, ibibigay nila 'yan kay Rami e. Pinag-drag
siya, pinakanta, binigyan ng choreography (halos sumirku-sirko na), pinahalik
sa kapwa-lalaki. Nagperform siya at
nabigyan niya ng hustisya ang pagiging Freddy Mercury.
For me, it's a close fight between Bradley and Rami.
Sa lahat ng fans ng QUEEN, hindi niyo 'to dapat palampasin.
Magsisisi kayo kung sa DVD niyo lang 'to pinanood. Movie viewing treat siya.
Malalaman niyo ang origin ng halos lahat ng mga sikat nilang kanta. Kung may
time nga lang ako, sana sa IMAX ko na lang pinanood 'to e.
Isa sa pinakasatisfying na biopic na napanood ko. Hindi ako
umihi kahit isang beses at baka may ma-miss akong detalye.
VERDICT:
Apat na banga at ang buong pamilya ni Freddy Mercury naging
props lang sa pelikula.